
Lulu was a rebel child sa mga mata ng mga taong nakakakilala sa kanya noong nasa high school pa ito. Until she met her bffs, not only two but eight. Ang kanilang pagkakaibigan ay naging matibay ngunit nag-iba na lang ang lahat nang mag-college na sila.They all separated from their chosen college degree.
After 10 years Lulu is now a successful owner of a bridal shop. Everything seemed perfect for her until she was diagnosed with a brain tumor. Nasa final stage na and she has only months to live.
Then she decided to spend his last breath with those people who brings a lot of happy memories when she was in highschool. Inisa-isa niyang hinanap ang mga iyon at para mabuo ulit ang pagsasamahan na pansamantalang natigil dahil sa hindi inaasahang pagkakataon.
Hindi rin niya inaasahang makikita rin niya ang dati niyang crush na si Jared Diaz. Ang heartthrob ng school nila noon. Ang lalaking pinapangarap ng halos lahat ng kababaihan sa kanilang eskwelahan. Bukod kasi sa gwapo nitong mukha ay matalino rin ito.
He is a successful doctor now and still single as well. Hindi rin niya ini-expect na may lihim na pagtingin rin pala ito sa kanya noon pero tila huli na rin; hindi na kaya ng kanyang oras.
Kaunti na lang ang natitira niyang oras at hindi rin niya alam kung sa huling sandali ay magtatagumpay siya sa kanyang huling misyon na muling mabuo ang pagkakaibigan nilang siyam. Isang samahan na sandaling nagpasaya sa kanya noong panahong lugmok na lugmok na siya. Walong kamay na tumulong sa kanya na makawala sa malungkot niyang mundo.
