RUFFA: NANGUNOTNOO ako na pinakiramdaman ang paligid ko. Napakatahimik ng silid at dama ko ang lamig na binubuga ng aircon. “Nasaan ako? Ano bang nangyari?” usal ko sa sarili na inaalala ang mga nangyari. Nangilabot ako na binalot ng takot at kaba ang dibdib na maalala ang nangyari! “Gusto nila akong patayin? Alam na nila kung sino ako?” usal ko na napadilat ng mga mata! Sunod-sunod akong napalunok na makagisnan si Daven na nandidito sa tabi ko. Nakaupo ito sa silya at nakayukyok ang ulo sa gilid ng kama habang hawak-hawak ang kamay kong may dextrose. Nandito rin sa silid si Kuya Luke pero nahihimbing na ito katabi si Chelsea sa sofa. Napasapo ako sa ulo na gulong-gulo ako sa mga nangyari kagabi. Maging sa mga sinabi ni Kuya Luke. Napalapat ako ng labi na maingat binawi ang ka

