Falling for my ex-suitor. Chapter23 #why #Anya. Napalingon ako dahil sa sinabi niya. "Bakit ayaw mo na akong bumalik sa pagmomodel ko?" Pero hindi na siya sumagot. Basta nakayakap lang siya mula sa likuran ko. "Hoy bakit nga??kulit ko pa rin sa kanya."Zain naman eh,kapag walang rason hindi ko icoconsider ang sinasabi mo" Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim. Bakit ba ayaw niyang magsalita. "Ano na?" Malas niya umandar na naman kakulitan ko. "Saka ko na sasabihin kapag sinagot mo na ako." Inirapan ko siya. Ano? Pasuspense pa ang peg! Hindi pwede to! "Ano? Kailan pa yon ni hindi ka pa nga nag-umpisang manliligaw."nakasimangot na wika ko. "Babalik na tayo bukas,marami nang naghihintay na trabaho sa atin." Sa halip na wika niya. Ano yon? Umiiwas siya? Bahala na nga siya.

