CRISTINE DE GUZMAN
Naka ramdam ako ng mahinang yugyog sa balikat ko kaya ako nagising ng konti.
"Babe, goodmorning, gising na.. may pasok pa tayo." Rinig kong sabi ni allan.
Kahit na inaantok pa ay sinagot ko siya para hindi na niya ako kulitin. "Hmmm."
"I love you, mauna na ako ha? ma'lalate na kasi ako."
"Sige, sunod na ako maya maya lang."
"O sige, iwan ko yung susi sa side table, ikaw nang bahala dito ok?."
"Ok, love you."
"Love you, alis na ako."
"Ingat hon."
Maya maya lang ay tumayo narin ako para mag ayos ng sarili.
Kung saan saan ako rumaraket para kumita ng pera.
Wala naman kasi akong permanenteng trabaho dahil ayoko rin naman mag apply.
Lahat yata ng pinasukan ko nun ay nagka problema ako sa mga nakaka trabaho ko.
Hindi mawawala ang bida bida at sipsip na kasama sa trabaho.
Feeling taga pag mana kung umasta.
Dinaig pa 'yong may-ari kung mag utos at magalit. Pare pareho lang din naman kami ng sahod.
Kaya rumaket nalang ako, atleast hawak ko ang oras ko at mas malaki pa ang kinikita ko sa pag bebenta nang kung ano-ano online.
Palabas na ako ng bahay ng tumunog ang cellphone ko.
Ng makita ko nag caller ay napa ngiti akong sumagot. "Hellow hon."
"Kakarating ko lang dito sa work, ikaw nasaan kana?."
"Nag hihintay na ako ng jeep pauwi."
"Akala ko ba mag kikita kayo nila estella?."
"Dun nalang sa apartment, para makita narin n'ya yung in'offer ko na kwarto."
"Sure kaba dyan?."
"Oo naman, tsaka hindi naman iba si estella, para narin may kahati ako sa renta, nahihirapan narin kasi ako sa pag babayad."
"Sabi ko naman kasi sayo, lumipat kana lang sakin, ayaw mo naman."
"Pag usapan natin nextime ok? Sige na bye na, i love you."
"Love you, ingat ka, mag text ka pag karating mo."
"Opo." Isa pang i love you ang narinig ko mula sa kanya bago n'ya ibaba ang tawag.
Mag aapat na taon na kami ni allan. At araw araw ay hindi niya nakaka limutang sabihin sakin ang i love you.
Sa apat na taon ay hindi ko manlang naramdaman na nag loloko siya or nag sasawa na siya sakin.
Bagkos ay pinaparamdam niya sakin araw araw kung gaano niya ako kamahal.
Minsan nga ako na ang nag sasawa kausapin siya.
Tuwing may vacant time siya ay mag tetext sakin, kung minsan ay tatawag pag hindi agad ako maka pag reply.
Lahat sinasabi niya sakin.
Kung saan siya pupunta at kung sino ang mga kasama niya.
Sa sobrang updated niya sakin ay ni minsan ay hindi ako nag selos sa mga nakakasama nila sa inuman na babae.