Ilang araw na rin ako nag tratrabaho kay boss Alvin pero wala pa naman akong napapansin na kakaiba. Kahit sa loob ng mansion na ito wala ring kakaibang nangyayari.
Maaga akong nagising kaya naman naisipan kong libutin ang mansion na ito.
Simula kasi ng pumasok ako dito hindi man lang ako makapag libot dahil lagi akong busy dahil kay abnoy na kahit ano ano ang inuutos sa akin na halata namang sinasadya na utusan ako kahit maliit na bagay sakin pa inuutos.
Alasingko palang ng umaga kaya naman medyo madilim pa at wala pa masyadong gising kaya Malaya akong makapag libot.
Bumaba ako sa second floor at napansin ko ang isang kwarto na medyo naka bukas kaya naman maingat akong sumilip at nakita ko si luke Bryan Jones ang anak ni emelda smith sa naunang asawa na umiinom na alak at napansin ko ang mga foil na naka kalat sa sahig.
Kaya naman parang sabog ito pag nakakasabay ko minsan. Ngayon alam ko na gumagamit ito ng pinag babawal na gamot.
Buti nalang talaga lagi kong suot suot ang kwintas ko na may maliit na camera kaya nakukuhaan ko ang pangyayari sa loob ng kwartong ito.
Biglang humarap si luke sa pinto kaya naman mabilis akong umalis sa pintong iyon at nag tago sa isang silid na naka bukas.
Alam ko ang kwartong ito ay hindi binubuksan, ayun ang sabi sa akin ng isang katulong kaya naman nag tataka ako kung bakit naka bukas.
Nilibot ko ang kwarto at nakita ko ang isang malaking portrait ng isang masayang pamilya. Makikita sa larawan na ito na masaya ang bawat Isa sakanila.
Ngayon alam ko na kung kanino nag mana ang itsura ni Abnoy sa mommy nya pala.
Yung pilik mata nya na talo pa yung sakin na mas malago, at ang mata nya kuhang kuha sa mommy nya. Ang pagiging amo ng kanyang mukha na mana nya rin sakanyang mommy.
Ang ganda ng mommy nya at pogi nman ng daddy ni alvin. Sino naman kaya ang babaeng ito na mas bata lang kay alvin ng ilang taon. Ang ganda ring ng babaeng ito parang kasing age ko lang.
Hinaplos ko ang portrait kung saan banda ang kaniyang labi, bakit ganun parang pamilyar ang labing ito. hindi ko lang matandaan kung kanino ko nakita ito hmmmm.
Palabas na sana ako ng makarinig ako ng yapak ng taong papunta dito sa kwarto na ito kaya naman mabilis akong nag tago sa ilalim kama. Saktong pag pasok ko sa ilalim ayun naman ang pag pasok ni Alvin. Nakita ko ang mga paa ni alvin sa harapan ng portrait.
Mommy na mi-miss na kita, kausap ni alvin na para bang nasa harap nya lang ang kanyang mommy.
Na mi-miss na kita mommy sobra, sana nandito ka, para may magtatanggol sa akin. Wala ng akong kakampi sa bahay na ito wala na rin si daddy na kahit nag asawa sya ng bago alam ko na ikaw parin ang mahal nya, garalgal na sumbong ni alvin na para bang batang nag susumbong lang sakanyang mommy.
Wala akong mapag sabihan ng mga problema ko sa pamilya dahil hindi ko naman alam kong paano hahanapin si princess at ayaw nyang mag pahanap.
Ang lungkot Lang kasi mag Isa nalang ako ngayon. Ang tingin ng iba sa akin malakas akong tao na walang iniindang sakit pero, ang sakit sakit mommy kasi wala kayo sa tabi ko Para sabihin sakin na nandito Lang kami ng daddy mo at susuporta sa lahat ng gusto mo. Pero wala kayo mommy umiiyak pang wika ni Alvin.
Mommy and Daddy please guide me. Give more strength to win this battle against to my step mom who wants to kill me. Huling kataga na narinig ko bago ang pag lock ng kwartong ito.
Ngayon ko lang nakita ang Alvin Smith na para bang ang hina hina na para bang ayaw na nya lang magpatuloy sa buhay.
Nakaramdam ako ng awa para kay alvin kasi patuloy parin syang nalaban kahit wala syang kakampi na laging nasa tabi nya at susuportahan ang mga decision nya sa buhay.
Magka parehas kaming wala ng pamilya pero ako nan jan pa si nana rosie na gumagabay sa akin at nag aalaga sa tuwing may sakit ako pero si alvin, wala ng nag alalaga sakanya kundi sarili nalang nya.
Hindi ko ba Alam, biglang gusto ko nalang na sa tabi nya lang ako na susuporta sa kanya at mag aalaga sa tuwing may sakit sya.
Biglang pumasok na lang sa isip ko na ako ang magiging kakampi nya, na hindi nya na maramdaman na wala syang kakampi.
Biglang kumabog ang aking puso sa isiping ko na ako ang magiging kakampi nya sa panahon na pakiramdam nya na walang naniniwala sakanya.