"Oo nga tapos binigyan niya ako ng chocolates kyahhh" natawa kami sa pinagsasabi ng kaibigan ko. May manliligaw kasi siya, take note may jowa pa yan ah! Pero ang gaga nag-e-entertain parin ng manliligaw. Syempre hindi yun alam ng boyfriend niya.
"Huy pahingi ako" naka-pout na saad ko.
"Wait-- puta may naaalala ako! Ay hindi ko sure kung totoong nangyari yun o panaginip!" -rea
"Ano yun?" -ericka
"May naghahanap sayo nung pumunta kami sa party ni Francis!"
"Francis?" kunot-noong tanong ko. Sakin siya nakatingin, ako ang tinutukoy niya?
"Yong marino!"
"Sino naman ang naghahanap sakin?"
"Hindi ko kilala pero isa sa mga kaibigan niya. He's asking for your name, number and social media account. Even your likes and dislikes!" napaawang ang labi ko. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako o matatakot o ano. Ang creepy kaya. "But Im not really sure kung totoo. Nalasing kasi ako eh"
"Oh my god shinette! Baka siya na! Oh my god sana totoo yunnnn!" naghi-hysterical na saad ni ericka. Wow ah.
"Mukhang magkaka-love life na rin ang bestfriend natin" kumindat-kindat pa si kyla at siniko ako. Nagsitawanan pa sila.
"Feel ko totoo yun eh! Shocks--" hindi natuloy ni rea ang sinasabi niya nung bumukas ang sliding door at madako doon ang paningin niya. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya. "f**k siya yun!" sabay-sabay naman kaming napalingon sa pintoan. Nasa vis-a-vis kasi kami ngayon para magmilk tea, syempre libre ni kyla.
"Ohh hi!" nakangiting bati ni francis nung mapatingin sila samin. May tatlong lalaki siyang kasama pero hindi ko masyadong makita kasi nasa likuran sila ni francis. Tanging katawan at ulo lang ang nakikita ko.
"Hello!" kumaway pa si ericka. Nagpaalam naman si francis na mag-oorder lang sila. Halos mapuno na dito, hindi naman kasi masyadong malaki itong vis-a-vis. Magkatapat lang ang lamesa namin sa lamesa nila pero medyo malayo lang ng kaunti. Yun nalang kasi ang bakanteng lamesa.
"Sino dun?" rinig kong tanong ni kyla.
"Yong naka-black!"
"Huy s**t gwapo! Tanga yan yong navideo ko!"
Pinanliitan ko sila ng mata at unti-unting lumingon sa sinasabi nila. Mabilis na naagaw ng atensyon ko ang lalaking yun kasi siya lang naman ang naka-black at yong mga kasama niya ay naka-uniform ng pang-marine. Pero unti-unti rin naman na napakunot ang noo ko nung makilala ko siya. Siya lang naman yong nakasabay ko sa jeep, yong maingay na may kausap sa cellphone, at yong nagti-t****k. Ang lalaking malas.
"Shinette lapitan mo! Kausapin mo daliii" sila pa talaga ang kinikilig eh noh.
"Malay mo mayaman! Tsaka isa pa try mo lang naman malay mo siya na"
"Seriously I don't need a boyfriend right now" yumuko ako at isinubo yong straw ng milk tea ko.
"Wow ah nung isang araw lang gusto mo tapos ngayon ayaw mo na naman? May period ka ngayon sis?"
"Sagabal lang sila sa pag-aaral"
"Of course not, ba't kami? Napagsasabay naman namin. Si rea nga may reserba pa"
"Mataas ang standards ko sa isang lalaki. I don't think maaabot nila yun" napatingin ako kay lyka nung kurotin niya ang hita ko. Nanlalaki ang kanyang mga mata at may itinuturo. Nag-angat naman ako ng tingin at kumunot ang noo ko nung makita ko yong lalaki na nakatayo sa gilid ng table namin.
"Let me reach it then" seryosong sabi niya. What the f**k? Napatingin ako sa lamesa ng mga kasama niya, nakatingin na rin sila dito at nagtatawanan pa.
"Ako ba kinakausap mo?"
"Yes" nakakapanibago kapag ganito siya kaseryoso. I mean madalas jolly lang siya pero minsan naman seryoso.
"Anong kailangan mo?"
"Your answer"
"My answer saan?"
"Pwede manligaw?" diretsong tanong niya. Sinamaan ko ng tingin si kyla dahil sa pagkurot niya sakin. Pinipigilan ang kilig nila. Maging sila rea at ericka at halos tumili na at sumesenyas pa sila na um-oo ako.
"Tara na" inirapan ko lang yong lalaki at hinila na sila kyla paalis dun. Narinig ko pa ang mga tawanan ng mga kaibigan niya bago kami tuloyang nakalabas.
Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad habang iniinom ko parin yong milk tea ko.
"Huy gaga ka dapat sinagot mo! Sayang yun eh!"
"f**k shinette! Wahhh I can't believe what you just act a while ago! Hindi na yun magpaparamdam for sure!"
"Edi mabuti"
"Lord liwanagan niyo naman ang utak at palambotin niyo naman po ang puso nitong kaibigan namin. Amen!"
"Tanga" natawa nalang ako sa mga kagagahan nila. "Huy nagreview ka?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Of course kahit hindi mo ipakita answer sheet mo mamaya" pagmamayabang niya.
"Mabuti naman" inirapan ko siya at bumaling kila rea at kyla. "Kayo kamusta naman HM?"
"Maayos naman medyo maluwag lang sched namin ngayon kasi manganganak na yong prof namin at wala pang papalit" magkaklase sila. Parehong HM ang kinuha.
"Baka nextweek pa magiging maluwag sched namin. You know panay quiz kami ngayon, kainis" -ericka
"Sige na mauna na kami. May quiz pa kami eh"
"Okay. Goodluck! Ga-graduate pa tayo!"
"Ga-graduate pa tayo" nagyakapan kami at nagtawanan bago kami tuloyang nakihiwalay ni ericka sakanila.
Nagreview pa kami sa classroom habang hinihintay yong prof namin. Tahimik rin si ericka sa likuran ko na nagrereview. Magaling naman talaga siya kapag nagseseryoso siya pero kapag tinamaan na yan ng alak, wala na.
Pagkatapos ng quiz at klase namin ay inihatid ko na si ericka sa sakayan niya ng jeep at umiwi na rin ako pagkatapos. Hanggang alas tres lang ang klase namin ngayon while sila rea ay mamaya pang 5 matatapos ang kanila kaya nauna na kaming umuwi ni ericka.
Malapit na ako sa bahay nung mapansing pinagtitinginan ng mga kapitbahay ang bahay namin. Kumalabog ang puso ko. Tumakbo na ako papasok sa gate. Naririnig ko na ang boses ni mama na sumisigaw. Kinakabahan man ay pumasok ako sa bahay.
"Lumayas kayo dito! Mga walanghiya kayo!" napatingin ako sa sahig. Nagkalat ang mga damit. Unti-unti akong napatingin sa hagdanan nung makitang pababa si papa kasanod ni... tita. Kapatid siya ni mama.
Walang suot na pang-itaas si papa habang si tita ay nakapulupot sa katawan niya ang kumot. Umiiyak si mama na sumunod sakanila habang ibinabato niya ang mga damit ni papa.
"Tumigil ka nga Nela! Hindi ka ba nahihiya sa mga kapitba--" napatigil si papa nung makita niya ako. Sinubokan niya akong lapitan pero tumakbo na ako paalis doon.
Hindi ko na alam kung saan na ako nakarating. Napasalampak ako sa gilid ng daan. Mabuti nalang at walang masyadong tao o sasakyan dito. Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko.
Ang unfair. Life was so unfair. Sobrang unfair lang. Bakit kailangan ganito pa? Hindi ko inaakala na magagawa talaga ni papa na mambabae. At sa tita ko pa talaga. Sa kapatid ng mama ko pa.
Palaging nag-aaway sila mama at papa pero naniwala ako na magiging okay ulit sila because they love each other. Na normal lang na mag-away sila kasi ganun naman talaga sa pamilya diba? Pero ang hindi ko lang matanggap ay nagawa siyang sampalin ni papa. Na nagawa niya pang mambabae.
Akala ko noon perpekto ang pamilya namin. Na ang saya na namin kasi buo kami. Pero sa likod pala ng akala kong yun ay sirang-sira na. Pinagdasal ko pa nun na sana makahanap rin ako ng katulad ni papa paglaki ko.
Pero bakit naging ganito? What happened to him? Was my mother's love isn't enough? Hindi parin ba siya kuntento doon? I wonder what really love is, kung paano ang pagmamahal na kulang at pagmamahal na sobra.
It hurts. Pero mas nasasaktan ako sa nararamdaman ni mama. Can I just take all the pain she felt right now? Hindi ba pwedeng ako nalang ang makaranas lahat ng sakit? Nasasaktan rin ako para sa kapatid ko. Ayokong lumaki siyang walang ama. Ayokong maramdaman niya yong kulang na naramdaman ko rin noong umalis si mama para magtrabaho siya sa Abroad.
Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang sarili ko. Naglakad ako pabalik sa bahay. I was expecting na makikita ko si mama na umiiyak pero iba ang eksenang nabungaran ko.
They were laughing together. Katatapos lang magluto ni mama habang si papa ay nakaupo sa upuan.
"Anak nandito ka na. Halika na't kumain na tayo" it was like walang nangyari kanina. Na hindi nagloko si papa. f**k dapat masaya ako kasi hindi sila naghiwalay pero bakit ganito? Mas lalo akong nasasaktan. Hanggang kailan magpapaka-martyr si mama?
"Kalimutan mo nalang yong nangyari kanina anak, hindi na ulit yun uulitin ni papa"
Dumiretso ako sa kwarto. He doesn't deserve a second chance. Kakalimutan ko nalang yun? Ganun-ganun nalang yun? Hindi na niya yun uulitin? Impossible. Nagawa nga niyang gawin eh, ulitin pa kaya?
Pero wala naman akong magagawa kasi at the end of the day its still my mother's choice.
____________________________
Isinuksok ko ang earphones sa tainga ko pagkahiga ko sa kama. Katatapos ko lang magreview.
Ipinikit ko ang mga mata ko habang nagple-play ang isang kanta sa radyong pinapakinggan ko.
Hindi pa man nagtatagal ang pakikinig ko nung tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko nung makitang unknown number yun.
Unknown Number:
Busy?
Ibinalik ko nalang ulit sa bandang tiyan ko ang cellphone ko at ipinagpatuloy na ang pakikinig ko. Ilang sandali pa ulit ang lumipas nung tumunog ulit yun.
Unknown Number:
Nakikinig ka ng radyo? O nagrereview? Sorry for disturbing you...
"Paki-bati naman po si Shinette Mendigorin, she's listening right now. Hi Shinette! From your suitor, its me evan"
Wtf? Pinagti-tripan ba ako ng lalaking to? Sabi na eh siya toh. Hayst.
Unknown Number:
Narinig mo? Sayang kapag hindi ka nakikinig ngayon...
Hindi ko ulit yun pinansin. Nag-online ako para pagalitan ang mga kaibigan ko.
Shinette:
Tf. Sinong nagsabing magbigay kayo ng info sa lalaking yun about sakin?!
Rea:
Libre nalang kita bukas, peace beybeh
Shinette:
Siguradohin mo lang na madaming pagkain
Rea:
Sure magkaboyfriend ka lang hihi
Kyla:
Hahaha he's serious b***h. Grab the chance naaa. Nagchat siya sakin, seen mo daw
Ericka:
Grabe nakaka-excite siyang i-stalk. Yong timeline niya walang laman except sa prof niyang needle pa, gosh. Mamaya poser to, bago pa naman
Kyla:
Sabi ni francis totoo daw na kay evan yun. Ngayon lang daw siya gumawa ng account
Rea:
Wow ah san ba siya lumalop ng mundo galing? Halos lahat na nga ng tao may sss tsaka isa pa saan siya nag-u-update about sa school nila? Text?
Ericka:
Hahahaha
Shinette:
Are you guys done talking about him? Seriously siya pinag-uusapan niyo?
Kyla:
Magboyfriend ka na kasi para naman magka-experience ka
Shinette:
Wala akong oras sa ganyan
Hindi na ulit ako nagseen sa gc namin. Napatingin naman ako sa new message. Galing kay evan.
Evan Lavin:
Hiii
Evan Lavin:
You're online, I wonder if nababasa mo 'to?"
Evan Lavin:
Paaccept po
Evan Lavin:
Im not a poser mamaya sabihin mong poser ako
Evan Lavin:
Sent a photo.
Evan Lavin:
Proof. Huwag masyadong titigan baka matunaw hahaha jk
Tinignan ko naman yong sinend niyang picture. It was him. Nakasandal siya sa headboard ng kama. Tanging mukha hanggang sa balikat niya lang ang kita. Wala siyang damit pang-itaas kasi kitang-kita ko ang balikat nito. Nakangiti siya at naka-peace sign pa. Seriously?
Evan Lavin:
Out na 'ko may gagawin lang ako but if you want to talk to me just give me a message, I have time for you
Nag-out nalang din ako hanggang sa kusa rin akong nakatulog.
Nagising lang ako nung tumunog ang alarm sa cellphone ko. Bumangon at tsaka nag-unat. Ang bilis ng oras huhu. Tinatamad man pero pinilit ko ang sarili kong magreview ulit.
Alas sais na nung matapos ako. Dali-dali ko nang inayos ang mga gamit ko tsaka dumiretso sa banyo para maligo na. Pagkatapos kong maligo at makapagpalit ay dumiretso na ako sa kusina para kumain. Nakaluto na si mama. Mabuti nalang at wala si papa ngayon sa kusina. Hindi pa ako handa para makaharap ulit siya. Baka iiyak lang ako.
Nilagyan ko ng kanin ang plato ko tsaka hotdog. Kasalukoyan na akong kumakain nung umupo si mama sa harap ko. Pinapanood akong kumain. Ayokong mag-angat ng tingin. Naaawa ako sa tuwing nakikita ko siya.
"Anak.." humigpit ang hawak ko sa kutsara ko. Ipinagpatuloy ko ang pag-kain ko para hindi niya yun mapansin. "A-alam kong masakit tanggapin pero sana mapatawad mo rin siya anak"
"Napatawad mo na ba siya ma?" tuloyan na akong nag-angat ng tingin sakanya pero sana hindi ko nalang yun ginawa para hindi nakita ang pangingilid ng kanyang mga luha.
"Mahal ko siya anak. M-mahal na mahal"
"Papasok na po ako. Male-late na ako" saad ko at mabilis nang pumasok sa banyo para magtoothbrush pagkatapos ay pumasok ako sa kwarto para kuhanin yong mga gamit ko. Humalik ako sa pisngi ni mama at nagpaalam bago tuloyang umalis.
"Shinetteee--" unti-unting napakunot ang noo ni ericka nung makalapit ako sakanya. "Umiyak ka ba kagabi? Bakit mugto mga mata mo?"
"Of course not! Kailan pa ako umiyak duh" pabiro ko siyang inirapan. Kinukumbinsi.
"Kapag may problema--"
"Of course I'll tell you kapag may problema ako" tumawa pa ako at tuloyan na siyang inakay papunta sa room.
"Kamusta na kayo ni evan?" maya-maya pa ay tanong niya. Hindi ko maiwasang matawa. Seryoso?
"Feel ko tuloy may jowa ako" napahawak pa ako sa tiyan dahil sa kakatawa ko.
"Sagotin mo na kasiii"
"A.yo.ko"
Nagkatinginan naman kami nung marinig namin ang pagtunog ng cellphone ko. Inilabas ko yun para tignan kong sino yong nagtext. It was him again. Sinundot ni ericka ang tagiliran ko.
Unknown Number:
Good morning. Don't forget to eat your breakfast
"Mag-reply ka dali!" mabilis kong ibinulsa ulit ang cellphone ko nung sinubukan yun na agawin ni ericka.
"He's weird"
"Weird? Paano naman naging weird yun aber?"
"Is it normal to update a stranger about something like that"
"Gago malamang! Mabuti pa nga yan eh kasi manliligaw palang pero concern na siya sayo"
"Sa una lang ganyan"
"Kung makapagsalita ka akala mo naman may experience ka" tinaasan ko siya ng kilay. Napairap nalang din ako at nag-iwas ng tingin.
"Nandyan na si prof hayst" hindi na ulit kami nag-usap hanggang sa matapos ang first class namin. Sunod rin naman pumasok ang isa pang teacher namin. Halos makatulog ako dahil sa lumanay ng kanyang boses. Matanda na kasi tsaka sobrang boring niya magturo. Halos tumili ako nung matapos rin ang oras namin sakanya. Mabilis na kaming lumabas ni ericka tsaka dumiretso sa canteen para bumili ng pagkain.
Pagkatapos naming pumila ng pagkahaba-haba ay nakabili rin kami. Dumiretso kami sa tambayan dahil nagtext si rea na nandun sila.
Kumaway sila nung makita kami. Nagpanggap naman kami ni ericka na hindi namin sila nakita at lalagpasan na sana sila pero mabilis nilang nahawakan ang laylayan ng uniform namin. Walangya.
"Huy kakaplantsa lang to!" singhal ko at pinagpagan ang uniform ko bago umupo. Ganun din naman ang ginawa ni ericka bago umupo.
"Uy sila francis" mahinang bulong ni rea habang nakatingin sa likuran namin ni ericka. Kaharap kasi namin siya. "Ay wala yong manliligaw mo"
"Hi girls, mind if we join you?"
"Yeah sure" mabilis naman na pagsang-ayon ni kyla at lumipat sa tabi ni rea para may maupuan sila francis. Bale tatlo sila. Sa tabi ni kyla umupo si francis pero may kaunting space naman sa pagitan nila. Sa tabi naman ni ericka umupo yong isa at yong isa ay sa kabilang dulo.
"We didn't meet you at the party, Im francis" pakilala ni francis at naglahad ng kamay.
"Shinette" pakilala ko at tinanggap ang kamay niya. Ganun din ang ginawa ng dalawa niya pang-kaibigan. Jake at Kyle ang pangalan.
"First year?"
"Nope. Third year, marine engineering" natatawang sagot ni francis. Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso? Hindi halata. Fudge ang babata ng itsura nila eh. I mean parang kaedad lang namin.
"Sorry kuya--"
"Drop that kuya parang ang tanda naman namin niyan" nagtawanan pa silang magbabarkada. Hindi na nagulat sila ericka, siguro alam na nila. Ako lang naman kasi ang hindi pumunta sa party noon. "Bro dito!" napatingin kami sa tinawag ni francis. There I saw evan. Naglalakad siya papalapit pero nung magtama ang paningin namin ay mukhang nagulat siya. Bumagal ang lakad niya at nakaawang ng kaunti ang labi niya.
"May gagawin lang ako" sabi nito nung makalapit sa pwesto namin. Unti-unting bumaling ang paningin niya sakin tsaka tipid na ngumiti bago tumalikod at dumiretso sa pinakadulong bench. Inilapag nito ang hawak niyang parang sketch pad tapos may inilabas siya sa bag niya at basta nalang na parang tubig na ibinuhos sa lamesa ang mga kong ano-anong klase ng mga lapis at ballpens galing sa pencil case niya na de-zipper.
"Titig na titig teh?" tsaka lang ako nag-iwas ng tingin nung magsalita si ericka. Sinamaan ko siya ng tingin. Natawa ulit sila francis kasi narinig nila ang sinabing yun ni ericka.
"Hindi kayo magkaklase?" tanong ni rea. Kumunot ang noo ni francis maging ang mga kaibigan niya ay nagtaka tsaka ilang sandali lang ay napahalakhak sila. Mga baliw ba to? Kanina pa sila tumatawa eh.
"He's not marine" kami naman ngayon ang napakunot noo.
"What do you mean?" ako ang nagtanong. Naka-uniform kaya si evan ng pang-marine nung isang araw.
"He's not even studying here"
"What?"
"He's taking Bachelor's in Fashion Design, you didn't know?" nanliit ang mga mata ko. Magtatanong pa ba ako kung alam ko? Duh
"Pero naka-uniform--"
"Natalo siya sa pustahan kaya pinagsuot namin siya ng uniform namin" nagtawanan ulit sila. "Matagal na yang may gusto sayo kaya yan pumupunta dito"