bc

DEVIL BESIDE ME_SSPG

book_age18+
1.6K
FOLLOW
19.0K
READ
billionaire
dark
dominant
kickass heroine
mafia
bxg
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

She used her body to seduce her boss and fall in love with her. Ngunit paano kung maging siya ay mahulog sa binata? Maisasakatuparan pa kaya ni Ruffa ang paghihiganti sa binatang pumaslang sa kanyang mga magulang, kung sa puso niya ay natutunan na niya itong mahalin.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Boss, anong gagawin natin sa mga magulang ng bata?" ani ng lalake sa amo nito. Nakaupo sa pang-solohang sofa ang amo nila na nakadekwatro pa ng binti habang nagyoyosi. Nasa basement sila ng rest house ng kalaban nila at nasa harapan nito ang lalakeng mahigpit nitong katunggali sa mafia. Kasama ang asawa nito. Nakaluhod at nanghihina ang mag-asawa na ipinabugbog nito kahit ang asawa nitong babae. "I'm done here. Tapusin niyo na. . . ang paghihirap nila," ani ng boss nila sabay tayo. "Hayop ka talaga, Devon! Hwag mong idamay ang asawa ko dito! Patayin mo na ako pero hwag mo namang idamay ang asawa ko! Walang kasalanan si Trina sa'yo!" naghahabol hiningang bulyaw ng lalake dito na napangisi lang. "Ayaw mo ba no'n? Makakasama mo hanggang sa kamatayan. . . ang pinakamamahal mong asawa," natatawang saad nito. "Hwag kang mag-alala, Jacinto. Kapag nahanap ko ang anak niyo? Isusunod ko siya sa inyong mag-asawa." Dagdag nito sabay halakhak. "Hayop ka! Wala kang kaluluwa! Kahit ang batang walang kamuwang-muwang ay idadamay mo? Wala kang puso! Buhay ka pa, pero sinusunog na sa impyerno ang kaluluwa mo!" nanggagalaiting bulyaw nito na ikinahalakhak lang ng binata sabay iling. "Any last word?" sagot nito na kinabitan ng silencer ang caliber nito. Tumulo ang luha ng mag-asawa na nagkatinginan. Halo-halong emosyon ang nakabulatay sa kanilang mga matang naluluha. "I'm sorry, honey. Dahil sa akin nadamay pa kayo ng anak natin," sambit nito na hirap na hirap sambitin iyon. Umiling-iling ang asawa nito na panay ang tulo ng luha. "Kung ito na ang huli, masaya akong hanggang sa huling hininga ko ay kasama kita, honey. Alam kong may awa ang Diyos. Hindi niya pababayaan ang anak natin," pabulong sagot ni Trina dito. "Mahal kita, Jacinto --urghh!" "Trina!" Umalingawngaw ang sigaw ni Jacinto na hindi pa man natatapos ang pamamaalam nila ng kanyang asawa sa isa't-isa ay tinuluyan na ito ng binatang nasa harapan nila! Dilat ang mga mata ng ginang na parang nauupos na kandila at dahan-dahang bumagsak sa harapan ni Jacinto habang masaganang umaagos ang dugo mula sa ulo nito! "Hayop ka!" halos mapugto ang ugat nito sa leeg sa lakas ng pagsigaw nito sa binata na ngumisi lang. "Goodbye, Jacinto. See you. . . in hell." Paanas nito na walang kakurap-kurap na pinutukan ito sa noo. Dahan-dahan itong bumagsak ng sahig na dilat ang mga mata katabi ang asawa nitong wala na ring buhay. Naghalo sa sahig ang kanilang dugo na magkaharap na nakahandusay sa sahig. "Let's go. May ha-hunting-in pa tayong tuta." Anito na parang haring naglakad palabas ng rest house. "Mommy, Daddy," nanginginig na sambit ng batang babae na nasa limang taong gulang. Nagkukubli ito sa isang lumang aparador na nakatengga dito sa basement ng kanilang rest house kasama ang iba pang gamit na hindi na nila ginagamit. Dito siya pinatago ng kanyang mga magulang nang may mga kalalakihang sinugod ang rest house nila. Nanginginig ang buong katawan ng bata at namamanhid na rin na ilang oras na siyang nakasuksok sa mainit, madilim, masikip at maalikabok na aparador. Pero takot na takot itong lumabas sa pag-aakalang nasa labas pa ang mga taong pumatay sa mga magulang nito. "Mommy, Daddy." Usal nito na hindi na gumagalaw ang kanyang mga magulang na nakahandusay sa 'di kalayuan. Nakatulogan nito ang impit na pag-iyak. Kung hindi pa naramdaman na umiinit ang kinaroroonan ay hindi pa ito magigising! "Mommy! Daddy!" tili nito na napalabas sa aparador na kinakukublian nito na masilip niyang nasusunog na ang buong lugar! Napahagulhol ito na madaanan niya ang mga magulang niyang nakahandusay na kapwa duguan at wala ng buhay. "Pagbabayarin ko siya, Mommy, Daddy. Papatayin ko din siya. Papatayin ko siya." Madiing sambit nito na niyakap at hinagkan ang mga magulang bago lumabas sa sikretong lagusan palabas ng rest house. NAGPALABOY-LABOY si Ruffa sa kalsada. Walang mapuntahan at walang kakilala. Nagbakasyon lang kasi sila sa probinsya kaya wala itong malapitan. Hanggang sa makilala nito si Gemma. Isang matandang dalaga na walang anak. "Bakit ang dungis-dungis mo namang bata? Napakaganda mo pa naman," maarteng turan nito habang pinupunasan ng bimpo si Ruffa. Gutom na gutom ang bata na halos hindi na nginunguya ang kinakain. Naiiling naman ang dalaga dito. Ilang araw na kasi nitong napapansin ang bata na tumatambay sa harapan ng simbahan kung saan may children's park. Tahimik sa sulok na pinapanood ang mga batang masayang naglalaro. Ni hindi ito nagbibihis. Madungis at sabog-sabog na rin ang mahabang buhok. Naawa naman ito sa bata kaya nilapitan na niya at dinala sa bahay niya. Nalaman nitong wala ng pamilya ang bata. Namatay na raw ang mga magulang nito sa sunog. Wala namang nakakakilala sa mag-asawa kaya hindi niya alam kung paano ibabalik sa mga kaanak nito ang bata. "Gusto mo bang manirahan sa akin?" tanong ni Gemma dito. Nagningning ang mga mata ng bata na bakas ang tuwa sa narinig! "Totoo po? Gusto niyo akong ampunin?" tanong nito na punong-puno pa ang bibig. "Gusto mo ba? Hindi ako mayaman ha? Maliit lang ang bahay ko. At hindi masarap palagi ang pagkain ko sa bahay. Mukhang anak mayaman ka pa naman." Wika ni Gemma dito na tumango-tango. "It's okay po. Basta may pagkain po ako at matutulugan. Ayoko na po dito sa park matulog eh. Malamig po sa gabi. Nakakatakot po dito." Pagkukwento nito na ikinahabag ng loob ng dalaga. "Kaya pala dito kita madalas nakikita," saad ng dalaga na hinaplos sa ulo ang bata. "Sige, ako na lang ang mag-aalaga sa'yo ha?" "Salamat po!" masiglang bulalas nito na tumayo at niyakap si Gemma na natatawang niyakap ito pabalik. 20 Years Later: "ATE, Kuya, bili na po kayo ng gulay ko! Sariwang-sariwa katulad ng tindera!" masiglang pag-aalok ng dalagang si Ruffa sa mga taong dumaraan ng pwesto nito. "Ay, ano ba itong talong mo, Neng. Lutaytay na," reklamo ng isang binabae na namimili ng mga paninda nitong gulay. "Mamita naman. Grabe ka naman sa lutaytay. Saka talong 'yan. Hwag mong pisil-pisilin at kahit anong pisil mo d'yan, hindi 'yan titigas," pabirong sagot nito na ikinatawa ng mga nakarinig maging ang binabae na costumer nito. "Gusto ko nga ng matigas. Mas matigas? Mas masarap!" maarteng bulalas ng binabae na ikinatawa ng mga ito. "Mas matigas ba, Mamita?" "Oo, my dear. 'Yong malabakal sa tigas," paanas nito na tila may ibang ibig ipahiwatig na ikinatawa ng dalaga. "Oh eto, Mamita. Matigas na 'to ha?" anito na iniabot sa costumer ang may kalakihang kamote na pahaba ang hugis! "Ay! Gusto ko 'to! Maugat-ugat na sobrang tigas," maarteng saad nito na hinimas pa ang kamote. Nagpipigil namang matawa ang mga katabi nilang tindera dito sa palengke sa tinuran nito. "Bigyan mo'ko isang kilo nito. At isang kilo ng talong mo. Teka. . . may itlog ka ba, Neng?" tanong nito. "Meron ako, Mamita. Ilan ang kukunin mo?" tanong ni Ruffa na mabilis namili ng mga talong at kamote na binibili nito. "Ay, may itlog ka rin? Ang ganda mo pa naman." Maarteng bulalas nito na umani ng halakhak. "Mamita naman. Mukha lang akong may itlog pero babae 'to," natatawang sagot ni Ruffa dito. "Kidding, my dear. Anyway, alam mo nasasayangan ako sa ganda mo. Gusto mo bang lumipat na lang sa akin? Kaysa naman nandito ka sa--" napalinga pa ang binabae sa paligid nito na napaipit ng ilong nito. "Kaysa naman nandito ka sa mainit, masikip at mabahong palengke. Naku, walang asenso ang buhay dito, Neng. Magsisimula kang tindera, tatanda kang tindera dito." Napailing naman si Ruffa na ngumiti dito at iniabot ang mga pinamili nito. Kaagad namang binayaran ng binabae ang mga kinuha nito. "Hwag na, Mamita. Masaya naman ako dito eh." Sagot nito na ikinanguso ng kaharap. "Oh siya. Kung 'yan ang gusto mo. Pero in case magbago ang isip mo ay tawagan mo lang ako," turan pa nito na nagpaalam na sa dalaga. Nangingiti namang napasunod ng tingin si Ruffa dito na pakendeng-kendeng ang balakang na umalis. "Naku, Ruffa. Hwag na hwag kang padadala sa baklitang iyon ha? Eh sa inuman naman 'yan nagtatrabaho. Kapag pumasok ka sa kanya? Gagawin ka lang pokpok niya'n. Pulutan ng mga costumers niyang hayok sa laman," ani ng katabi nitong tindera din ng gulay na sinang-ayunan ng mga katabi nila. Napangiti si Ruffa na tumango. "Hwag ho kayong mag-alala, Tiyang. Mas nanaisin ko naman magtinda dito sa palengke maghapon kaysa ang mamasukan sa Bar niya. Kahit mas mataas ang kita doon ay hindi ko naman maaatim magtrabaho sa gano'ng lugar." Sagot ni Ruffa. "Tama 'yan, Ruffa. Aba, mas marangal naman maging tindera dito sa palengke kaysa sa mamasukan kang pokpok sa Bar." Pagpapayo pa ng isang ginang na katabi nito. HAPON na nang makauwi si Ruffa sa bahay nila ng Nanay Gemma nito sakay ng tricycle. "Nay, nandito na po ako," bungad nito pagpasok ng kanilang tahanan. Naabutan naman nito ang ina na nasa sala. Nanonood ng balita habang nagtutupi ng mga bagong labang damit nila. Lumapit ito na nagmano sa ina. "Kaawaan ka ng Diyos, anak. Kumusta sa palengke?" anito sa dalaga na pagod na naupo sa upuan nilang yari sa kawayan. "Maayos naman po, Nay. Nakakapagod pero kinakaya pa naman." Nakangiting sagot nito. "Sinabi ko naman kasi sa'yo. Sa iba ka na lang magtrabaho. Sayang naman ang pinag-aralan mo, anak. Matalino ka pa naman pero nakatengga ka lang sa palengke," saad ng ginang nito. "Nay, ayoko po. Paano kayo?" Napahinga ng malalim si Gemma na malamlam ang mga matang nakatitig sa dalaga. Malaki na nga ito. Ang bilis lumipas ng panahon. Parang kahapon lang noong lapitan niya ito sa park sa harapan ng simbahan na isang gusgusin at palaboy na bata. Pero ngayon, heto at dalaga na ito. Mabuti na lang at lumaking mabait at may respeto sa kapwa ang dalaga. Kaya hindi nahirapan si Gemma na palakihin ito at pinag-aral. Napakabait nito at madiskarte. At ang isa pang ipinagmamalaki nito sa dalaga, pinapahalagaan nito ang dangal nito. Kaya kahit marami ang nagtatangkang ligawan ito ay walang pumapasa. Maski ang mayor nila sa probinsya na isang balo at may kaya ay hindi umubra sa dalaga. "Kaya ko naman ang sarili ko, Ruffa." Sagot nito. "Siya nga pala. Tumawag ang Lola Josie mo kanina. Tinatanong kung gusto kong manilbihan na katulong sa amo niya," anito. Ang Lola Josie nito ay nasa Manila. Isang mayordoma sa mansion na pinagsisilbihan nito buong buhay niya. Doon na nga siya tumanda. "Ano pong sinabi niyo kay Lola?" tanong ni Ruffa dito. "Sabi ko, hindi ko na kayang magtrabahong katulong. Pero ikaw, anak. Baka lang gusto mo? Sayang din kasi at malaki din naman ang pasahod ng mga Smith kahit katulong ka lang nila." Saad nito. Napanguso ang dalaga na napaisip. Mabait naman ang mga Smith. Kaya nga nagtagal doon ang Lola Josie nito. Malaki din sila magpasahod kaya napalaki nila ang bahay nila na dati ay maliit lang. Ngayon ay nasa dalawang palapag na ito at yari sa semento. "Pero paano po kayo? Maiiwan kayong mag-iisa dito, Nay." Saad nito. Kaya hindi nito maiwan-iwan ang ina at magtrabaho sa malayo. Dahil walang makakasama ang ina niya sa bahay nila. Hindi na kasi ito nag-asawa pa. Kaya sa kanya na umikot ang mundo ng Nanay Gemma nito. "Kaya ko naman ang sarili ko, Ruffa. Gusto ko rin na makarating ka ng Manila. Malay mo 'di ba? Magbago ang buhay mo doon. Kung magiging mabait sa'yo ang kapalaran, anong malay natin. Mahanap mo doon ang mga kaanak mo," turan nito na ikinahinga ng malalim ni Ruffa. Sumilay ang matabang ngiti sa mga labi ng dalaga na maalala ang nakalipas. Dalawang dekada na ang nakakalipas magmula nang mamatay ang mga magulang niya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nila. Kung paanong para lang silang hayop na pinaslang. Naningkit ang mga mata nito na naikuyom ang kamao na maalala ang gabing sinugod sila sa rest house at pinaslang na parang hayop ang mga magulang niya ng lalakeng nagngangalang. . .Devon. "Sige po, Nay. Tama kayo. Twenty years na rin ang nakakalipas. Kailangan ko na rin kasing hanapin. . . ang taong may malaking utang sa akin."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
51.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
163.9K
bc

My Cousins' Obsession

read
188.9K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
38.1K
bc

Daddy Granpa

read
277.3K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.6K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
248.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook