Matagal tagal rin ang aming tinagal sa sementeryo kaya naman inabot na kami ng tanghalian. Nandito kami sa restaurant ng kaibigan ni boss na talaga naman maraming kumakain kahit halatang mahal.
Mayayaman lang ang makakain dahil Modern Thai Cuisine ang mga sine-serve nila dito.
Feeling ko tuloy nag de-date kami kahit hindi naman talaga assumera lang ako. Kaka serve palang ng mga inorder ni boss,busog na agad ang mata ko dahil sa istura palang ng pagkain parang ayaw kong galawin dahil sobrang ayos ng plate presentation.
Kumakain rin naman ako sa mga gantong restaurant pero minsan lang dahil hindi naman ako mahilig kumain sa labas dahil mas prepare ko ang luto ni nana rosie.
Ayaw mo ba ng mga inorder ko? Nahihiyang tanong ni boss sa akin.
Hindi naman boss masyado lang ako nagagandahan sa ayos ng pagkain. Bakit boss ang dami nyong inorder? Tayong dalawa lang naman ang kakain. Nagtatakang tanong ko kay boss.
Gusto ko kasi marami tayong lakas para sa susunod nating pupuntahan.
Bakit boss huling hapunan na po ba natin ito? nag bibiro kong tanong.
Ano ba yang sinasabi mo at anong huling hapunan, bakit sa tingin magpapakamatay tayo? Ano yun bago tayo magpakamatay lulubos lubusin natin ang pagkain dahil sa langit walang pagkain.
Nagbibiro lang ako boss at ang tanong boss sa langit ba talaga tayo mapupunta. Seryoso kong tanong ko sakanya.
Walang nakaka alam kong saan ba talaga ang hahantungan natin. Basta ang alam ko habang nandito tayo sa mundong ibabaw gawin na natin ang mga bagay na sa tingin natin makakapag pasaya satin. Huwag nating sayangin ang buhay na pinahiram sa atin ng Diyos. Seryoso ring sagot ni boss sa akin
♣️
AYAW KO NA!!!!!! IBABA NYO NA AKO! Sigaw kong muli habang naka sakay sa roller coaster. Punyeta hindi ako takot pag may mission akong kailangan umakyat sa mataas na pader or sa matataas na building dahil alam kong may mga gamit kaming ginagamit para hindi mahulog pero sa lintek na roller coaster na Ito wala akong Tiwala.
Kahit ba sabihin na may harang naman Para hindi mahulog pero Parang matatanggal ang kaluluwa ko dahil sa pabigla biglang pag taas at pag baba.
Pagkababa ko binalingan ko ng masamang tingin ang lintek kong amo dahil hindi nya naman sinabi na sa amusement park kami pupunta.
Hindi ako mahilig sumasakay sa mga ganyan dahil baka mamatay ako jan. Pero sa Bala hindi ako takot matamaan pero sa lintek Lang talaga na roller coaster nagiging tuwag ako.
Ano ba Yan roller coaster Lang yun pero takot na takot kang sumakay pero ang tapang tapang mo. Ngayon Alam ko na may kinakatakutan ka pala. Nang aasar pang wika sa akin ni abnoy.
Ang dami na naming sinakyan kaya nakakaramdam na ako ng gutom at pagod.
Kumain muna tayo bago natin sakyan ang huling rides na gusto Kong sakyan. Nakangiting Sabi nya sa akin.
Dito ka Lang, ako nang bibili ng kakainin natin. Sige boss sagot ko habang Naka tingin sa malaking teddy bear na kulay Blue sa likod ni boss.
Napansin yata ni boss na hindi ako sakanya naka tingin kaya naman sinundan nya ng tingin ang tinitignan ko.
Gusto mo nun? Tanong pa nya sa akin.
Hindi po boss nagagandahan Lang ako sa kulay ang Ganda kasi sa mata. Nahihiya kong paliwanag.
Mamaya mag lalaro ako jan Para makuha ko Para sa iyo. Bigla akong na patingin Kay boss dahil sa sinabi nya.
Seryoso ba syang mag lalaro sya doon Para sa akin.
Sige po. Masayang masaya kong tugon sakanya.
Sige sandali Lang ako bibili ng pagkain natin.
Pagka alis ni boss. Bigla kong nakita si alyssa Isa sa mga ka trabaho na parang may hinahabol na lalake kaya naman sinundan ko sya at nakita ko na may lalake syang pinusasan. Lumapit ako sa kanila kaya narinig ko ang pinag sasabi ni Alyssa sa lalake.
Akala mo siguro hindi ko malalaman ang ginawa mo sa manliligaw ko huh! Punyeta ka, bakit hindi mo ako tigilan! Galit na galit nyang sigaw sa mukha ng lalake na mukhang natutuwa pa sa itsura ni Alyssa na galit na galit.
Bago pa mag Salita ang lalake sumingit na ako. Alyssa bakit nandito ka sa amusement park? Mukhang may date ka ah! ngising ngisi kong asar sa kanya. Pang gagatong ko pa sa inis nya Para mag evolve na sya dito.
Bakit masama na bang pumunta dito sa amusement park? nakataas pa ang kilay nyang tanong sa akin. HAHAHAHAHAHA na paka pikon mo talaga Alyssa.
At bakit ikaw bakit nandito ka rin? Balik nyang tanong sa akin na hindi ako ka agad Naka sagot. Anong Isasagot ko sakanya na nag de-date kami ng boss ko, na hndi ko rin naman Alam kong date ba talaga ito dahil hindi naman ako inayang mag date ni abnoy.
Ano hindi ka rin nakasagot may pang aasar sa tano nya. Bali-balita sa office hindi kapa daw nag rereport about jan sa mission mo ah. Ang sabi sa amin ni boss nagiging babae kana daw at nag e-enjoy ka sa mission mo. Pang uuyam pa sakin ni agent Alyssa.
Payong magka ibigan Lang agent max tapusin mo na agad ang mission mo bago kapa mahuli ng boss mo na hindi kana man talagang totoong bodyguard at hindi ka talaga si Anna Sanchez ikaw si agent Maxine May Martinez Isa sa matinik na agent ng PAO.
Bigla akong na tauhan sa sinabi ni agent Alyssa na kaya Lang ako nandito dahil sa mission na Ito at wala ng iba pa.
By the way una na kami ng lalakeng ito at papatikimin ko pa ng bagsik ng isang alyssa. Naka ngiti pang wika nya bago umalis.
Pabalik na ako sa lugar na pinag hihintayan ko Kay boss ng makita ko sya na palinga linga na Para bang may hinahanap.
Tinitigan ko si Alvin. Tama Nga namn lahat ng sinabi ni Alyssa na hindi ako ang nakikilala ni Alvin kundi si Anna hndi si Maxine. Nakakalungkot Lang isipin na Isa Lang syang mission sa akin na kailangang tapusin at iwan. Pero paano ko magagawa ang pinangako ko sa mommy nya Kung sa huli huli iiwan ko sya at hndi na muling makikita pa ang anna Sanchez na hndi naman talga nag eexist sa mundong ito.
Tyaka ko nalang iisipin yun pag nan doon na ako mismo sa time na kailangan ko ng tapusin ang mission ko.
Mabilis akong lumapit Kay boss at ngumiti ng pagka tamis tamis.
Saan kaba nang galing at bigla kang umalis dito sa pinag iwanan ko sayo? Medyong pagalit na tanong ni boss sa akin.
Nag c.r Lang ako boss bigla kasi akong naihi pang sisinungaling ko.
Bakit ang tagal mo naman umihi kanina pa ako dito? Tanong nya pa kaya hindi ako ka agad Naka sagot. Ah... Ka-si Mahaba kasi Yung pila boss natatarantang sagot ko.
Pinang liitan nya ako ng mata hmmm...okay sabi mo eh sagot nya pero parang hindi sya naniniwala sa sinabi ko.