"ANO'NG sinabi mo, anak? Aba'y patawarin mo ang iyong Nanay ngunit hindi ako papayag na aalis ka. Kaya ka nga pinaiwan dito ni Artemeo dahil delikado ang lugar na pinuntahan nila. No! As in NO." Kulang na lang ay humiwalay ang leeg ni Aling Gorya dahil sa pagtutol sa hinihiling ng manugang. Kasalukuyan naman kasi siyang nasa Baguio dahil pinaluwas siya ng anak upang may makasama ang asawa lalo at nag-aaral ang bunsong anak. At sumama na rin sa Manila si Andy. Kaso! "Wow! Sosyal na si Nanay. May big NO na po siya. Saan po ba iyan nabibili, 'Nay?" humahagikhik na tanong ni Cora. "Heh! Isa ka pa, Corazon Aguillar! Mukhang naging pabaya ka na rin ah. Aba'y huwag mong kalimutang ang Kuya mo ang nagpapaaral sa iyo!" Pinandidilatan niya tuloy ito at hindi ito nakailag sa pangungurot niya! N

