Tinawagan ko si travis dahil hindi ko kayang mag maneho at baka ma-aksidente pa ako. Nag hintay lang ako sandali sa labas ng company at nakita ko na agad si travis na tumatakbo palapit sa akin. Mas lala akong naiyak dahil alam kong may tao akong iiyakan at hindi ako iiwan sa oras nato.
Sinalubong nya ako ng yakap kaya naman iyak ng iyak na ako. Hindi sya nagsalita at hinayaan nya lang akong umiyak sa dibdib nya. Napatingin naman ako sa paligid at nakita ko marami ng taong tumitingin kaya naman mas tinago ko pa ang mukha ko sa dibdib ni travis.
"Hsssh" iiyak mo lang. Nandito lang ako sa tabi mo... Malambing nyang saad sa akin at sinabayan pa nito ng pag himas sa likod ko na para bang pinapakalma ako.
Tumahan narin ako. Tumingala naman ako at nakitang nakangiti si alvin sa akin na parang nagsasabi na magiging okay rin ang lahat. Ngumiti sya at hinalikan pa ang aking ulo. Ganyan si travis napaka sweet nakaibigan.
Let's go and I'll give you your favorite ice-cream....alam na alam ni alvin ang comfort food ko. Ngumiti ako sakanya at umalis narin kami.
Dinala ako ni travis sa MMM Mall at dumeretsyo kami sa ice-cream parlor kung saan nabangga ko sya dati. Umupo na ako agad at si travis naman umorder na ng ice-cream ko at sakanya.
Bumalik ito na dala dala na ang favorite ice-cream kong rocky road at sakanya naman Coffee crumble. Tahimik lang ako habang inuubos ang ice-cream ko nang mag salita si travis.
Tom what happened? Bakit umiiyak ka kanina? Alanganin nyang tanong. Alam kong hindi ugali ni travis makialam sa problema ng iba pero pag dating sa akin nagiging pakialamero sya.
May hindi lang kaming pagkakaintidihan ni alvin. Dont worry magkaka-ayos rin kami... Ngiti ko dito sabay iwas ng tingin. Aayusin ko itong problema ng bumalik na ang dating alvin ko.
Alam kong marami itong tanong pero hindi ko gustong mag kwento kaya naman hinayaan nalang ako nito.
Naisipan ni travis sa bahay nalang kami kumain ng tanghalian. Paniguradong matutuwa si nana rosie at kasama ko si travis. Hindi rin nag tagal nakarating kami sa bahay ng tahimik.
Kakapasok palang namin ni travis na aamoy na namin ang mabangong afritada ni nana. Special dish ni nana ang afritada kaya naman naging Favorite na namin ni travis ang afritada ni nana.
Naabutan ko si nana nakaharap sa kalan at mukhang tinitikman ang niluluto nya kaya naman niyakap ko ito.
Ay p**e kang bata ka! Lintek ka apo ano ba naman yan papatayin mo ba ako?! Sigaw nya kaya naman natawa ako at yinakap syang muli.
Nana namiss kita sobra... Sabay halik ko sa pisngi ko. Natawa nalang si nana at sanay na sanay na sya sa akin na bigla bigla nalang nang hahalik. Namiss rin kita apo... Nakangiti nitong sagot.
"Mukhang nagbobonding yata ang mga magaganda kong babae ah" natatawang wika ni travis kaya naman napatingin si nana kay travis na mukhang tuwang tuwa at nandito na naman ang paborito nyang taga ubos ng tira tira.
"Apo travis buti bumalik ka" masayang saad nito kay travis at yumakap kay travis na akala mo ang tagal tagal na hindi nagkita eh nagpunta naman dito si travis ng nakaraan. Napailing nalang ako at natawa sa dalawa.
Maghanda na kayo ng plato at kakain na tayo... Masayang saad ni nana kaya naman si travis mabilis kumilos.
Naku! Nana sobrang namiss ko ang afritada mo kaya malamang marami akong makakain nito at baka ako na naman ang umubos ng tira.... Natatawa nyang saad habang hinahanda ang plato.
Nakaupo na kaming lahat kasama ang dalawang kasambahay. Sinanay ako ni nana na sabay sabay kaming kakain. Hindi ko sila tinuturing na isang kasamabahay kundi pamilya na ang turing ko sakanila. Pero kahit ganun ginagalang parin nila ako at si nana.
Nagdasal na si nana. At pinag lagyan ko naman ng kanin at ulam si nana... Ngumiti naman ito bilang pasalamat.
Delicioso! Tuwang tuwang saad ni travis at sunod sunod pang sumubo. Natawa nalang kaming lahat dahil mukhang namiss nya talaga ang luto ni nana.
Naku! Lahat naman sayo masarap hijo kaya naman for sure mauubos mo lahat ng tira..... Naiiling na saad ni nana kay travis na mukhang hindi na nakikinig at busy na busy sa pagkain nya.
Ang daming laman ng plato ni travis akala mo mauubusan sya. Kung makikita lang si travis ng iba iisiping patay gutom si travis pero sanay na kami kay travis dahil noon pa man ganyan nayan kaya hindi na bago sa amin ang ganyang ugali ni travis.
Hindi nga kami nagkamali dahil tapos na kaming lahat kumain at nakapag dessert narin kami pero si travis nakain parin at ang bansot nato ang lakas kumain pero hindi naman nataba.
Pero ang bansot na travis pang model na ang katawan at makalaglag panty na pero ako lang yata ang hindi na aattract sakanya. Pero kung ibang babae lang baka tumulo na ang laway at mukhang habulin narin ng mga babae ngayon.
Tinawag ako ni nana sa garden. Apo alam kung may problema ka. Nakikita ko sa mga mata mo na malungkot ka ngayon... Saad nito sa akin at napaiwas naman ako. Kahit hindi ako magsalita or magkwento kilalang kilala ako ni nana simula sa paa hanggang sa ulo. Kaya alam nya ngayon ang nararamdaman ko.
Nakangiti ka pero may lungkot sa mga mata mo. Sabi ko nga sayo hindi man magsalita ang bibig mo pero ang mata mo ang nangungusap.
Kilalang kilala kita apo kaya alam ko kung kailan ka malungkot or masaya.....saad nito kaya naman napatingin na ako dito at kusang lumabas ang luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas.
Alam ko ring may connection ang trabaho mo sa problema mo diba... Tanong nya na parang siguradong siguradong ito. Napatango ako at lumapit naman ito para pahirin ang luha ko.
Sabi ko sayo noon na darating ka sa point na magiging problema mo yang trabaho mo nayan sa buhay mo. At pinapili kita kung anong pipiliin mo trabaho mo or yung taong mahalaga sa buhay mo pero ang sagot mo hindi mo igigive up ang trabaho mo kung kaya mo namang piliin ang dalawa. Sa sagot mo nayun napatunayan mo lang sa akin na hindi mo kayang bitawan ang isang bagay na naging mahalaga na sa buhay mo.
Ang sabi ko sayo may choice ka kung pipiliin mo yung dalawa na sa tingin mo deserve i keep mo or pipili ka sa dalawa na may bibitawan ka na sa tingin mo hindi mo sya deserve i keep pero ang sabi mo pipiliin mo ang parehas kong kaya mo naman.
Kaya ang tanong ko sayo apo kaya mo bang i keep ang dalawa or bitawan ang isa na sa tingin mo kailangan munang bitawan. Tumingin ako kay nana. Napangiti nalang ito.
Alam kong pipiliin mo parehas dahil yan ang kilala kong maxine na hindi kayang bitawan ang mahalaga sakanya. Kaya naman ang payo ko lang sayo kung gusto mong maayos ang problema mo piliin mo ang pagkatotoo mo. Huwag mong itago ang tunay na ikaw sa katauhang hindi naman talaga nag eexist sa mundo. Ngumiti ako kay nana at yinakap ito.
Tatapusin ko na po itong mission nato at aaminin ko na lahat kay alvin dahil hindi nya deserve ang saktan at lokohin. Dapat kung may nakakaalam ng worth ni alvin ay ako yun.... Sagot ko at sinuklian naman ako nito ng yakap.
Kaya mo yan apo, alam kong kaya mo na magpakatotoo sa harap nya. Masayang saad nito. Hyst! Tara na nga sa loob at baka wala na tayong pagkain dahil nandito ang Bestfriend mo na matakaw.... Natatawa nyang saad.
Masaya naman po kayo pag nanjan si travis lalo na ang takaw takaw nito...natatawa kong saad dito at natawa nalang rin si nana.
Ano yang naririnig ko? Pinag uusapan nyo ako!.... Saad ni travis ni mukhang naririnig yata na pinag chichismisan namin sya.
Ang sabi ni nana huwag kana daw pumunta dito at inuubos mo raw ang pagkain namin.... Pang aasar ko sakanya at bumasangot naman ito.
Ganun nana hindi mo na ako love? Sige ganun hindi na ako pupunta dito... Nagtatampo nyang saad sa amin na mas lalong nagpatawa sa amin ni nana.
Tapos pinagtatawanan nyo pa ako! Hindi ko na kayo love! sabay pamaywang nito. Mas lalo kaming natawa ni nana kaya naman mas lalong bumasangot ang mukha ni travis.
Haynaku! Ang paborito ko talang taga ubos ng pagkain nag tatampo na.... Natatawa pang saad ni nana kaya naman ang mukha ni travis hindi na maipinta.
Tara nga dito travis apo... Lumapit naman ito kay nana na mukhang hindi parin maipinta ang mukha.. Natawa nalang ako sa kalokohan nito. Ganyan si travis may pagkaisip bata kaya naman minsan pag nagtatampo sya hindi nya ako kakausapin.
Alam mo naman na love na love ka ni nana diba? Tanong pa ni nana kay travis na hindi parin natingin at mukhang nagtatampo parin ito.
At alam mo rin naman na ikaw ang second favorite ko diba? Lambing saad ni yaya kay travis.
Malamang nana dalawa lang naman kami ni max. Pero second lang ako! Dapat ako ang first! Nagtatampo nyang saad kay nana na mukhang tuwang tuwa sa pagtatampo ni alvin.
Uy! Tumigil ka! Anong ikaw dapat ang first huh! Ako ang first dahil ako ang anak ng papa at mama ko na inalagaan ni nana kaya huwag kang feeling jan! Kapal mo bansot! Sigaw ko dito na mukhang lalong hindi na maipinta ang mukha.
Tignan mo nana yan ba ang favorite mo? Eh nang aaway? Dapat ako ang favorite mo kasi good boy ako at maginoo ako! Mayabang nyang saad kay nana na tuwang tuwa sa amin ni alvin habang nag aaway.
Parehas ko kayong favorite at love kaya naman huwag na kayong mag away... Tuwang tuwang turan ni nana sa amin. Tumingin naman ito sa akin at ngumiti at ganun kay travis na mukhang hindi parin satisfied sa sagot ni nana.
Pero syempre mas favorite ko si maxine.... Wika nya na ngayon nang aasar na. ang mukha ni alvin ay hindi na talaga maipinta sa sobrang busangot. Natawa nalang kami ni nana dahil hindi matanggap ni alvin ang sagot ni nana.
Kinagabihan umuwi narin si travis at mukhang may gagawin na yata. Pero ang bansot dito parin kumain kaya naman busog na busog yun bago umalis. Nasa kwarto na ako at nakahiga na.
Tinititigan ko ang cellphone ko at umaasang tatawag or magtetext si alvin pero kahit isa wala. Hindi ako umuwi sa mansion nya dahil gaya ng sinabi ko gusto ko munang huminga sa mga nangyayari. Paikot ikot na ako dito sa kwarto pero hindi parin ako makatulog. Nakailang tingin narin ako sa cellphone ko pero wala talagang text man or tawag.
Napatayo ako at lumabas sa verenda ko dito sa kwarto ko at tumingin sa langit. Napangiti ako dahil sa ganda ng langit. Maraming bituin nakapalibot sa buwan napangiti naman ako dahil sa buwan na ay naalala ko ang sinabi ni alvin na sya ang moon ako naman ang star na nakapalibot sakanya. Nabasag ng isang katok ang pagmumuni ko. Binuksan ko ito at nakangiting mukha ni nana ang nabungaran ko.
Apo dinalhan kita ng gatas. At alam kung mahihirapan kang makatulog.... Nakangiting saad ni nana. Nana talaga kahit kailan hindi ako nakakalimutang dalhan ng gatas sa tuwing hindi ako makatulog. Ngumiti lamang ito at tinititigan ako habang umiinom ng gatas.
Maya-maya nag salita ito. Sana apo maging masaya ka sa buhay mo at sana kung masaktan kaman matuto kang magpatawad dahil ang taong may hinanakit sa puso sila yung mga taong hindi tunay na nagiging masaya.
Sana kung ano mang problema harapin mo ito. At kung mapagod kaman magpahinga ka lang at patuloy paring lumaban. Mahal na mahal kita apo... Masayang wika nito sa akin na may kasamang pag iyak kaya naman na iyak rin ako.
Nana bakit nyo sinasabi yan? Para bang nagpapa alam kayo s akin? May sakit ba kayo? Naiiyak kong tanong.
Wala apo nag dradrama lang si nana syempre gusto ko lang na maging matatag ka sa lahat ng oras.... Ngiti nitong saad sa akin at pinunasan ang luha nito.
Syempre naman nana pinalaki mo akong matapang syempre nasa tabi ko ang pinaka supportive na nana sa buong mundo....mayabang kong saad dito na nagpangiti naman kay nana ng pagkalawak lawak. Bumaba narin si nana at matutulog na daw sya at pagod na raw sya.
Hindi ko alam bakit parang iba ang pakiramdam ko sa sinabi ni nana. Napailing nalang ako dahil kung ano ano ang sinasabi ko.