Busy si alvin sa office kaya naman wala ako masyadong kinagawa kundi ang tumunganga.
Mas maganda pa ng hindi pa kami mag girlfriend at boyfriend dahil hindi ako nawawalan ng gagawin e ngayon halos titigan ko nalang sya dito sa loob ng office.
Naramdaman ko ang pag vibrate ng isa sa mga cellphone ko. Bumili ako ng isa pang cellphone dahil hindi ko pwedeng gamitin ang ginagamit ko sa trabaho ko dahil nan doon ang mga contact na related sa trabaho ko.
Boss lalabas muna ako at magpapa hangin sa labas paalam ko kay alvin na busy sa pag aaral sa isang proposal.
Babe bakit boss parin ang tawag mo sa akin eh tayo lang naman ang nandito sa loob ng office ko? Pati ang panget pakinggan, babe na yung boyfriend mo tinatawag mong boss nag tatampong wika ni boss sa akin.
Pag nandito sa office kailangan kitang tawagin na boss dahil ikaw ang boss dito at isa pa ano nalang ang sasabihin ng ibang mga tao dito sa opisina na yung bodyguard ng amo nila girlfriend na ng bodyguard nya diba? Pati boss ayaw ko lang pumangit ang tingin nila sayo dahil nakilala ka nilang seryoso sa buhay tapos nag jowa ka lang ng bodyguard, paliwanag ko sakanya.
Wala akong paki alam sasabihin nila babe. Ang mahalaga sa akin ay ikaw. Malambing nyang sagot sa akin. Kaya from now on you need to call me babe hmmm, naiintindihan mo babe sabay nakaw sa akin ng halik. Kaya naman wala na akong nagawa at pumayag nalang ako.
Sige babe lalabas muna ako ah! Bakit babe lalabas kapa eh mahangin naman dito gusto mo bang buksan ko ang bintana para naman sariwang hangin na ang pumasok dito?
Ahmm huwag na babe sa labas nalang at mag lilibot libot narin ako sandali dahil hindi parin ako nakaka libot dito sa company sabi ko habang nag papa cute para payagan na ako.
Dahil kanina ko pa nararamdaman ang pag vibrate ulit ng cellphone ko kaya naman kailangan ko ng gamitan ng charm itong si alvin para payagan akong lumabas.
Sige basta bilisan mo ah! Halatang napipilitang nyang tugon. Pagka labas ko palang sa opisina ni alvin pumunta ako ka agad sa rooftop at nilabas ang isa ko pang cellphone.
Ring… kalalabas ko palang ng cellphone ko tumatawag na agad si boss kaya naman sinagot ko ang tawag ng alanganin.
Agent Martinez mukhang aliw na aliw ka jan sa pagiging bodyguard mo ah! Bungad sa akin ni boss, kahit hindi ko sya nakikita alam kong nakangisi sya.
Ahm, boss hindi naman mahina kong sagot.
Agent Martinez alam mong may mission ka pero parang nakakalimutan yata dahil naka focus ka jan sa boss mo seryosong wika ni boss xander sa akin.
Hindi mo ba alam na gusto ng malaman ng client natin kung tama ba ang hinila nya kung yung mommy nya daw ba talaga ang gustong pumatay sakanya? tanong sa akin ni boss na halatang seryoso dahil hanggang ngayon wala parin akong pinapasang kahit anong evidence na may kinalaman nga ba talaga ang mommy ng client.
Boss wala pa akong nalalaman na kung may kinalaman ba talaga ang ina ng boss ko sa balak na pag patay sakanya.
Basta tapusin mo ang mission mo ng sa lalong madaling panahon at sabi mo nga marami kang binubuhay kaya alam mo naman na hindi kita pwedeng bigyan ng bagong mission at hindi mo pa natatapos ang mission mo ngayon.
Ahm, boss nakuhaan ko ng litrato ang anak ni emelda smith na si Luke Bryan Jones na gumagamit ng pinag babawal na gamot. Sabi ko kay boss para naman medyo mabawasan ang kapalpakan kong ginagawa.
Okay ipasa mo email lahat ng litrato at ako ng bahalang humuli sa lalakeng iyan.
By the way agent Martinez tapusin mo na ang mission mo sa lalong madaling panahon hanggang hindi kapa nahuhuli paalala sa akin ni boss na parang alam nya ang tumatakbo sa isip ko.
Sabay baba ng tawag. Ako naman napa buntong hininga na lamang dahil hanggang ngayon wala pa akong nalalaman na makakapag diin sa step mom ni alvin.
Bumalik na ako sa opisina ni alvin ng makasalubong ko na naman yung clown na nagpunta dito noong nakaraang araw.
Nanjan ba si alvin maarte na naman nyang tanong kay allise na busy na busy sa pag aayos ng mga papeles sakanyang lamesa.
Kaya naman ako nalang ang sumagot.
Ma’am nasa loob po si boss alvin pero hindi po sya nag papa isturbo mahinahon kong paliwanag kahit sa loob loob ko gusto ko nang sapakin ang babaeng ito dahil balik ng balik dito e hindi naman sya nakakapasok.
At sino kana man? Bakit ikaw ang sumasagot sa tanong ko dito sa secretary ni alvin baby.
Ma’am bodyguard po ako ni boss sagot ko sakanya, gusto ko sanang sabihin na girlfriend ako ni alvin baka mag iskandalo pa ito dito at malaman tuloy ng mga employee ni alvin at baka bumaba ang tingin sakanya ng mga employee nya na ayaw ko namang mangyari kaya bodyguard nalang ang sinabi ko.
Bodyguard ka lang pala eh, nangungutya nyang sabi sa akin na para bang nakakadiri ang pagiging bodyguard ko.
Alam nyo ma’am clown wala pong masama sa pagiging bodyguard ko. Kaya huwag nyo pong lalangin ang pagiging bodyguard ko dahil ang trabaho ko po protektahan ang amo kahit kapalit po nun ang buhay ko kaya nyo pong maliitin ang trabaho na bumubuhay sa pamilyang nagugutom.
Wala akong paki alam at huwag mo nga akong artehan na akala mo ba mag apply sa pagiging artista. Huwag kang mag ilusyon na magiging artista ka dahil mukha kang tomboy.Tignan mo nga yang suot mo na naka pants na kupas at t-shirt na may print na army ang baduy mo.
Ah ganun po ba? Wala kayong paki alam at baduy kamo ako?
Ouch! My gosh my nosesssssssss! Why did you punch my nose? Kahit nasaktan na ang babaeng ito maarte parin.
Napatingin ako kay allise at sa mga taong nakakita ng pag suntok ko sa babaeng maarte na ito na parang hindi makapaniwala sa ginagawa ko dahil nakikita nila akong mahinahon lang kahit na lagi akong inuutusan ng boss nila na hindi naman kasama sa trabaho ko.
Why did you punch me?! Tanong nya sa akin habang hawak hawak ang ilong nya na parang nabali yata ang buto dahil sa lakas ng suntok ko.
Wala lang trip ko lang mayabang ko pang sabi sakanya na mukhang lalong nagalit.
Anong nangyayari dito? Tanong ni boss na kalalabas lang sa opisina nya. Dumapo ang tingin nya sa mukhang clown na Ito.
Anong nangyari sayo Dalliane? Tanong pa ni boss sa clown na mukhang aarte na dahil nakita nya si alvin na lumabas.
So Dalliane pala ang pangalan ng clown na ito hmm, bagay sakanya parehas na panget.
Alvin baby sinuntok ako ng bodyguard mo wala namang akong ginagawa sakanya na masama naluluha pang arte nitong clown na ito.
Napatingin naman si alvin sa akin na parang bang nag tatanong umiwas nalang ako ng tingin ko dahil ayaw kong magpaliwanag at baka maniwala pa sya jan sa mukhang clown na Yan.
Umalis si alvin at pumasok sa opisina nya. Pag balik nya may dala na syang cheque, at inabot ito sa clown.
Ito dalliane gamitin mo sa pagpapa ayos ng ilong mo at pwede bang huwag kanang bumalik dito at wala lang ang nangyari sa atin sa bar ko. It’s just a plain s*x! so I hope you don’t come back here and make trouble.
Napatingin naman ako agad kay alvin dahil sa sinabi nyang s*x at tumingin rin sya sa akin na parang let me explain later kaya naman tumango nalang ako.
Pero baby diba nag enjoy kana man? Kaya bakit ayaw mo na?
Actually dalliane kaya lang naman ako nakipag s*x sayo dahil pinilit mo ako kaya huwag mong sabihin na nag enjoy ako sagot naman ni alvin na parang wala sakanya ang mga sinabi nya at wala syang paki alam na may nakakakita at nakakarinig sa mga sinasabi nya.