PANIMULA
Tuluyan na akong lilisan
Para hindi na masaktan
Naghintay na ako ng matagal sayo,
Ang amoy mo ang magiging baon ko.
Ako ang naging saksi at bunga ng inyong pag ibig,
Nangungulila sa iyong mga bisig,
Samyu ng hangin sa balat ko'y dumaplis,
Parang bala na tumama sa katawan at 'di na ma alis.
Pag-ibig na nabaon sa hukay,
Tila ba bahaghari na nawalan ng kulay,
Pwede bang pabagalin muna ang ikot ng mundo?
Gusto ko pa mahawakan ang kamay mo.
Gusto ko pang marinig ang tinig mo,
Na nagpapapungay sa mata ko,
Gusto ko pang madama ang bisig mo,
Na nagpapagaan sa pagtulog ko.
Isang kanta nalang,
Bago ka lumisan
Bago ako iwan,
Isang tula nalang.
Kung hihiling man ako ng tatlong beses,
Tatlong beses kita hihilingin
Ikaw yung lalaking pang habang buhay
Ngunit hindi ako yung babaeng sayo'y inaalalay...
Kayo ay tugma,
Ngunit hindi naging malaya,
Ikaw ang tinta sa aking pluma,
Kulang ako kung wala ka
Paano na ako na nahulog sayo?
Ano'ng gagawin ko?
Basta tingnan mo lang yung buwan pag ako'y na alala mo
Para kung papaano magkakatitigan tayo.
Nakakatawa lang na hindi pa nga nag uumpisa
Tinapos na ng tadhana.
Magbabakasakaling sa susunod na pagkikita
Ang tula naten ay magiging tugma.
Ikaw parin hanggang sa susunod, Carlo.