RUFFA: SINAMAAN ko ng tingin si Daven na kinalas ang braso nitong nakapulupot sa baywang ko. Napalunok naman itong namutla at kita ang pagdaan ng takot sa mga mata nito. "Wife, wait--" Hindi ko ito pinansin at nagtuloy-tuloy na umakyat ng hagdanan. Lalong sumama ang loob ko na marinig na kinausap niya pa ang babaeng 'yon kaysa sundan ako. Nagdadabog akong umakyat ng silid na hindi nililingon ang mga ito. Nag-lock din ako ng pinto para hindi niya ako masundan. "Gusto mo pa rin siya? Eh 'di d'yan ka na!" naiinis kong sigaw! Kung hindi lang ako nahihiya kila Mommy ay nagwala na ako at nakasira ng gamit sa sobrang inis ko. Uunahin pa talaga niyang makipag kwentuhan sa dating girlfriend niya kaysa sundan ang asawa niyang nagtatampo? "Hwag na hwag kang lalapit sa akin. Makikita mo!" sig

