RUFFA: MASAYA kaming nananghalian ng pamilya ko kasama ang mga tauhan dito sa mansion. Pagkatapos naming kumain ay nagkayayahan kaming mag-swimming. Kinikilig naman ako sa mga magulang ko na kahit nasa sixty's na ang Daddy ay napakalambing pa rin nila ni Mommy sa isa't-isa. Hindi nga mahahalata sa itsura nila ang edad nila. Para lang silang magkakapatid nila Kuya Luke kung titignan. "D-Daven, ano ka ba?" mahinang saway ko kay Daven. Nalingat lang ako saglit sa panonood sa mga magulang naming naghaharutan sa sulok ay sumuot na sa pang-upo ko ang kamay nito! Kahit na hindi naman mapapansin kung ito nahawakan sa akin ay nakakahiya pa rin dahil nilalamas-lamas lang naman nito ang pwet ko! Nag-iinit ang mukha ko na nakukurot ito at magkatabi kami dito sa sulok. Abot hanggang dibdib namin

