RUFFA: PALAKAD-LAKAD ako sa balcony habang hinihintay sagutin ni Kuya Mario ang tawag ko. “Kuya,” usal ko na sumagod din ito. “Ruffa? Bakit ka napatawag? May update ka na ba?” bungad nito. Napalingon ako kay Daven na nahihimbing pa rin sa may kama. “Yeah. Dinala ni Daven dito sa unit kahapon. Nabanggit niyang iyon ‘yong business proposal nila sa investor niyo.” Sagot ko. “That's good to hear, Ruffa. Kunin mo at palitan ang files na ‘yan. Nang sa gano'n, sa akin mapupunta ang original,” sagot nito na bakas sa tono ang tuwa. “Hindi mo manlang ba ako kukumustahin, Kuya?” Natahimik ito ng ilang segundo bago sumagot. “Kumusta ka na nga ba? Kaya mo na ba ang sarili mo?” mababang tanong nito. “Kaya ko na, Kuya. Hindi naman malalim ang sugat ko eh,” sagot ko. “Good. Makakalabas

