Bumalik ako sa kwarto ng may dala ng basin at bimpo. Nang malinisan si alvin. Umupo ako sa tabi nito at tinitigan ang among mukha nito.
Anong problema alvin... Kausap ko dito na wala namang response dahil tulog na tulog na ito.
Bakit nag lasing ka may problema ba... Patuloy kong kausap dito. Hinimas ko ang mukha nito na para bang kinakabisado ang parte ng mukha nya.
Babe sorry....bulong nito at may patak ng luha ang dumaloy sa gilid ng mata nito. Hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng sakit sa salitang sorry babe. Ramdam ko ang sakit sa katagang binitiwan ni alvin.
Hindi ko na lamang binigyan pansin ang salita iyun ni alvin at lasing sya baka wala lang yun.
Una kong pinunasan ang kanyang mukha. Dahan dahan ko naman tinanggal ang suit nito. s**t! Kahit ilang beses ng may nangyari sa amin pero para bago parin ako ng bago dahil kinakabahan parin ako pag nakikita kong hubad si alvin.
Ilang butones nalang ang kailangan kong buksan ng hawakan ni alvin ang kamay ko.
No! I have a girlfriend! Lasing na ungol nito. Napailing nalang ako sa inakto ni alvin. Jusko! Alvin kahit lasing ka pinapakilig mo ako.... Kinikilig kong saad dito na binitawan narin ang kamay ko. Kaya naman natanggal ko na ang pang itaas nito.
Fuckshit! Pants na ang next! Biglang nanginig ang kamay ko sa kaba. Napatingin naman ang tingin ko kung ano ang nasa loob ng pants na yan. Jusko! Nagiging mahalay na ako at baka utak ko maging berde na sa iniisip ko. Naku! Maxine tumigil ka sa kalaswaan mo! Sigaw ng utak ko.
Mabilis ko nang tinanggal ang pants nito. Pinusan ko lang ang tiyan nito. Infairness may abs si alvin 6 packs. Sabagay may gym sya mismo dito sa bahay nya kaya naman hindi na nakakapag taka. Matapos kong punasan ang katawan nito ng masarap ang tulog. At kinumutan ko ito.
Tumabi na ako sakanya at yinakap na pagka higpit higpit na akala mo'y mawawala ito sa akin.
Nagising ako sa sikat ng araw. Tumayo na ako at mag hahanda ng breakfast ni alvin. Soup nalang at advil paniguradong may hangover sya pagka gising nya.
Naligo lang ako sandali at bumaba narin para mag luto. Mabilis lang ako natapos sa pag luluto kaya naman umakyat na ako sa kwarto. Naabutan ko si alvin naka upo at hawak hawak ang ulo. Sabi ko na nga ba hangover ang mararamdam nito eh.
Morning babe.. sabay halik ko sakanya. Nakatingin lang ito sa akin at na parang may mali sa akin.
Ngumiti na ako sakanya kaya naman ngumiti narin ito ng tipid. Ito babe kumain ka muna at uminom ng advil ng mawala ang hangover mo. Kumukain ito ng tahimik na nakakapag taka.
Hindi ko na matiis at nag tanong na ako. Babe may problema ba.... Tanong ko na patuloy paring nakain. Pinatapos ko muna syang kumain bago kausapin.
Inihanda ko na lang ang kanyang susuotin. At ako naman nag ayos na ng sarili at hihintayin nalang sya ng makapasok na sa trabaho. Tapos na itong kumain kaya naman lumapit na ako sakanya upang kausapin.
Babe bakit nag inom ka kagabi? Hindi kana man nag sabing pupunta ka sa bar? Tanong ko dito ng mahinahon.
Bakit kailangan ba lahat ng gagawin ko sasabihin ko sayo?! Nagulat ako sa inakto nya.
Hindi naman babe sana tinawagan mo lang ba ako para hindi na ako nag hintay sayo... Sagot ko dito.
Tumayo na ito at handa ng pumasok sa loob ng c.r ng bigla itong nag salita.
Lowbat ang cellphone ko at hindi mo na kailangan pang malaman kung saan ako nag pupunta. Sabay pasok nito sa c.r. Anong bang problema alvin bakit nag kakaganyan ka...
Natapos na itong maligo at ng lumabas ito hindi nya sinuot iyong hinanda kong suit nya. Tignan ko sya na parang nag tatanong ngunit hindi manlang ito nag salita. Pinabayaan ko nalang baka hindi nya gusto yung hinanda kong suit for him. I hope okay na yung mood ni alvin. Baka galit lang sya kanina dahil sa hangover.
Nakarating kami ng office ng walang pansinan. Pilit akong nag bubukas ng topic namin pero ang iikli ng sagot nya kaya naman tumahimik nalang ako.
Ganun parin ang tagpo namin sya busy sa mga papeles na nasa harap nya at ako naman nakatunganga lang. Mabilis ang takbo ng oras at tanghalian na kaya naman nag hahanda na ako at alam kung sa labas kami kakain.
Pero si alvin hindi yata napapansin ang oras at lumipas ang ala una ng tanghali pero hndi parin sya natayo puro coffee lang sya ng coffee. Tumunog naman ang tiyan ko kaya napatingin sya sa akin at sabay tingin sa relo nya.
Let's eat..... Saad nya at lumabas na ng office nya. Naipaling nalang ako. Mamaya kakausapin ko sya ng masinsinan at ng malaman ko kung mali ba akong ginawa.
Dito lang rin kami kumain sa loob ng building nato. May restaurants rin kasi dito sa loob. Dumating ang waiter at kinuha ang order namin. Tahimik lang ako at nakikiramdam kay alvin.
Babe kausapin mo naman ako oh, saad ko dito at kinuha ang kamay nya. Na mabilis naman ring binawi. Alvin may ginawa ba akong mali? Sabihin mo nama oh, ng alam ko para maitama ko saad ko.
Mamaya na tayo mag usap sa bahay at huwag dito... Mahinang saad nito na mukhang pinipigilang sigawan ako. Tumango nalang ako, tama sa bahay nalang at baka magka sigawan kami dito.
Dumating ang pagkain namin. Wala akong ganang kumain kaya naman unti lang ang kinain ko na halos walang bawas. Alam kong masamang mag aksaya ng pagkain pero wala talaga akong gana. Tumingin ako sa pagkain na nasa harapan ko. Magkano kana man kaya malamang sa malamang ang mahal ng halaga mo kausap ko pa sa pagkain ko. Nababaliw na ako!
Bumalik narin kami sa opisina nya. At ganun parin ang nangyari. Pilit kong iniisip kong anong maling nagawa ko. Kasi okay naman kami ng bago sya umalis ng bahay kahapon tapos ito bigla nalang syang hindi namamansin.
*Ring* tumunog ang cellphone ni alvin kaya napatingin ako sakanya. Tumingin rin naman sya sa akin. Sinagot nya ito.
"Hello",ok fine.... Sagot nito at binaba na ang tawag.
Kinagabihan
Naglalakad na kami papunta kung nasan naka park ang kotse. Nasa unahan si alvin at ako naman ang nasa likuran nya. Akala ko sasakay na sya sa driver seat pero hindi hinantay nya ako at pinag buksan ng pinto ng kotse. Napangiti ako, kahit hindi ako kinikibo ni alvin nandon parin ang pagiging gentleman nya.
Nakarating kami sa bahay ng tahimik. Mukhang wala si emelda smith. Iniipon ko lang lahat ng ebidensya na mag didiin sakanya ng hindi na sya makalaya kailan pa man.
Umakyat na ako agad at nang makapag palit ng damit. Bumaba ako at Dumeretsyo sa dining area at nakita ko naka handa na lahat. Natagpuan ko si alvin na naka upo sa pwesto nito.
Nakatulala ito habang umiinom ng alak. Alvin hindi kaba muna kakain. Wala kapang kinakain.... Saad ko dito at hindi parin ako pinapansin.
Hindi nalang muna ako kumain at hihintayin ko syang matapos at sabay na kami kakain. Napasin nya yatang ang tahimik at walang kutsura and tinidor na kumakalansing. Napatingin naman ito sa akin.
Kumain kana at hindi ako kakain..... Saad nito sa akin at iniwas muli ang tingin. Hindi nalang ako sumagot pa at baka mas lalo syang magalit sa akin.
Kumain ako ng tahimik at panay panay ang tingin sakanya. Kaunti lang rin ang nakain ko kaya mabilis akong natapos. Niligpit na ng mga kasambahay ang pagkaing natira kaya naman ako nandito lang sa tabi ni alvin at tahimik na pinag mamasdan sya.
Walang nag sasalita sa amin kaya naman naiinip na ako gusto ko na syang kausapin.
Nagulat ako kasi bigla itong nag salita
Umakyat kana sa taas..... Saad nito. hindi ako tumayo at hihintayin ko lang sya matapos mag inom.
Alvin diba mag uusap pa tayo.... Sagot ko na mahina.
UMAKYAT KANA SA TAAS! ILANG BESES KO DAPAT ULITIN! galit na galit nyang sigaw sa akin sabay tapon ng basong may laman ng alak. Kaya naman napatayo ako bigla sa gulat. Nakita ko ang maid na nagulat rin at mabilis nitong niligpit ang basong nabasag.
A-Alvin pwedeng hindi kana man sumigaw....utal kong turan sakanya.
Umakyat kana at sa taas tayo mag uusap... Saad nito na mukhang nag titimpi na hindi na ako muling masigawan.
Umakyat narin ako sa taas. Naisipan kong mag linis na muna ng katawan. Lumabas ako ng c.r pero wala parin si alvin. Nag bihis na ako ng pantulog at saktong pumasok si alvin kaya naman umupo ako sa kama at nang makapag usap kami ng maayos.
Umupo ito sa tapat ko kaya ngayon magkatapat na kami.
Anong ginawa mo dito kahapon anna? Tanong nito sa akin. Kaya naman naguluhan ako sa tanong nito. Pero sinagot ko parin ito.
Nagpahinga lang ako dito babe diba masama ang pakiramdam ko.... Sagot ko kay alvin habang nakayuko. Kahit nakayuko ako napansin ko naka ngisi ito at napailing. s**t! Kinabahan ako bigla.
Talaga bang nagpahinga ka dito sa bahay kahapon? Tanong nito sa akin na may pang uuyam. Napatingin ako dito bigla.
Oh! Mukhang kinabahan ka yata! Pag aasar nito kaya naman inayos ko ang expression ng mukha ko.
Maghapon lang ako dito babe at-
Hindi ko pa natatapos ang sinabi ko ng bigla nya akong hablutin sa braso kaya naman napatayo ako bigla.
HUWAG KANANG MAGSINUNGALING PA! ALAM KUNG LUMABAS KA KAHAPON! ANONG AKALA MO HINDI KO MALALAMAN HAH! galit na galit nyang sigaw sa akin at mas lalong diniinan ang pag hawak sa braso ko.
Aray! Saad ko habang nasasaktan. Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak ni alvin sa braso ko.
ALAM KO KUNG SAAN KA NAG PUNTA PERO GUSTO KONG GALING MISMO SA BIBIG MO KUNG SAAN KA NAG PUNTA!
HINDI KO ALAM ANG SINASABI MO ALVIN! AT NANDITO LANG AKO SA BAHAY MO! sigaw ko rin sakanya at pilit tinatanggal ang pagkaka hawak nya sa braso ko.
SO! ITINATANGGI MO YUNG PAG LABAS MO SA BAHAY KAHAPON? HAH! ITATANGGI MO PA ITINAWAGAN KO SI YAYA MELDY AT SINABING NASA KWARTO KA NAG PAPAHINGA. EH, PAANONG MANGYAYARI YUN IBINILIN KO KAY MR. GARRY NA TAWAGAN AKO PAG UMALIS KA! AKALA MO SIGURO NASA BAKASYON PARIN SI MR. GARRY! AT ITINAWAG NYA AGAD SA AKIN NA UMALIS KA AT NAKITA NYA MISMO NA UMALIS KA NALAMAN NYANG WALA KA SA KWARTO MO! Galit na galit nyang sigaw sa akin na mas lalong nagpa galaiti sakanya dahil sa pag sisinungaling ko.
Bakit hindi ko alam na kahapon ang uwi ni Mr. Garry ang butler ni alvin na galing sa bakasyon. s**t! Naging pabaya ako.
Ah-
ANO?! ITATANGGI MO! HINDI AKO TANGA ANNA PARA MANIWALA SA ALIBI MO! AT DINAMAY MO PA SI YAYA MELDY SA KASINUNGALINGAN MO! UMAMIN KANA SAAN KA NANG GALING KAHAPON! ALAM MONG AYAW NA AYAW KO SA SINUNGALING! ALAM MO YAN DIBA!
ANO MAY KINITA KABA SA LABAS?! HUH! MAY LALAKI KA! ANO NILOLOKO MO AKO HUH! Sigaw nya pa at pabalang akong hinagis sa kama.
Napaiyak na ako dahil sa pag sisinungaling ko.... Tumingin ako kay alvin na ngayon sinasabunutan na ang buhok. Pinunasan ko ang mata ko na puno punong ng luha.
Babe... lumapit ako kay alvin pero lumayo ito sa akin. Lalo akong napaiyak dahil sa isang kasinungalingan ko umabot sa ganto.
Oo, lumabas ako kahapon at nag punta ako sa presinto at nag bigay ng salaysay tungkol sa nangyari sa parking lot. Pero wala akong Lalaki alvin ikaw lang... Saad ko dito at pilit paring lumalapit sakanya. Lumayo itong muli sa akin.
May aaminin ka paba? Tanong nya sa akin. Umiling ako bilang pag sagot. Sigurado kabang wala na? Tanong nyang muli.
Paano mo malulusutan yung napanuod ko mismo sa cctv na ikaw yung nakipag buno mismo sa lalaking nasaksak! Kaya pala sabi mo hayaan nalang natin sa guard yun pala ayaw mong malaman ko!
Ang malas mo lang kasi lumapit sa akin yung guard na inutusan mong dalhin sa hospital ang nasaksak at pinatawag mo pa ng pulis!
Bakit kailangan mong magsinungaling kung pwede mo namang sabihin sa akin at isa pa umalis ka ng masama ang pakiramdam mo! Ano ba ako sayo anna? Alam mong ayaw na ayaw ko ng niloloko ako. Deretsyong saad nito habang nakatingin sa aking mga mata at may luha sa mga mata nito.
Iyak ako ng iyak dahil alam kong mali ako,lalo na nakikita kong umiiyak si alvin dahil sa akin. Alam kong may trust issue si alvin.
Babe mag papaliwanag ako- hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko lumabas na ito. Ang sunod ko nalang narinig ang ingay ng kotse na paharurot.