Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin at tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok.
Napasinghap at napagilid ako nang hapitin niya ang bewang ko.
"Pasensya." Napatitig ako sa mga mata niyang nangaakit.
Na parang sinisid ang kaluluwa ko at tinatangay ako sa ibang mundo.
"Hindi pa ba tayo babalik?" Nakangiti niyang tanong sakin.
Yung ngiti na napapabighani ng kung sinong babae.
Bakit ba ang pogi mo? At manhid at the same time hah.
***
"Ayan gising na siya!" Dahan dahan akong umupo.
Hanggang sa ma alala ko ang nangyari. Tiningnan ko ang palad ko nandito parin ang pera ko. Nakita ko rin ang basket na dala-dala ko sa paanan ko.
"Gising kana pala ineng, aba'y nahimatay ka kanina doon sa tapat ng simbahan na alala mo ba?" Tumango ako.
"Salamat po..." Tatayo na sana ako ngunit pinigilan ako ng batang lalaking ito.
Matangos ang kaniyang ilong kulay kayumanggi ang kaniyang mata at singkit ito.
Mukha siyang patpatin.
Ngumiti siya akin. "Huwag ka munang gumalaw nagluluto pa si Tiya Delya ng makakain mo." Tumango nalang ako sakanya.
Binigyan niya ako ng tubig at ininom ko naman ito.
"Salamat po pala." Nakatungo akong kinakausap sila kasi nahihiya ako.
"Naku walang anuman iyon. Pag pasensyahan mo na yung mga batang iyon ganun talaga sila pinagsabihan ko na ang mga iyon kaya huwag ka na mag alala." Nakangiti nanaman akong kainausap ni Aleng Delya.
Sa itsura niya palang ay alam mo agad na mabait siya. Matanda na siya may nunal sa pisngi at medyo mataba.
"Naku! Nakalimutan namin ano pala ang pangalan mo?" Natanong naman ng matanda sa akin. Medyo payat ito at maputi na ang kaniyang buhok.
"P-Phatima po." Nakita kong malawak na ngumiti sa akin ang lalaking ito.
"Ako si Carlo!" Narinig ko na nagtawanan ang mga matatanda.
"Siya naman si Tiya Delya nagbebenta siya sa terminal at ito naman si Tiyong Arturo." Tumango-tango lang ako kasi hindi ko naman alam ang sasabihin ko.
"Sila ang kumupkop s aakon nang mamatay ang mga magulang ko. Sinasamahan ko si Tiyong Arturo sa pagmamasada ako yung barker doon. Alam mo ba yung barker? Yung nag tatawag ng mga pasahero. Hehehe." Hindi ko alam na ganun pala siya, na palakwento.
"Ikaw asan mga magulang mo?" Alam ko naman na tatanungin nila ako ng ganiyan kaya hinanda ko na ang sarili ko at inilahad sakanila ang kwento ko.
Simula noong bata pa lamang ako hanggang sa iwan ako ng mama ko at mapadpad sa tapat ng simbahan.
"Tsk tsk. Grabe naman ang pinagdaanan mong iyan Phatima!" Sinuklay-suklay ni Aleng Delya ang buhok ko.
Ngumiti nalang ako.
"Eto kumain kana." Kinain ko ang inihanda ni Aleng Delya na sopas.
"Mula ngayon dito kana titira ha? Sasama ka kay Carlo sa free-tutor ni Maam Linda." Masayang sabi nito.
Napag-alaman ko kasi na hindi sila makakaanak kaya kinupkop nila si Carlo.
"Talaga po??" Nabuhay ang kaluluwa ko nang sabihin niya yun kaya 'di ko napigilang yakapin siya.
Nakiyakap na rin si Carlo at Tiyo Arturo.
Simula noon ay kasama ko na si Carlo. Kapag sabado at linggo ay sumasama kami sa terminal at nakikitulonh. Tumutulong ako kay Tiya Delya sa pagtitinda ng mga pampasalubong.
Si Carlo naman ay nagbabarter. At minsan ay siya rin ang sumasama minsna sa pasada ni Tiyo Arturo.
Hanggang sa lumaki kami sila ang kasama namin ni Carlo kada kaarawan namin.
Si Miss Linda ang tumulong
sa'min para makatuntong kami sa Highschool.
Ngunit walang araw na hindi ako bumabalik sa kung saan ako iniwan ni Mama.
Ngunit napagod na rin ako at hinayaan ko nalang at inamin na lamang sa sarili ko na hindi na siya babalik.
Hanggang sa isang araw sa paaralan ay hindi namin alam kung bakit nagkakagulo ang mga estudyante sa Gym.
Muntik na akong masubson nang magtulakan ang mga estudyante.
"Mag hinay-hinay naman kayo!" Sigaw nitong lalaki sa gilid ko.
Pogi naman ng Carlo na 'yan.
"Ok ka lang Da?" Tumango ako nang nakangiti.
He came up with that call sign I don't even know what's the meaning.
Ang dami ko ng natutunan. Sana nandito nga si Mama para masabi ko na sakanya na the best siya ngayong alam ko na ang kahulugan nito.
"Chill Da, I'm ok." Inakbayan niya ako habang inaalam namin kung ano ang nagyayari.
Simula bata hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit walang kinakaibigan itong si Carlo kundi ako lang.
Parang timang 'to ' di pa nga kami loyal na. Eme.
"Anong meron?" Parang kinikiliti ang mga babaeng ito nang tanungin sila ni Carlo.
Sasagot na sana ang isa sa kanila nang magsalita itong lalaking ito.
"Nevermind."
Ngumiwi ako nang tumalikod siya kaya napasama ako kasi nakaakbay siya sa akin.
"Aray ko naman." Nagpaumanhin siya at tinanong uli ang isang lalaki.
Maski ito hindi rin alam kung ano ang nagyayari.
Humarap nalang kami sa harap at merong mga tauhan ng paaralan kasama na rin ang principal at isang babae na naka-itim na damit na mahaba at may salamin sa mata.
"This is the result of the exam. And the top two highest score will be going to Adelaide Academy." Umingaw ng mga bulong-bulongan ang loob ng gym.
Adelaide Academy?
"Adelaide Academy is a school only for students who has high IQs. We will choose from boys and girls." Namamanghang nagtinginan kami ni Carlo.
Kaya pala kami pinag exam noong isang araw! Akala ko na kung ano yun pala eto lang naman.
Hindi ko na pinag aksayahan ito ng oras tumalikod na ako-
"Phatima Delos Reyes from 2nd year." Napamaang ako. Hindi ako makagalaw.
"Daaaa!ikaw yu-"
"Carlo Enriquez." Nagtinginan kami ni Carlo.
"TAYO!?" Sabay naming sabi.
Hindi namin mawari iyong araw na yun.
Yung araw na ring iyon kung kailan kami nagpaalam sa mag asawa. Mangiyak ngiyak kami na umalis sa tahanan nila.
At nangako kami magbabalik na may diploma at sabay kaming babalik ni Carlo.
Namangha kami nang makarating sa Adelaide Academy parang palasyo ito at ang linis tingnan. Malapad ito at kukunti lang ang mga estudyante na makikita sa hallways.
Nung araw ding iyon inintroduce sa amin ang rules and regulations.
Bawal magsama ang lalaki at babae sa dormitoryo. At may roll ca kapag wala kapa mag roll call ay papatawan ka ng parusa. Kailangang gumising ng alas sais.
Ang uniporme ay susuotin kada weekdays except friday. Kapag friday ay naka bestida ang lahat ng babae at naka parang tuxedo ang mga lalaki para bang pormal at kung minsan ay naaayon sa kung ano ang gaganaping aktibidadis.
Makakauwi lang kami sa aming mga tahanan kung mag re-reset.
Yun ay parang semestral break at magtetest uli kung sino ang papasa siya ang mananatili.
Ang mag t-top ten ay may matatanggap na premyo.
Dito nabago ang buhay namin ni Carlo.
Dito nag umpisa ang lahat...