Falling for my ex-suitor. Chapter 17 #habulan? #Anya. Saka lang ako nakahinga ng maayos ng tuluyan ng umalis si Amanda. Nakaka-ubos pala ng energy ang magalit. Haisst. Nakakapangit. Kaso hindi ko pwedeng palampasin ang ganoong scenario. Tinapunan ko ng nakakamatay na tingin si Zain. "Ano yon? Bakit naghahalikan kayo ng Deputa na yon?"pabalang na tanong ko kay Zain. Gustuhin ko mang maging mahinahon di rin pwede. Naiinis kasi talaga ako. "Ilang ulit ko siyang sinabihan na umalis na dahil wala na siyang aasahan sa akin. Pero mapilit talaga siya." "Ganon lang ang ginawa mo,sana man lang naglagay ka ng kahit kaunting force."Nangangalaiti pa rin ako dala ng matinding inis. Nako pasalamat talaga ang babaeng yon,hindi ko siya tinuluyang kalbuhin. "Sorry na bãbê."Sabay yakap niya s

