"Bye baby, papasok na si ate" I kissed my little sister tsaka ako pumuntang kusina para magpaalam kay mama.
"Papasok na po ako ma" I kissed her cheeks before leaving the house. Nagmamadali na akong dumiretso sa sakayan ng jeep dahil male-late na ako.
Pagkasakay ko ay inilabas ko ang pamaypay ko at pinaypayan ang sarili ko. Sobrang init kasi kahit na umagang-umaga palang. Baka matunaw ang make up ko dahil nagsisimula na rin na mamuo ang pawis sa noo ko. Paano ba naman kasi ang init-init ng uniform naming mga nursing students. White uniform, nakapanloob pa kami ng chimise (yong white sando dress), white stocking tsaka white cycling. Nakasuot rin ako ng puting sapatos. Maayos rin na nakapusod ang buhok ko na may hairnet pa.
Inilabas ko rin ang reviewer ko at nagsimula ulit na magkabisado. May short quiz kasi kami mamaya tho hindi naman yun major but I still need to maintain my grades.
"s**t" nanlaki ang mga mata ko nung masagi ng isang lalake ang mga reviewer ko dahilan upang mahulog ito sa paanan ng mga pasahero. Mabilis ko yong pinulot. Mga bond paper kasi ko yun isinulat kaya nagkakahiwalay ang mga yun. "Kainis"
"Im sorry" kinuha ko ang iniabot nitong reviewer ko na pinulot niya rin. Hindi ko siya nilingon at ipinagpatuloy nalang ulit ng pagre-review ko. Nagsimula nang gumalaw ang jeep sinyales na puno na. Nahihirapan akong magreview kasi magalaw at maingay dito sa loob ng jeep.
"Use this" akala ko hindi ako ang kinakausap niya pero nung makitang may nakalahad na earphones sa harapan ko ay nag-angat na ako ng tingin sakanya. Its like we're in a movie where in mahuhulog kami sa isa't-isa pero wala akong maramdaman na kakaiba.
Napatingin ako sa uniform nito. Marine. Ohh we're in the same school. May itsura rin naman siya but he's not my type. Tinaasan ko nalang siya ng kilay at hindi tinanggap ang earphones niya. Napangiti naman ito at siya nalang ang gumamit nun.
Mas nauna akong bumaba kaysa sa lalaking yun kasi sa science ako bumaba while siya ay baka sa main pa bababa. Tumakbo na ako papunta sa classroom namin at saktong-sakto lang na pagkapasok ko sa room ay time na pero mabuti nalang at wala pa yong teacher namin.
"Nagreview ka?" tumango ako.
"Tabi tayo. Nagreview rin ako" she giggled. Tinaasan ko nalang siya ng kilay at ibinalik na ulit sa reviewer ko ng paningin ko. For sure hindi siya nagreview. Nakita ko pa story niya sa ig kagabi na nag-iinoman sila. Buti nga nakapasok pa siya. Well, sanay naman na yan. Kahit may jetlag papasok parin.
Pagkapasok palang ng teacher namin ay ibinigay niya na ang mga test paper saamin. Kung hindi fill in the blanks, enumeration naman yun. Sobrang kapal ng pinareview niya samin pero nakakainis lang kasi hanggang 20 lang yong test items namin. Kumbaga out of 500 words na kinabisado namin ay 20 lang doon ang nasa test paper.
"Hindi ko makita" bulong ni Ericka na nasa likuran ko. She's one of my friend. Pasimple ko naman na ini-angat ang answer sheet ko para makita niya. Pagkatapos ng trenta minutos na quiz namin ay nagdiscuss ulit ito. Hindi namin chineck yon kasi siya ang nagche-check. Wala kasi siyang tiwala sa mga studyante. Masyadong strict ang teacher namin na yun baka daw mandaya kami kaya siya mismo ang nagche-checked.
"Dismissed" pagkatapos ng napakahabang discussion ay natapos rin siya. Nag-unat ako ng kamay at napasandal sa upuan ko.
"Thank you shinette! The best ka talaga" saad ni ericka. Tumango ako at tumayo na rin.
"May bayad yun, libre mo 'ko" ngumisi ako.
"Tsk oo na. Kung sumama ka sana kagabi edi sana hanggang ngayon busog ka parin"
"Next time alam mo naman kailangan nila ako sa bahay"
"Kung hindi pag-aaral ang pino-problema mo, pamilya mo naman. Seriously kailangan mo na ng lalaki para naman umikot rin sa iba ang buhay mo" natatawang sabi nito habang naglalakad kami papunta sa canteen.
"Hanapan mo nga 'ko"
"Gago ilang beses mo na yan na sinabi pero kung may nireto naman ako, aayaw ka naman"
"Hindi ko naman kasi sila type"
"Gwapo naman sila"
"Sa ugali ako bumabase"
"Mukha mo!" natawa kami pareho.
"Totoo naman! Bonus nalang kapag gwapo"
"Kumuha ka na nga lang dyan ng gusto mo, don't worry hahanapan kita ng bago"
"Joke lang huwag na--"
"Okay mabuti naman at makakatipid ako--"
"Huwag na yong lalaki sabi ko, epal ka libre mo 'ko uy!" kumuha ako ng waffle, monde at dutch mill. Gusto ko pa sanang kumuha ng junk foods pero huwag nalang baka mamulubi kaibigan ko dahil sa sobrang mahal ng mga pagkain dito sa canteen. Ang mahal na nga ng tuition pati ba naman mga paninda dito sa canteen!
"Abusado" pabiro akong inirapan ni ericka pero siya rin naman ang nagbayad sa kinuha ko. Pagkatapos naming bumili ay dumiretso kami sa mga bench sa ibaba ng mga malalaking puno. Dito kami madalas tumambay.
"Pakagat ako" mabilis kong isinubo ang pagkain ko nung dumating sila kyla at rea tsaka ko sila binelatan. Nagpalibre nga lang ako eh, aagawin pa nila.
"Damot"
"Ang yaman-yaman mo nanghihingi ka? Kuripot!" sabi ko naman at inirapan siya.
"Tinatamad kaming bumili sa canteen ang layo kaya ng building namin sa canteen" saad naman ni rea at umupo sa harapan namin. Si ericka na ang nagpaubaya total may binili siyang junk foods kaya yun nalang ang binuksan niya.
"Ako bibili, libre mo 'ko" nagpa-cute pa ako at kinindat-kindatan si kyla.
U
"Huwag na sabi mo kuripot ako eh"
"Joke lang naman. Ang totoo niyan ang ganda-ganda mo tapos ang galing mo tapos
nasa 'yo na lahat"
"Nambola pa. Huwag na, mamayang tanghali na 'ko kakain"
"Ikaw rea?" baling ko kay rea.
"Hindi na may pagkain pa naman si ericka" sagot naman nito at sumubo ulit.
"Mga walangya kayo! Sarili niyo pinagdadamotan niyo" singhal ni ericka. Sabay-sabay nalang kaming natawa.
Napatingin naman kami sa grupo ng mga lalaki dahil sa lakas ng tawanan nila. Umupo sila sa bench medyo malayo sa pwesto namin.
"Napadpad ata ang mga marino dito? Infairness may mga itsura--"
"Bakit ikaw wala?" pamimilosopo ko. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Panira ka! Wala kang jowa"
"Huy may jowa ako!"
"Talaga? Sino?"
"Pagkain duh!"
"Ang lakas ng boses niyo, nakatingin na sila dito" sita ni kyla. Napakunot naman ang noo ko at tumingin sa mga sisid marinong tinutukoy niya. Tumaas ang kilay ko nung mamukhaan ko yong isa dun. Siya yong dahilan ng pagkahulog ng mga reviewer ko at naglahad ng earphones kanina sa jeep. Nakasabit sa balikat niya yong earphones pero hindi niya ginagamit kasi siguro kausap niya mga kaibigan niya.
"Naku huwag kayong mahuhulog sa mga lalaking yan lalo na't usap-usapan na mga babaero ang mga yan"
"Sabi nila iisa lang ang babae nilang mga marino, alam niyo yun pasa-pasahan lang"
"Huy papalapit yong isa!" sabay-sabay na nagsiiwasan ng tingin ang mga kaibigan ko habang ako ay nananatiling nakatitig sa papalapit na lalake.
"Hi, are you guys busy?" napakunot ang noo ko sa tanong niya.
"Not really, why?" si ericka ang sumagot. Mukhang kinikilig pa ang gaga. Akala ko ba huwag ang mga marino?
"Uhm how about tonight? I mean its my birthday, I just wanna invite you if you guys want" napatingin ako sa kabuoan ng lalaki. Mayaman siya panigurado kasi hindi naman siya mag-iinvite ng kung sino-sino kung wala siyang ipapakain diba?
"We'll see. Happy birthday by the way" binati rin siya ng dalawa ko pang kaibigan habang ako ay wala sana akong balak na batiin siya pero lihim na siniko ni ericka ang tagiliran ko kaya binati ko nalang rin yun.
"Here's the invitation. See you later" saad nung lalaki at bumalik na ito sa pwesto nila.
"Punitin niyo na yan" saad ko pero nanlaki ang mga mata nila at mabilis na itinago yun. Sabi na eh! Kinakain lang nila mga sinasabi nila! My goodness.
"Ang landi niyo! May boyfriend kayo uy!" inirapan ko sila.
"Magsa-sight lang naman kami ng lalaki doon tsaka kakain--"
"Anong kakainin niyo? Labi? Leeg? Abs? O baka naman ti--" hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil pinatigil ako ni rea.
"Huyyy bibig mo tangina!" napahalakhak ako. Kunwari pa mga yan, katawan naman talaga ang gustong kainin. Naku!
Unti-unting naglaho ang ngiti ko nung aksidenteng mapako ang paningin ko sa lalaking nakasabay ko sa jeep na seryosong nakatitig saakin. Iisipin ko na sanang narinig niya yong usapan namin pero masyado silang malayo para marinig niya yun.
"Dito ba yun nakatingin?" tanong ko sa mga kaibigan ko at itinuro yong lalaki pero hindi na siya dito nakatingin nung tignan ko ulit siya.
"Sino?"
"Nevermind"
________________________
Kasalukoyan akong nagrereview nung bumukas ang pintoan nitong kwarto ko kaya napalingon ako dun.
"Ikaw muna bahala sa kapatid mo at may gagawin pa ako" saad ni mama. Tumango naman ako at kinuha sakanya si shaira. Two years old palang siya.
"Baby laro ka muna ha? Magre-review pa ako eh" saad ko at kumuha ng blanket at inilapag sa sahig. Iniupo ko siya dun at ibinigay ang mga laruan niya. Umupo rin naman ako sa harap ng study table ko at ipinagpatuloy na ang pagrereview ko.
Pagkatapos ng ilang oras kong pagrereview ay natapos rin ako. Binuhat ko si shaira at iniupo sa kama ko.
"Gutom ka na baby?" umiling-iling ito. Hindi ko alam kung tamad lang ba siya magsalita o normal lang kasi 2 yrs old palang naman siya. Nagsasalita naman siya paminsan-minsan pero kadalasan tango at iling lang talaga ang response niya.
Ikinulong ko siya sa binti ko para hindi siya mahulog. Minsan na kasi siyang nahulog dito sa kama ko. Inabot ko yong cellphone ko at earphones para makinig ng radyo. Nauumay kasi ako sa playlist ko kaya sa pinapatugtog nalang nila sa radyo ang pinapakinggan ko. Pagkatapos magplay ng radyo ay nag-online ako. Sunod-sunod na chat sa gc naming magbabarkada ang nagpop.
Ericka:
@shinette ano na? Hindi ka sasama?
Kyla;
Sent a photo.
Kyla:
Sent a video.
Kyla:
Ang daming gwapo, mainggit ka blehhh
Shinette:
Pagkain gusto ko. Take out pleaseeee
Ericka:
Umiyak ka nalang. Iyaq b***h. KJ mo kasi
Ericka:
Sent a photo.
Shinette:
Pakyu
Ericka:
Hahahahaha
Napa-pout nalang ako habang tinitignan yong mga sinesend nilang picture ng mga pagkain. Ang sasarap huhuhu. Sana pala sumama nalang ako. Sasama na talaga ako next time.
Sunod ko naman na pinanood yong video na sinend ni kyla. Pool party tangina mayaman talaga! Nasagi pa ng camera ang malaking bahay sa likuran nila shet don't tell me sa lalaking nag-imbita ang may bahay nun? Kainggit wahh. Naol mayaman!
Nanliit naman ang mga mata ko nung tumutok ang camera sa isang pamilyar na lalaki. Nakaupo ito sa damuhan at may baso itong hawak na may laman na beer if Im not mistaken. Maya-maya pa ay tinungga niya yun ng diretso.
"Ay gago nakaplay pa pala yong video" rinig kong saad ni kyla bago tuloyang natapos yong video. Natawa nalang ako.
Kinabukasan...
"Don't disturb me, Im busy"
Napakunot ang noo dahil sa ingay na naririnig ko.
"I got drunk last night. I need to review or else bagsak na talaga ako"
"Oo nga! Its your fault!"
Inis ko siyang hinarap pero nakatalikod siya sa pwesto ko. "Excuse me, will you please lower your voice?!" nagrereview ako dito eh! Inis naman siyang humarap sakin.
"What?--" nanlaki ang mga mata niya at mabilis na pinatay ang tawag tsaka tinignan niya ulit ako. "I'm sorry" inirapan ko lang siya at ipinagpatuloy na ang pagrereview ko.
"Evan!" nakakainis na bakit ba ng ingay ng mga nasa paligid ko ngayon?!
"Huwag ka maingay, may nagrereview"
"Ohh"
Napapairap nalang ako sa tuwing naririnig ko ang mga boses nila. Kahit na hinihinaan nila ay dinig ko rin naman kasi nasa likuran lang sila ng bench na inu-upuan ko.
"Evan t****k" ang sarap nilang pag-untogin huhu.
"Mamaya--"
"Will you please zip your mouth! Ang ingay niyo seriously" hindi na ako nakapagtiis at nilingon na sila.
"Sorry" inirapan ko nalang sila ulit at nagfocus na ulit sa binabasa ko. "Ikaw kasi"
"Ikaw kaya"
"Ikaw--" hindi na natuloy ang sasabihin nung evan ba yun basta yong nakasabay ko sa jeep nung samaan ko siya ng tingin. "Sabi na doon nalang tayo eh" sabi niya pa at dali-dali na silang lumipat sa medyo malayo sa pwesto ko. Mabuti naman.
Ilang minuto ulit ang lumipas ay tumunog ang cellphone ko.
Ericka:
Bitch can't comeeee kagigising ko langgg kasama ko sila reys at ky:(
Shinette:
Gaga yan napapala niyo. Inom pa kaseee. Unti nalang bagsak ka na. Bahala ka
Ericka:
Hindi na talaga mauulit promise:(
Shinette:
Pumasok ka.
Ericka:
Bukas promise
Shinette:
Ngayon.
In-off ko na ang cellphone ko pagkatapos kong isend yun. Ipinagpatuloy ko ulit ang pagrereview ko hanggang sa nagsawa rin ako. Napatingin ako sa dalawang maingay sa likuran ko kanina. Tumaas ang kilay ko nung makitang sumasayaw sila. t****k wtf. Itinikom ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa ko. Ngayon lang kasi ako nakakita ng lalaking nagti-t****k sa personal. Pagkatapos nilang sumayaw ay nagtawanan sila at nanood ulit ng panibago tsaka sila sasayaw ulit.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin nung mapunta sakin ang paningin ni evan. Inayos ko yong gamit ko at umalis na. Dumiretso ako sa classroom namin total malapit na rin ang time ng klase ko. Mabuti nalang at mamayang tanghali pa yong guiz namin, sana lang umattend si ericka. Ilang minuto lang ay dumating na rin ang prof namin.
***
"Shinette namannn"
"Ano?"
"Sorry na"
"Sa tingin mo ba nakakatuwa ang pagiging absenera mo?" inis na tanong ko sakanya. Napayuko siya. Mabuti nalang at walang masyadong tao ngayon dito at tapos na rin ang klase namin.
"Hindi na mauu--"
"Hindi na mauulit tapos gagawin mo na naman? Paulit-ulit nalang eh! Paano kapag i-drop ka na talaga?! Sa tingin mo ba matutuwa ako kapag nangyari yun?!"
"Sorry"
"Hindi naman sa pinagbabawalan kitang uminom pero please naman ericka mas uunahin mo parin ba ng pag-inom kaysa sa pag-aaral mo? Buti sana kong napagsasabay mo pero hindi eh! Buti sana kung nagrereview ka pero hindi rin! Ericka naman hindi araw-araw nandito ako! Paano nalang kapag wala ako? Sino nalang aasahan mo?!"
"Sorry gusto ko lang naman na makalimutan ang--"
"Oo makakalimutan mo nga ang problema mo pero pagkagising mo meron parin! Tangina ericka huwag kang duwag! Harapin mo hindi yong ganto!" lumapit ako sakanya at mahigpit siyang niyakap. "Im sorry nag-aalala lang ako" mahinang usal ko. Hinagod ko ang kanyang likod at pinatahan dahil umiiyak na siya.
"Daig mo pa si mama" pinunasan niya ng kanyang mga luha tsaka tumawa. "But thank you. Im so thankful to have a bestfriend like you, shinette"
"Binula mo pa 'ko. Uwi na nga tayo, madami pa tayong kailangang reviewin"
Inihatid ko siya sa sakayan ng jeep. Magkaiba kasi ang sakayan niya at sakayan ko. Magka-ibang direksyon kasi ang daan pauwi samin.
"Review ha hindi inom" paalala ko. Ngumiti naman ito tsaka tumango.
"Aye aye captain. Ingat ka"
"Ingat ka rin. Byeee" at tuloyan na akong umalis at naglakad papunta sa sakayan ng jeep pauwi samin.
Pagkauwi ko sa bahay ay nagluto lang ako tsaka naghugas ng lunch box pagkatapos ay dumiretso sa kwarto para magreview. Walang ibang tao dito ngayon kundi ako. Baka nasa trabaho pa si mama at papa habang yong kapatid ko naman ay baka na kila lola.
Hindi ko namang maiwasan na mapaiyak sa dami ng kailangan kong reviewin. Sobrang dami. Ni hindi ko nga alam kung anong uunahin kong gawin. First year college palang ako pero sobrang hirap na. Nakakainggit yong mga graduating na pero at the same time ayoko muna. Nakakatakot kasi. I mean gusto ko nang grumaduate para makapagtrabaho pero natatakot akong habang tumatanda ako ay tumatanda rin ang mga magulang ko.
Gabi na nung dumating sila mama. Lumabas ako nung marinig ko ang iyak ng kapatid ko.
"Dalhin mo ang kapatid mo sa kwarto" seryosong saad ni mama. Tumango ako at nagmano kila mama at papa bago kinuha si shaira at pumasok sa kwarto.
"Heto lang?! Saan ba napupunta ang mga kinikita mo Robert?!" mariin kong kinagat ang labi ko at mabilis na kinuha ang earphones ko para isuot sa kapatid ko. Halos gabi-gabi ganto yong eksena dito sa bahay. Kung hindi about sa paglalasing ni papa ang pinag-aawayan nila, ay tungkol naman sa pera o sa babae.
"Pagod ako galing sa trabaho Nela! Ginagawa ko naman lahat para kumita pero yan lang ang nakakayanan ko!" hindi ko maiwasang hindi maiyak sa mga naririnig ko.
"Pagod kang magtrabaho para may pambabae ka! Nagawa mo pang mambabae wala na nga tayong pera!"
"Anong pinagsasabi mo?! Naririnig ka ng mga anak mo, hindi ka ba nahihiya?!--"
"Putangina robert ikaw ang dapat mahiya! Saan ka natulog kagabi?! Sa babae mo?!" lumabas na ako para patigilin sila pero kusa akong napatigil sa nasaksihan ko.
"Tama na--"
~pak~
Isang malakas na sampal ang natamo ni mama galing kay papa dahilan upang mapasalampak ito sa sahig. Tila nanigas ang katawan ko. Hindi ko inaakala na magagawa yun ni papa sakanya.
Lumabas si papa at malakas na isinara ang pintoan. Mabilis akong lumapit kay mama. Niyakap niya ako at napahagulgol na. Parang dinudurog ang puso ko. Sobrang sakit.
"Okay lang ako a-anak"