Kabanata 30 ♣️

1952 Words
Hindi ko alam kung saan pupunta si alvin. Kaya naman naisipan kong tawagan si xandro. Iyak ako ng iyak pilit kong pinipigilan pag iyak ko pero pag pumapasok ang tagpong nasaktan ko si alvin kusang naluluha ako. Hello xandro alam mo bang kung nasan si alvin? Si alvin tumawag sya sa akin at pinapapunta nya kami ni angelo sa bar... Saad nito. Atleast ngayon alam ko na kung nasan si alvin at kung sino ang mga kasama nito. May tiwala naman ako sakanilang dalawa ni angelo kaya alam kong hindi mapapahamak si alvin. Ganun ba, sige xandro paki alalayan nalang si alvin pag nalasing na sya. Hindi muna ako pupunta jan at galit kasi si alvin sa akin..... Saad ko dito habang humihikbi. No problem, wait umiiyak kaba? Tanong nya sa akin. Ahm, hindi xandro sige si alvin ah, thank you...sabay pinatay ko na rin ang tawag. Kailangan kong tapusin na ito at mag tatapat na ako kay alvin. Hindi mag tatagal ang relasyon namin kung may isang nag lilihim ng sekreto kaya naman tatapusin ko na agad itong mission na ito. Kinuha ko ang ballpen ng daddy ni alvin at pinakinggan ito. Marso 1,2*** Alvin anak alam kong may sama kayo ng loob sa akin ng kapatid mong si princess pero ang gusto ko lang maramdaman nyong muli ang pag mamahal ng isang ina na mamahalin kayo kung gaano kayo kamahal ng mommy nyo. Pero sorry alvin anak kasi mali ng napili si daddy nyo. Akala ko mapupunan ni emelda ang pangungulila nyo sa mommy nyo pero hindi pala. Mahal na mahal ko kaya ng kapatid mo. Sana bago manlang ako mawala sa mundong ito may katuwang kana sa buhay, na magmamahal sayo. Mag aalaga at mamahalin ka ng totoo at higit sa lahat hindi ka iiwan sa oras ng problema. June 23, 2*** Hi my princess. How are you? I hope your okay....bungad ng ama ni alvin. Alam kong ikaw ang pinakalabis na nasaktan ng mag asawa akong muli. Akala ko pag asawa ako ng bago matutuwa ka kasi may bago kanang mommy pero mali pala ako my princess kasi mas nasaktan kita aking prinsesa. Sorry my princess kung mali ng napili si daddy na bagong mommy mo siguro kung tama siguro ang napili kong magiging bagong mommy nyo hindi ka magagalit sa akin at iiwan kami ng kuya mo. Pero ang idea palang mag asawang muli ay mali na talaga dahil tama ka nga hindi nyo naman na pala kailangan ng bagong ina na pupuno sa inyo ng pag mamahal kasi ako at ang kuya mo sapat na para sayo kahit wala na ang mommy mo. Sorry my princess sana patawarin mo ang daddy. Mahal na mahal ko kayo ng kuya mo. Alam kung kaya mabuhay ng walang tulong ko kasi alam kong malakas ka at malakas ang loob mo. Napatunayan ko naman iyan my princess. Kahit malayo ka sa amin ng kuya mo may balita parin ako sayo. Hindi mo alam pinapasundan kita lagi kung saan kaman mag punta ay may balita ako sayo kaya nakikita ko at alam kong kaya mong mabuhay ng walang tulong galing sa akin. Mahal na mahal kita my princess kung mawala man ako sa mundo sana huwag mong sisihin ang sarili kung bakit hindi mo ako ka agad pinatawad. Mahal ko kayo ng kuya mo. Naiyak ako sa voice record ng tatay ni alvin. Hindi ko alam kung bakit ang bigat bigat pakinggan ng mga sinabi ng tatay nya. Sunod ko naman pinakinggan ang pinaka bago lang. November 14, 2*** Nandito ako sa library. Anak alvin kung mamawala man ako iiwan ko itong ballpen na ito na irinigalo ng mommy dito sa table ko. Ito ang tutulong sayo. Itong araw na ito sumugod si emelda dito sa library ko at galit na galit ito ng malamang hindi ko iiwan ang company sa anak nya. Gusto ni emelda na ipangalan ko ang smith corporation kay luke na anak nya pero hndi ako pumayag dahil sayo ko pinangalan ang company at ang iba pang ari-arian at hinati ko sa inyong dalawang magkapatid. Nakapangalan narin ang mga iniwan sa inyo ng mommy mo. Alam kong mangyayari ito kaya naman ginagawa ko ito. Ingatan mo ang company alvin dahil pinag hirapan namin ng mommy mo ang kompanyang iyan at maraming umaasa na empleyado sayo kaya umaasa akong iingatan mo ito at hindi makuha ni emelda at ng anak nyang si luke. Doon natapos ang voice record na iyon at may isa pa kaya naman pinakinggan ko rin ito. Galit na galit na pumasok si luke dito sa library at kwenilyuhan ako. Galit na galit rin sya ng malaman na wala akong iniwan sakanya at sa kanyang ina kaya naman binantaan ako nitong papatayin nya ako pag hindi ko sakanya ipapangalan ang smith corporation. Pero wala silang magagawa nasa family attorney na natin ang will and testament Ko. Tapos na ang voice record at yun ang pinakahuli. Kung ganun maaaring hindi talaga namatay sa sakit sa puso si mr. Bernard kundi pinatay talaga sya kasi may pag babanda sakanya si luke. Maaari kayang si luke ang pumatay sa daddy ni alvin lalo nat ayun kay alvin wala talagang sakit sa puso ang ama nya. Binasag ng katahimikan ng tawag ni xandro. Hello xandro...... Kumusta si alvin tanong ko dito. Mukhang hindi yata ako naririnig at ang ingay. Anna lasing na lasing si alvin hindi ko na sya maiuuwi jan at medyo lasing rin ako. Dito ko nalang sya patutulugin sa kwarto nya dito sa third floor. Saad nito sa akin. Ganun ba sige xandro ikaw na muna ang bahala sakanya at hahayaan ko muna sya hanggang sa malamig na ang ulo nya at makapag usap na kami ng maayos saad ko dito. Sumang ayon naman ito at pinatay na ang tawag. Kinabukasan..... Gumising ako ng maaga para ipaghanda si alvin ng breakfast nya. Pero na late parin ako ng gising siguro dahil sa pagod kakaiyak. Alam kong uuwi yun dito. Pero natapos na ako lahat lahat mag asikaso wala parin si alvin kaya naman naisipan kong balutin nalang lahat ng niluto ko at dadalhin ko nalang sa office nya. Nagmaneho ako ng mabilis. Na miss kong sumakay sa baby nmax ko kaya naman pinaharurot ko ito. Hindi nag tagal nakarating rin ako sa company. Dumeretsyo ako opisina nya. Naabutan ko si allise na mukhang wala sa mood. Morning allise bakit mukha kang badtrip ang aga aga ah! Bati ko dito na nakabusangot parin. Paano nasigawan kami lahat ni boss dahil hindi namin nakuha ang malaking investor na iniexpect ni boss alvin. Kaya yun lahat kami nabugahan ng apoy. Tumingin naman ako sa oras at nakita ko alas nwebe na nang umaga. s**t! Late pala akong ng isang oras. Dahan dahan akong pumasok sa office nya at naabutan ko itong nag kakape at pumipirma ng mga tambak nyang babasahin at pipirmahan. Tinitigan ko ito na mukhang walang hangover. Napabuntong hininga na lamang ako at mukhang hindi nya pa yata ako napapansin. Ahm, babe morning... Alanganin kong bati dito at hindi parin ako pinapansin. Babe nag dala ako ng breakfast mo... Ngiti kong saad dito kahit hindi naman sya nakatingin. Ayaw kong kumain... Sagot naman nito hndi parin natingin sa akin. Kumain ka babe kahit kaunti lang ako nagluto nyan... masaya ko pang saad. AYAW KO NGANG KUMAIN! Sigaw nya sa akin at ngayon nakatingin na sya sa akin. Iniwas ko naman ang tingin ko at yumuko na. Parang may nakabara sa lalamunan ko na palatandaan na maiiyak na ako. Sige babe ibibigay ko nalang kay allise ito....lumabas narin ako at binigay kay allise yung pagkain. Dumeretsyo ako sa rooftop para mag labas ng sama ng loob. Nakatingin ako sa langit at pinagmamasdan ito. Ang ganda pala ng langit ngiti kong saad sa sarili ko. Gaano ba kataas ang langit? May hangganan ba ito? Anong mas malawak ang langit or ang dagat..... Tanong ko habang masayang pinagmamasdan ang mga ulap. Sa lahat ng tanong na yan walang may alam kung ano ang sagot. Pero bakit ako may choice naman kung magsisinungaling ba ako or hindi pero mas pinili ko ang magsinungaling dahil ayun sa tingin ko ang makakabuti sakanya. Pero tama hindi mo malalaman kung tama ba or mali ang desisyon mo pag nakapili kana sa dalawa. At doon mo lang malalaman kung tama ba talaga ang pinili mo. Lintek parang wala yatang connect yung mga pinag sasabi ko. Natawa nalang ako sa kabaliwan ko. Hindi rin nag tagal bumalik narin ako sa office ni alvin dahil masakit na sa balat ang init. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng makita ko may kausap si alvin. Kung titignan ito mukhang nasa late 50s or 60s na ito. Masinsinan silang nag uusap at mukhang seryoso yata ang pinag uusapan at hindi nila ako napansing pumasok. Sana hijo tuparin mo ang pinangako mo at sayo nakasalalay- hindi ko pa natatapos marinig ang sinasabi ng kausap ni alvin dahil tumayo nasi alvin at sumagot nasa kausap nya bilang pagsang ayon. Dumapo ang tingin ni alvin sa akin at mukhang nagulat yata sa biglang pag sulpot ko. Tumingin rin naman sa akin ang matanda at mukhang kinikilatis ang pagkatao ko. Yumuko nalang ako at umalis narin ito sa harapan ko. Sinundan ko ng tingin si alvin at ang matanda hanggang nakalabas na ito. Bumalik si alvin na para bang problemadong problemado. Tinitigan ko ito at napansin ko na parang stress ito. Alvin pwede bang pag usapan natin ang nangyari kagabi.... Mahina kong saad dito na mukhang walang balak akong pansinin. Alvin pag usapan naman natin yung problema natin- Ayaw kong pag usapan yan.... Saad naman nito at hindi parin tumitingin sa akin. Pero alvin kailangan nating pag usapan natin ito ng maayos natin ang problema natin at- HINDI MO BA NAKIKITA ANG DAMI KONG KAILANGANG GAWIN AT TAPUSIN! sigaw pa nito. Pero alvin gusto ko lang naman pag usapan natin ng maayos natin at malaman mo ang dahilan ko- WALA AKONG PAKIALAM SA SASABIHIN MO! AT ISA PA MAY PROBLEMA PA AKO! PWEDE BANG HUWAG KANANG MAGSALITA AT NAIIRITA AKO SAYO!! galit na galit nyang sigaw sa akin. Doon na ako naiyak. Dahil ayaw nya akong pakinggan ang gusto ko lang naman pakinggang nya ako at ng maayos namin ang problema namin. Alvin ano ba naman yung isang oras or kalahating oras para pakinggan mo ako at magpaliwanag sayo. Hindi aabutin ng dalawang oras ang paliwanag ko at isa pa pwede mo naman yang balikan.... Umiiyak kong saad sakanya. Ang gusto ko lang babe pag usapan natin para magkaayos na tayo kasi ang sakit sakit eh, binabalewala mo ako. Hindi ko kaya nang ganto tayo. Hindi ko kaya ng hindi ka kasabay pagkain sa pag gising ko kanina hinahanap kita pero wala ka kasi galit ka sakin. Naiintindihan ko naman kung galit ka pero babe huwag namang ganito ang sakit sakit dito.... Sabay turo ko kung nasan ang puso ko.... Umiiyak kong sabi sakanya. Na umiwas naman ng tingin. WALA AKONG PAKIALAM SA WALA MUNG KWENTANG PALIWANAG KAYA PWEDE BA TUMAHIMIK KA!! naiirita nya pang sigaw sa akin. At ako naman nakatingin sakanya na parang hindi makapaniwala. Lumabas na ako ng office nya habang umiiyak dahil hindi ko kaya ang pang babalewala sa akin ni alvin. Derederetsyo akong nag lalakad at wala na akong pakialam sa mga nababangga ko. Bago pa ako maka alis narinig ko pa ang maarteng tinig. Nanjan ba si alvin baby... Tanong sa maarteng tinig na alam ko naman kung kanino ang maarteng boses na yan. Binalewala ko nalang iyon dahil sa patuloy parin ako sa pag iyak. Sumakay na ako sa elevator at patuloy parin sa pag iyak kaya naman pinag titinginan ako ng mga kasabay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD