"BRIGADIER GENERAL...!" "Huwag kayong maingay, guys. Pilitin ninyong makatakas sa lugar na ito upang makahingi ng tulong sa Camp Panacan. Iyan ang kampo na malapit dito sa South Cotabato." Nanunuot man ang sakit ng balakang dahil sa daplis ng bala ngunit kinaya pa rin ni Sablay Dulay ang nagwika. And, yes, it is! Ang bumulabog sa kanilang pagsabog ay dulot ng mga rebeldeng sumugod sa barracks nila. Mabuti na nga lamang at naging maagap ang tower man nila at nakapag-go signal. Kaso ganoon pa rin, nagmistulang sila ang mga rebeldeng patago-tago. "Hindi ka namin iiwan dito, Sir Brigadier General. Sama-sama tayong nasadlak sa giyerang ito kaya't sabay-sabay din tayong lalaban. Kung ubusan man ng lahi ang gusto nila ay gagawin natin." Mariing pagtutol ng isa niyang tauhan. 'Tang*na naman

