RUFFA: TAHIMIK ako na inasikaso nito. Hindi na rin ito umimik at nakakapanibago ang katahimikan nito. Sanay ako na makulit siya at malambing. Pero ngayon, ibang-iba ang dating ng katahimikan naming dalawa. Siya na rin ang naghanda ng agahan namin. Nakaupo lang ako sa silya na pinapanood ito. Hindi naman siya mukhang galit. Pero nag-aalangan akong kausapin ito na wala akong mabasang emosyon sa kanyang mga mata. “Let's eat,” saad nito na matapos maghain ng agahan. Omelette, fried rice, sausage, at mashed potato with butter ang inihain nito. Magkaharap kaming kumain na walang imikan. Tanging ang kubyertos lang namin ang naglilikha ng ingay dito sa kusina habang kumakain kaming mag-asawa. Panaka-naka ko itong sinusulyapan na sa pagkain niya nakatuon ang paningin. “Daven,” hindi ko na

