Hindi pa nga nag iinit ang aking kamay sa kamay ni Alfred may dumating na agad na asungot.
Kaya pala ang tagal tagal mo at nakikipag landian kapa sa company ko!
Ikaw!, ikaw Diba ang head ng Finance Department bakit nakikipag landian ka sa oras ng Office hour? Tanong nya Kay Alfred na parang nagulat Kay abnoy na bigla bigla nalang sumusulpot.
Luh, anong problema nitong abnoy nato parang isang taon na akong nawala kung maka asta, e dahil naman sakanya kaya ako natagalan.
Sa akin ba naman ipagawa ang trabahong hindi ko naman trabaho kaya ito ako ngayon nang hihina dahil sa kaka akyat panaog.
Hindi ako nakikipag landian boss at Isa pa binigyan Lang ako ni Alfred ng tubig dahil nakita nya akong hinihingal mahinahon kong paliwanag at ayaw kong makipag sagutan sakanya.
Tama boss binigyan ko lang po si Anna ng tubig....
So first name basis pa talaga kayo. Ganun na rin yun nag lalandian parin kayo! Nang gagalaiti nyang sigaw sa amin. At ikaw, turo nya sa akin bakit hindi ka sa pantry kumuha ng tubig at tumatanggap ka ng tubig ng iba Malay mo bang marumi Yan huh!
Nakanganga kaming parehas ni Alfred dahil sa sinabi ni boss. Para bang nakakita kami ng alien dahil hindi kami makapaniwala sa sinabi ni boss dahil sinabi nyang marumi eh mineral water Yung binigay ni Alfred at hndi pa yun nabubuksan bago ko inumin.
Pag tapos nyang sabihin yun umalis bigla at sinigawan pa akong sumunod sakanya. Napaka imposible ni boss nag seselos ba sya? Paano naman sya mag seselos e wala naman syang gusto sakin? Hmm..
Papasok palang ako ng office ni boss nakita ko syang pulang pula habang deretsyong nakatingin ng masama sa akin. Sa tingin nya Para bang may malaking akong ginawang kasalanan.
Masama na ba ngayon ang makipag kilala sa mga tao dito kaya ganun nalang ang Sama ng tingin nya sa akin.
Ikaw ayaw kong nakikipag landian ka sa mga employees ko dito at huwag kang aalis ng hindi nag papa alam
sakin. Kung saan ka pupunta mag sasabi ka sakin Para Alam ko Kung saan ka hahanapin. Jusko! Parang nagka baligtad na kami ako na ang boss sya na ang bodyguard ngayon.
Okay boss, sang ayon ko dahil ayaw ko ng mag tanong at baka lalo pang sumama ang tingin sa akin at kainin na ako ng buhay.
Umuwi na tayo sabay tayo sa kanyang trono. Nasa lobby na kami ng makita ko si alfred at nginitaan ko lamang ito.
Ano aalis ba tayo?! Nagulat ako sa biglang pag sigaw ni boss kaya mabilis na sumunod ako sakanya.
Kakasakay ko palang sa driver seat ng magsalita ito, huwag kang makipag ngitian sa mga Tao dito at huwag ka ring makikipag usap sa iba dahil hindi ka nag tratrabaho dito Para Lang makipag ngitian sa iba at makipag landian!
Jusko! Hindi ko na talaga ma gets si boss. Anong gusto nya pag may nakita akong ka kilala dito huwag Kong pansinin at kausapin edi Para naman akong tanga nun, nakikipag usap sila sakin tapos ako hindi sila pa pansinin?
May saltik na naman siguro si boss, bulong bulong ko.
May sinasabi kaba babae? Tanong ni saltik.
Ang Sabi ko boss sa bahay nyo po ba tayo dederetsyo? Pa walang bahala ko sa tanong nya.
Mukhang mas lalong sumama ang timpla dahil hindi ko pinansin ang kanyang tanong. Bahala ka Jan