Kabanata 15 ♣️

1944 Words
Pinaliwanag na sa akin ni alvin kung ano ba talaga ang relasyon nila ng dalliane clown na yun. Na dati nya daw naging f**k buddy pero dalawang beses lang daw yun nangyari simula daw ng may makilala sya sa bar. Tinatanong ko sakanya kung sino ang nakilala nya pero ang sabi nya lang sasabihin nya rin sa akin sa susunod na araw kaya naman hindi ko na ipinilit. Babe pwede bang dumaan muna tayo sandali sa mall may bibilhin lang ako? saad ni alvin sa akin na hindi nakatingin sa akin parang bang nahihiya sya. Ano bang yang bibilhin mo at bakit kailangan pa ngayon bilhin? ako nalang ang bibilhi bukas at gabi na. at mukhang hindi mo naman kailangan ngayon yang bibilhin mo saad ko sakanya habang nag mamaneho pauwi. Tama babe hindi ko na pala kailangan yun, at mas lasap mo ang sarap pag walang ganun ngisi nyang saad sa akin na mukhang may kabalagtusan na namang iniisip. Ano ba dapat ang bibilhin mo sa mall? inosente kung tanong sakanya. Ahm, wala babe. Hayaan muna hindi ko naman na pala yun kailangan. Okay sabi mo eh, sagot sakanya na mukhang may iniisip parin na kabalagtusan. Kaka-park ko palang ng kotse may napansin na ako agad na bagong kotse na naka park. Babe may binili ka bang bagong kotse? nagtatakang tanong ko kay alvin na parang nagtataka rin bakit may bagong labas na Ferrari SF90 Spider na mukhang limited editions pa. Wala akong binibiling bagong sasakyan sagot ni alvin sa akin na mukhang wala ring idea kung kanino ang ferrari na yan na mukhang bagong bilhin pa talaga. Brother your home! did you see my new car in garage mayabang pang tanong ng ungas na luke nato. So sayo pala yun? at ang lakas mong gamitin ang pera ko! Bakit brother hindi na ba akong pwedeng bumili ng sasakyan na gamit ang pera ng pamilya natin nakangisi pang saad ni luke na balak pa yatang asarin si alvin. Pamilya ba kamo? parte kaba ng pamilyang ito? ang pagkaka alam ko ako lang ang anak ng tatay ko kaya huwag mong sabihin na pera ng pamilya. Ang yabang mo ah! porket ba wala na ang ama mo kaya kinakaya kaya mo na ako! sigaw ni luke kay alvin na parang unti nalang sasapakin na nya. Dati hindi kita pinapatulan pero ngayon hindi na ako papayag na gastusin mo ang pera ni dad at perang pinag hihirapan ko ngayon! I don't know what happened next because the next thing i know im punching luke's face habang si alvin naman nasa sahig putok na rin ang mukha kaya naman hindi ko na napigilan ang sapakin si luke, na mukhang nagulat yata sa ginawa ko. Ang lakas pala ng bodyguard mo. Mukhang mas lalaki pa sayo sa lakas sumuntok asar nya pa kay alvin na mukhang susugod ulit. Bago pa tumayo si alvin nilapitan ko na agad si luke at sinuntok muli sa mukha at tinadtad ko ng suntok at sipa. My god! anong ginagawa mo sa anak ko! sigaw sa akin ni Mrs. Smith na naka roba lang at mukhang matutulog na sana. Ikaw! wala kang karapatang saktan ang anak ko! sigaw nya sa akin na habang dinuduro ako. Hinampas ko ang kanyang kamay na naka duro sa akin. Abang napaka bastos mong babae ka ah! .... Bastos po talaga ako lalo na sa mga bastos rin sa akin. Wala ho kayong karapatan na duruin ako lalo nat hindi nyo namn ako pinakain saad ko sakanya na mukhang nagulat sa pag sagot ko sakanya. Niilipitan ni mrs. smith ang kanyang anak na mukhang nawalan na ng malay dahil sa tinamong bugbog sa akin. Nilipitan ko rin si alvin at tinayo na iniinda ang sapak na nasa mukha nya at sa ibang parte ng katawan na malapit nang mangitim. Ano ba namn itong lalaki na ito ang laki naman ng katawan pero bakit ganun sumuntok? talo pa sya ni luke na malakas sumuntok. okay ka lang ba babe? tanong ko sakanya na mukhang wala ng lakas mag salita pa kaya naman inaakay ko na syang umakyat sa kwarto nya. Paalis na sana kami doon kung hindi lang ako pinigilan ni mrs. smith sabay hawak sa aking braso. Itong tatandaan mo may araw ka rin sa akin! at tandaan mo ito na makakaganti rin ako sayo sa ginawa sa anak ko. okay po ma'am paki bilisan po ang araw na yan at nang makapag handa ako sa ganting sinasabi nyo nakangisi ko pang saad sakanya na mas lalong nakapag pagalit sakanya. By the way ma'am malapit na kayong maging suki sa pagbisita sa kulungan kaya naman kung gaganti kayo sa akin mag sasayang lang kayo ng pagod. At iniwan ang mag inang iyon doon na mukhang sasabog na sa galit. Lordesssssssss! gisingin mo ang driver at dadalhin ko ang sir luke mo sa hospital! rinig ko pang sigaw nya sa isang katulong na parang nagising sa sigaw ng bruhang iyon. Ayaw ko sana syang sagutin pero dinuro nya ako na para bang sya ang nagpapakain sa akin. Ayaw ko sa lahat yung minamaliit ang pagkatao ko. Oo mali ang ginagawa ko sa anak nya pero ang anak nya ang nag umpisang saktan si alvin. Umakyat na kami sa kwarto ni alvin na mukhang hinang hina. Iniwan ko muna si alvin sa kwarto at kumuha ng basin at pamunas sa katawan nyang nadumihan dahil sa pag bagsak nya sa sahig. Alvin huwag ka munang matutulog at lilinisan pa kita ng katawan saad ko sakanya habang hinahanda ang gagamitin kong damit nyang pamalit nya. okay mukha mo muna ang uunahin ko ah! medyo masakit ito kaya tiisin mo paliwanag ko sakanya na wala namang angal. Shit! Dahan dahan naman! galit nyang saad sa akin na mukhang nasaktan talaga kaya naman dinahandahan ko pa. Tiisin mo! sino ba kasing nag sabing makipag suntukan ka kay luke? Yan tuloy na pala mo! nasira yung gwapo mong mukha naiirita kong saad sakanya na mukhang natutuwa pa sinabi kong gwapo. Gwapo parin ako babe? kahit na may bangas ang mukha ko? tanong nya pa akin na parang nakakatuwa ang tanong nya. kaya naman diniinan ko ang pagtambi ng bulak sa mukha nya na may alcohol. Damn! its f*****g hurt babe! sigaw nya pa sakin. Ano nga ulit ang tanong mo babe kanina hindi ko kasi masyadong narinig eh, inosente kong tanong sakanya na masamang tingin lang ang sinagot sa akin, na mukhang mag bubuga na ng apoy. Sinunod ko naman ang katawan nyang punasan. Nang una nag aalanganin pang akong tanggalin ang damit nya. Pero kailangan ko syang palitan ng damit Para guminhawa ang pakiramdam nya. Huwag ka munang matutulog at kukuha lang ako ng kakainin natin sa baba at papainumin kita ng pain killer. Nasa kusina na ako ng marinig ko ang pinag uusapan ng dalawang katulong na mukhang hindi napapansin na nandito ako. Kaya naman tahimik akong kumikilos. Naku! lagot ang bodyguard ni master alvin dahil binugbog nya ang anak ni madam saad ng isang katulong na para bang natatakot sa pwedeng gawin sa akin ng bruhang iyon.Pwes hindi ako natatakot sakanya. Sigurado yun dahil anak ni madam ang kinanti nya kaya siguradong gaganti si madam sagot naman ng isa pang katulong. Sana hindi nalang pinatulan ng bodyguard ni master si sir luke para wala nang gulo, ako ang tatakot sa batang iyo. Kahit pa sabihing malakas sya pero babae parin sya mas mahina sa lakas ng lalake paliwanag pa ng babae na mukhang concern talaga sa akin. Tapos ko na initin ang pagkain namin ni alvin kaya naman madadanan ko silang dalawa na nag uusap kaya naman mapipilitan na ako magpakita sakanila. Ahmm, manang itatanong ko lang po kung nasa ang pain killer dito? tanong ko sakanila na mukhang nagulat sa sasalita ko bigla. Nakung bata ka! papatayin mo kaming dalawa at bigla ka nalang sumusulpot! saad ng isa kanila. Ah, eh, kanina pa po ako, narinig ko rin po ang pinag uusapan nyong dalawa nahihiya kong saad dahil nakikinig ako sa pinag uusapan nila. Ah! yung pain killer nanjan sa cabinet na pangatlo sagot naman ng isa. Dali dali ko naman kinuha ang gamot dahil baka naka tulog na si alvin kakahintay sa akin. Payo lang namin sayo iha na mag ingat ka dahil hindi ka titigilan ni madam hanggat hindi sya nakakaganti sayo. Salamat po sa inyong dalawa, pag papasalamat ko sa dalawang katulong na middle 50s na parehas. Oo nga pala ako si manang lordes mo. At ako naman si manang meldy mo pakilala pa ng dalawang matanda sa akin bago umalis doon. Alvin, Alvin, gising ko sakanya na mukhang nakatulog na dahil sa sakit ng katawan nya. Alvin gumising ka muna sandali, kailangan mong kumain at uminom rin ng gamot para mawala yang sakit ng katawan mo. Hmmm, ayaw ko nang kumain babe inaatok pang saad nya sa akin. Alvin sige ka pag hindi ka kumain hindi na ako dito matutulog saad ko sakanya na mukhang nagising ang diwa dahil sa sinabi ko. Talaga dito ka matutulog? tanong nya pa sa akin na mukhang hindi maka paniwala dahil hindi ako pumapayag na tabi kami matulog dahil hindi pa naman kami kasal para matulog sa isang kwarto. Pero no choice ako dahil ayun lang ang nakikita kong paraan para kumain sya at uminom ng gamot. Kaya sige na tumayo kana jan. Sinusubuan ko si alvin ng bigla syang masalita. Babe thank you! naka ngiti nyang saad sa akin na para bang nahihiya. Thank you dahil pinag tanggol mo ako kay luke, kung wala ka siguro mas malala pa ang natamo ko wika nya pa. Walang anuman babe, gagawin ko talaga yun dahil hindi ko maatim na ganunin ka ng walang hiyang yun. Hanggang nasa tabi mo ako ako ang magtatanggol sayo kahit ako ang babae tawa kong Saad sakanya na tawa rin sya. Sorry babe Kung ikaw pa ang nag tanggol sa akin dahil hindi naman talaga ako mahilig makipag basag ulo. Pero proprotektahan kita sa lahat ng gustong manakit sayo kahit mahina Lang ako sincere nyang Saad sa akin na. Babe hindi mo ako kailangan protektahan kaya ko ang sarili ko sagot ko sa sinabi nya na mukhang hindi nagustuhan ang sinagot ko sakanya. Alam kong kaya mo ang sarili mo, pero babe tao ka rin nakakaramdan ng pagod kaya hayaan mo akong protektahan ka sa paraang Alam ko sabay halik sa noo ko. Bigla akong naluha sa sinabi ni Alvin dahil nakakaramdan na rin ako ng pagod sa ginagawa ko sa buhay ko pero Iniisip ko ang mga taong tinutulungan ko na kailangan kong kumita ng pera sa kanila. Dati tinanong ako ni Nana Rosie "sinong mag tatanggol sayo apo pag dumating ang oras na parang pagod kanang lumaban Para sa pinag lalaban mo? Madali akong sumagot sa tanong ni Nana. Hindi ko po kailangan ng mag tatanggol sa akin. Kaya ko pong mag Isa at hindi po ako mapapagod. Natatandaan ko Yan ang sinagot ko Kay Nana Rosie pero ngayon sa sinabi ni Alvin na pro-protektahan nya ako nagbago ang sagot ko na papayag ako sa gusto ni Alvin na proprotekhan nya ako sa paraan nya dahil ngayon may taong gustong Ingatan at protektahan ako. Sige babe. Sabi ko sakanya habang pinupunasan ang luhang kumawala sa aking mga mata. Mahal kita babe, salamat at binigay ka ni God sa akin sabay halik sa aking noo na tanda ng pag galang nya sa aking bilang babae. Mahal rin kita Alvin nagpapa salamat rin ako kay God na binigay ka nya sa akin sabay halik sakanyang labi. Natulog kami ng magkayap at matiwasay. Na parehas magaan ang loob kahit na may gulong nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD