Kabanata 10 ♣️

745 Words
Saan kaba galing at ang aga aga wala ka sa kwarto mo? Tanong sa akin ni Alvin na Para bang walang nangyaring pag iyak sa kwarto yata yun ng mommy nya dati. Tinitigan ko si Alvin at nakita ko na Muli ang mukhang Lagi nyang pinapakita sa mga taong naka paligid sakanya na malakas sya na walang iniindang sakit at lungkot. Nag jogging Lang ako boss pag sisinungaling ko, at hindi nya pwedeng malaman na pumasok ako sa kwartong pinag babawal nyang buksan dahil mag kaka gera sa pagitan naming dalawa. Si Alvin kasi Yung tipo ng tao na ayaw nyang pinapa kilamanan ang mga gamit nya at ayaw nya ring yung pinang hihimasukan ang kanya. Umupo kana at kumain Sabi nya sa akin habang nilalagyan ng fried rice at bacon ang aking Plato na halos mapuno na sa dami. Uh, boss Tama na at masyadong marami na nahihiyang bulong ko. Basta lahat Yan ubusin mo ng magka laman kana man at ayaw ko sa mga babaeng sobrang payat. Ano namang connect sa pagiging payat ko sa gusto nya? Nag tatakang tanong ko. Hindi ko nalang binigyan ng pansin pa ang sinabi ni boss at baka masaktan lang ako sa pagiging assumera ko. Alam kong may munting puwang na si alvin sa puso ko pero alam ko naman na hanggang munting puwang lamang yun dahil pipigilan kong mahalin sya ng buo at ako lang ang masasaktan sa huli. Kaya naman I always remind myself not to fall for him pero hindi sumusunod ang puso ko dahil habang tumatagal Mas lalo ko syang minamahal na Alam ko naman na malalim ang babagsakan ko na walang nag hihintay na sasalo sa aking nararamdaman. Pagtapos mo jan may pupuntahan tayo kaya dapat marami kang kainin para sa lakad natin. Sabi ni boss sa akin habang busy sa pagkain. Saan naman kaya kami pupunta...Habang nasa byahe kami ang tahimik Lang ni boss na hinayaan ko nalang at baka hindi maganda ang mood nya. Ihinto mo Lang muna jan sa tabi nag tataka ako na tumingin Kay boss dahil nasa tapat kami ng flower shop. Hintayin mo nalang ako Jan at sandali Lang ako may kukuhain Lang ako sabay tingin sa akin ni boss. Bigla akong Nakaramdam ng kirot sa aking puso dahil sa isiping may pag bibigyan sya ng bulaklak. Papasok na si boss kaya naman inayos ko ang mukha ko at ayaw kong makita nya na biglang lumungkot ang mukha ko. Hininto ko ang kotse sa tapat ng cemetery, ngayon alam ko na kung bakit bumili si boss ng bulaklak Para sa bibisitahin nya pala, ngayon Para akong nahiya sa sarili ko dahil Pati sumalangit na Tao na pinag seselosan ko. Bumaba si boss at dumeretsyo sa puntod ng kanyang mommy at daddy na magkatabi Lang. Esmeralda Smith and Bernard Smith. Nag sindi si boss ng kandila at nilapag ang bulaklak.. Mom and Dad I want you to meet Anna my P. A, My bodyguard and she is special to me. Nagulat ako sa sinabi ni boss dahil sa sinabi nyang special. Ibig sabihin special ako Kay boss. Nag simula na naman kumabog ang aking puso dahil sa sayang pinapadama ni Alvin. Bigla akong nahiya kaya naman umiwas ako ng tingin Kay boss, baka naman niloloko nya Lang ako at pag nakita nyang naniwala ako at baka biglang sabihin na naniwala kana man. Ngayon ko lang naranasan ang ipakilala sa iba, Lalo nat hindi naman ako mahilig makisalumuha sa iba. Ang mga nakakasalumuha ko lang kasi pili Lang tulad sa mga ka trabaho ko at sa mga taong tinutulungan ko sila Lang ang nakakasalumuha ko. Hindi naman kasi ako mahilig makipag socialite. Kaya masaya ako dahil pinakilala nya ako sa parents nya kahit wala naman kaming relasyon. Hi po ma'am and sir. Ako po si Anna ang bodyguard and P. A ng anak nyong abnoy natawa ako bigla sa sinabi ko kaya namn masama akong tinignan ni boss. Joke Lang po, huwag po kayong mag alala babantayan ko po ang anak nyo kahit Lagi nya akong inuutusan ng kahit ano ano. Hindi po ako mag sasawang intindihin sya kahit may saltik po sya. Ako po ang magiging kakampi nya at mag aalaga sakanya kausap ko sa lapida ng mommy at daddy nya. Pag tapos kong sabihin ang katagang iyon tumingin ako Kay boss na nakatingin rin pala sa akin na para bang maiiyak or baka guni guni ko lang yun dahil biglang bumalik ang tingin nya sa lapida.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD