Chapter 3

3006 Words
Lumipas ang mga araw na ganun parin ang naging takbo ng buhay ko. Skwela, bahay, skwela, bahay. Nakakasawa na rin magreview at mabuti nalang dahil walang quiz bukas. Unknown Number: Kumain ka na? Kain ka na. Unknown Number: Gutom na 'ko :((( Unknown Number: Bibili ako mamaya, may papabili ka ba? Dadaan ako sa bahay niyo mamaya Walangyang mga kaibigan talagang pati address ko sinabi nila?! Wtf. Unknown Number: I'll text you later. Taposin ko lang 'to Dinama ko ulit ang pakikinig ko ng radyo. Nagagandahan kasi ako sa mga music na pinapatugtog nila. Meron sakin yong ibang pinapatugtog nila pero kapag ako na nagplay niyon hindi ko na nagugustohan. Ang weird. Lumipas pa ang ilang oras. Napatingin ako sa cellphone ko. Mag-e-eleven na ng gabi. Isang oras nalang din matatapos na ang radyong pinapakinggan ko. Hanggang 11:45pm lang kasi. Hindi rin kasi ako makatulog. Unknown Number: Gising ka pa? Nasa labas ako ng bahay niyo. Sorry ngayon lang Ilang sandali akong napatitig sa cellphone ko bago naglakad papalapit sa bintana nitong kwarto ko. Hinawi ko ng kaunti ang kurtina at sinilip siya. Nakayoko siya habang may hawak na plastic. Tumaas ang kilay ko. Seryoso? Dahan-dahan akong naglakad palabas baka kasi magising sila mama. Pagkalabas ko sa gate ay nagulat pa siya nung makita ako. Hindi ko maipaliwanag ang expression niya. Parang gulat na, kinakabahan, na natuwa. Basta. "I didn't expect this. I mean, I thought you're already asleep or you're gonna ignored me again" napaiwas siya ng tingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay tsaka napatingin sa hawak niya. Mukhang napansin niya yun. "Uhh do you want coffee or milk tea?" inilahad niya yun sa harapan ko. "Uminom ka na?" "Pagkatapos mong mamili. Or you can have this both, its fine" natawa ako sa reaction niya. Kinuha ko yong milktea na strawberry flavor. "Uhh baka magkasipon ka hating gabi na..." "Should I pick the coffee then?" nanlaki ang mga mata niya. "Nah baka hindi ka makatulog" "What should I pick then?" tanong ko pa. Halos matampal niya ang noo niya. Narinig ko pa ang mahinang mura niya. "I'm so stupid" napabuntong-hininga siya. Seryoso bumili siya ng milk tea at coffee tapos pinagpili niya pa ako pero against din naman pala siya sa pipiliin ko. "Im sorry naiwan ata utak ko sa workshop" napayuko ulit siya. "You can take that but don't drink too much hmm?" "Kumain ka na?" nanlaki ang mga mata niya. What's with him? Nakakagulat ba mga tanong ko? "I wanna say yes pero ayaw ko rin naman na magsinungaling sayo..." "Are you that busy?" "I have time for you" "Hindi mo sinasagot mga tanong ko" "Y-yes" napakagat siya sa pang-ibabang labi niya. Ngayon ko lang napansin ang maliit at nag-iisa niyang dimple. Tumango-tango ako. Ilang sandaling katahimikan ang namutawi. Tumititig siya sakin pero kapag tumingin na ako sakanya ay mabilis siyang mag-iiwas ng tingin. "Iinomin ko ba ito sa harapan mo?" inosenteng tanong ko at ipinakita ang hawak kong milk tea. "Its up to you" napaiwas ulit siya ng tingin. Gusto kong matawa. Itinusok ko yong straw sa milk tea tsaka sinipsip. "Hindi mo ba iinomin yan? Malamig na" "Uhh oo" "Masarap?" muntik na siyang mabulonan. "Y-yes, gusto mo?" umiling-iling ako. Katahimikan ulit ang namutawi. Napatitig ako sakanya habang iniinom ko ang milk tea ko. Medyo magulo pa ang buhok niya, mapupungay ang kanyang mga mata, medyo matangos ang ilong, maninipis ang kanyang labi, maputi rin siya at sakto lang ang katawan. Matangkad rin siya, halos lahat naman ng lalaki matatangkad. Nakasuot siya ng jacket na puti tsaka black tshirt and black pants, kulay puti naman ang sapatos niya. Ibang-iba siya kapag sa text at personal. Kapag text napakadaldal niya pero sa personal ay para bang nahihiya siya. "Pumasok ka na, you need to sleep already" napatingin siya sa relo niya. "Okay" "Huwag mo na inomin lahat yan, bibilhan nalang kita ng bago bukas" "Huwag na" "Hindi masarap? Anong gusto mong flavor?" "Huwag na nakakahiya--" "I insists, don't be shy" "Goodnight and thanks for this" imbes ay sagot ko at tuloyan nang pumasok. Inilagay ko sa ref yong tira ko tsaka uminom ng tubig bago pumasok sa kwarto at natulog. *** Kinabukasan... "On board tayo mamaya?" napatingin kami kay francis nung magsalita ito. Sa mga nagdaang araw ay halos sila na ang nakakasama namin sa tuwing breaktime. Madalas naman kasi silang tambay dito at ganun din kami. "Sure!" pagsang-ayon ng mga kaibigan ko. Napatingin sila sakin. Ako lang kasi ang tahimik tsaka isa pa ako lang ang palaging hindi sumasama sa mga lakad nila. "Sige na shinette sabado naman bukas, walang pasok" "Its my treat, sige na" "Titignan ko" "Tapos hindi ka na naman sisipot" saad ni ericka. Palihim kong sinipa ang paa niya. "Okay hope to see you there" saad ni francis tsaka ngumiti. Napatingin naman kami sa naglapag ng milk tea sa harapan ko. Redvelvet oreo cheesecake, my.... favorite. Mabilis akong napatingin kila ericka pero ang mga gaga nagkunwaring may ginagawa. Napatingin ulit ako kay evan. "May gagawin lang ako" saad nito tsaka ngumiti. "Dude walang samin? Bakit siya lang?" kunwaring singhal ni francis, nang-aasar. "Ikaw ba nililigawan ko?" tanong ni evan kay francis tsaka tuloyan nang umalis at pumunta sa pinakadulong bench at nagsimulang gawin ang sinasabi niyang gagawin niya. Nagtilian ang mga kaibigan ko at ang mga magbabarkada naman ay naghiyawan. "Tinamaan talaga ang loko" natatawang saad ni kyle. Kinurot ko ang tagiliran ni ericka since siya lang naman ang nasa tabi ko. Sinamaan ko ng tingin sila rea at kyla na kaharap ko. "Bakit sinabi lang naman namin ang favorite flavor mo" napa-pout pa siya tsk. "Sinabi niyo rin ang address ko gaga! Hindi na ako magtataka kung pati pangalan ng mga magulang at kapatid ko ay alam niya! Baka pati birthday, edad, paboritong pagkain at kung ano-ano pa tungkol sakin ay alam niya!" singhal ko. Sabay-sabay silang nag-iwas ng tingin. Napanganga ako. Sinabi talaga nila puta. "Don't worry shinette mabait yun. Masyado nga lang busy pero trust me gagawa yan ng paraan para mabigyan ka ng oras" ani ni jake. "Oo nga, kita mo naman talagang manliligaw na manliligaw ang dating. Dinadayo ka pa dito at may milk tea pa" saad naman ni rea. "Bakit ba sakin napunta ang usapan? Ikaw ba ilan na lalaki mo?" nanlaki ang mga mata niya pero kalaunan ay tumawa. "Gago" "Ayy kyle" napatingin ako kila francis nung asarin nila si kyle. What the f**k? "Anong meron?" tanong ko. "Crush niya si rea" natatawang sagot ni jake. "Excuse me" seryosong saad ni kyle tsaka na ito umalis. "Sandali lang" mabilis naman na sabi ni rea at sinundan si kyle. Mabilis akong napatingin kay ericka. Nakayuko lang siya at nagkukunwaring kumakain. f**k ericka has a crush on kyle. Nakipaghiwalay pa siya sa boyfriend niya dahil kay kyle. Tanging ako lang ang sinabihan niya tungkol dun. Walang alam sila rea at kyla. "May jowa si rea, right?" tanong ni francis. Nagkatinginan kami ni kyla. Nangangapa ng sagot. "No need to lie. I understand her" he understand her? Does that mean he's also a cheater? "Is it normal? I mean bakit kailangang may reserba?" "Some aren't serious in a relationship they have right now. Ang iba nagjojowa lang without meaning. Intentional or unintentional yong mga reserba nila ay ang comfort zone nila, well, para sakin lang ah" "Comfort zone?" kumunot ang noo ko. "They are afraid to left alone kaya bago pa mangyari yun ay may reserba na sila" "Ikaw jake, ikaw ang maraming reserba bakit nga ba may reserba ka?" taas kilay naman na tanong ni kyla. Tumaas rin ang kilay ni jake tsaka napangisi. "Dahil malandi ako?" natatawang sagot niya. "Joke. Its because I'm not contented. Hindi ako kuntento sa iisa. Most of the people felt that, I guess?" he shrugged. Oo nga naman. Kasi kung kontento ka, hindi ka na maghahangad ng iba. "Ikaw francis wala kang reserba?" "Wala nga akong girlfriend, reserba pa kaya? Tayo nalang?" tumawa ito. "Fling kita gusto mo?" tumawa rin si kyla. "Ayokong maging fling lang eh. I want someone who's contented for having me" "Wow makapagsalita akala mo walang niloko o pinaiyak na babae" "Wala nga. Mga babae kapatid ko tingin mo magagawa kong manakit ng babae?" "Malay ko ba" "Hindi ko kaya" "Edi kayo na" singit naman ni jake. "Hindi kami talo pre" nagsitawanan kami. "I need to go" napatingin kami kay evan nung magsalita ito. Ni hindi namin namalayan na nandito na siya. Nagmamadali niyang isinara ang bag niya habang ang cellphone niya ay nakaipit sa tainga at balikat niya. "Yeah papunta na 'ko. Yes. Okay bye" pagkatapos niyang ibaba ang tawag ay bumaling siya ulit samin. Sakin. "Pinapabalik nila ako sa school" "Okay?" patanong na sagot ko. Kailangan ba siyang magpaalam sakin? Lumapit siya kay francis at may ibinulong dito. Napatawa naman si francis tsaka tumango-tango. "Una na 'ko" paalam niya sakin bago siya tuloyang umalis. "Anong sabi sayo?" tanong ko kay francis. "Tell her I love her" ______________________________ "A-anak may sasabihin ako" unti-unti akong napatingin kay mama nung magsalita ito. Nasa hapag kami ngayon at kumakain. "K-kapag pupunta ulit ako sa abroad, p-payagan mo si mama ha?" ilang sandali akong napatitig sakanya. Tila nabingi ako sa sinabi niya. Aalis na naman siya. "Kila ericka po ako matutulog ngayon may gagawin po kaming project" saad ko at dumiretso sa kwarto para ayosin ang mga gamit ko. Wala naman talaga kaming gagawin, ni wala nga kaming pasok bukas, I just want to... escape. Escape from this bullshit reality. Nagtooth brush ako tsaka nagpalit bago nagpaalaam at tuloyan nang lumabas sa bahay dala ang bag ko. Dumiretso ako sa ayala circuit since kadarating palang naman nila ericka doon. Sinabi ko na kasi sakanila kanina na hindi ako sasama sakanila pero dahil sa nangyari sa bahay ay nagbago ang isip ko. 8:15pm na nung makarating ako. Dumiretso ako sa on board at mabilis ko lang rin naman silang nakita kasi hindi naman masyadong malawak dito tsaka isa pa walang masyadong tao. Kasalukoyan na silang naglalaro nung lumapit ako sakanila. Napangiti ako nung makitang sobrang saya nila. Ang lalakas pa ng tawanan nila. "Shinette buti dumating kaaa" "Yeah" "Ay sayang wala si evan akala niya kasi dika darating" natatawang saad naman ni jake. Hindi ko yun pinansin imbes ay bumaling ako sa isang babaeng kasama nila. "Margarette, my girlfriend" pakilala ni jake sa babae. Nanlaki ang mga mata ko. Ngumisi lang si jake na akala mo hindi takot na baka sabihin namin sa jowa niya na madami siyang reserba. "Hi Margarette, I'm shinette" inilahad ko ang kamay ko sakanya. "Hi nice to meet you shinette" she smiled at tinanggap ang kamay ko. Maganda siya na may pagka-inosente ang mukha. Tinawag ni francis yong isang staff dito at nagpaadditional ng order para sakin. Pagkatapos ay ipinagpatuloy na nila ng paglalaro nila. "Ahh shet!" napahiyaw si rea nung bumagsak ang mg maliliit na metal na pinagkabit-kabit nila. "Hahaha talo" "Oh ayan pwede ka nang sumali, shinette" "Ang talo may consequences game?" "Game!" Naging madali lang ang laro kasi una palang naman pero nung tumatagal na kami ay talagang dahan-dahan na kami sa pagsabit ng mga maninipis na metal. Kapag matumba yun ay tao ka. Isinerve na rin nila yong orders namin. Nung magsawa na kami sa larong yun ay kumuha ulit sila ericka ng bago. Madaming mapagpipilian na lara sa shelves. Naka-cartoon pa ang mga yun. May instructor naman na lumalapit para ituro yong laro sa una tapos aalis rin naman pagkatapos. Kung ano-ano na rin ang consequence na natatanggap ng mga kasama ko at mabuti nalang dahil hindi pa naman ako natatalo. Actually tatlo pa kaming hindi natatalo. Panay si rea kasi ang talo. "Ano na rea talo ka na naman" kantyaw ng mga kasama ko sakanya. "Ang dadaya niyo kasi!" "May boyfriend ka na?" "What?--" "Truth naman ngayon ang consequence mo, wala na kaming maipapagawa sayo" "Wala" diretsong sagot ni rea. Nanlaki ang mga mata naming magkakaibigan pero mabilis rin naman kaming nagpanggap nung lihim niyang sipain ang mga paa namin sa ilalim ng lamesa. May boyfriend kaya siya! "Oh kyle ayan naman pala eh walang boyfriend, ligawan mo na" hindi siya pinansin ni kyle. "Game na ulit!" natatawang sabi ni Margarette at nagsimula na nga ulit kami. This time card games naman. "Shinette nagtext mama mo" bulong sakin ni ericka. "Sabihin mong nasa bahay niyo na ako, thanks" sagot ko naman. Magpapaliwanag nalang ako sakanya mamaya. Tumango naman ito at nagtipa sa cellphone niya bago ibinalik sa bulsa niya. "s**t!" "Ahh talo ka shinette!" "Alam ko kung ano sakanya!" sinamaan ko ng tingin si rea. Tumawa naman siya. "Ayosin mo" banta ko sakanya. Mas lalo naman siyang natawa. "Hayaan mong ligawan ka ni evan!" "Hindi dapat yan, liligawan parin naman siya ni evan kahit hindi pumayag yan" "Tsk wala nasabi na ni rea. Yun na yun" saad ko naman. Tsaka ini-roll na yong dice para matapos na yong usapan. Tsaka lang kami tumigil sa paglalaro nung magsasara na sila. Sulit na sulit namin yong ibinayad ni francis. Nagpicture pa kami sa loob at may pa-props pa sila. Pagkatapos ay lumabas na kami. Manlilibre pa sana si francis sa isang kainan pero busog naman na kami sa kinain namin sa on board. Napatingin naman ako sakanila nung sunod-sunod na tumunog ang mga cellphone nila. Halos sabay-sabay pa nilang kinapa ang kani-kanilang mga cellphone. Natawa ako dahil dun. Grabe. "Yong cellphone mo?" tanong ni kyla sakin. "Naka-off bakit?" "Hinahanap ka ni evan, he's so f*****g worried" natatawang ani ni rea. "Si evan nagtext sainyo?" baling niya sa mga kasama namin. Tumango-tango naman sila bilang sagot well except kay margarette na walang kaalam-alam sa pinag-uusapan. "Should we tell him, you're with us?" "Bahala kayo, lets go" nauna na akong naglakad. Sumunod naman sila sakin. Pagkalabas namin ay nagpaalam na kami kila francis. May sasakyan naman si rea. "Sa bahay tayo gusto niyo?" boluntaryo ni kyla. Pumayag naman kami. Kila ericka ang balak ko kanina na tutuloyan pero dahil si kyla na mismo ang nag-aya sa bahay nila ay dun nalang. Dumiretso na kami pauwi sa bahay nila kyla. Medyo may kalakihan ang bahay nila. Sila ni rea ang medyo may maginhawang buhay. Classmates na kami nung grade 9 highschool, friends at the same time. Nagkakahiwalay nga lang kami ngayong college kasi iba ang course nila pero ang mahalaga hindi nawala yong friendship namin. We still have time to each other. Patay na ang ilaw sa sala nila nung dumating kami. Dumiretso kami sa kwarto ni kyla. Kilala naman na kami ng mga magulang niya. Baka tulog na ang mga magulang niya ngayon. 11pm na rin kasi. "Uy online ka daw kanina pa kami kinukulit ni evan" Napabuga nalang ako ng hangin tsaka kinuha ang cellphone ko. In-on ko yun at sunod-sunod na tawag at texts ang natanggap ko galing kila mama at syempre kay evan. Hindi ko pa man nababasa lahat ng mga texts niya ay tumunog na ulit ang cellphone ko. Tumatawag na ulit siya. "Sagotin mo" pinanlakihan ako ng mata ni ericka. Napairap nalang ako at sinagot yun. Lumabas rin ako papunta sa veranda nitong kwarto ni kyla. Isang buntong hininga ang narinig ko sa kabilang linya pagkasagot ko ng tawag niya. "Are you okay?" tanong nito. "What?" "Galing ako sa bahay niyo kanina at sinabi ng mama mo umalis ka after what she said" napabuntong-hininga ulit siya. "Pupunta sana ako kanina sa on board but you guys left already sabi ni francis" "Im fine. No need to worry" "Where are you right now?" "Don't tell me pupunta ka dito?" natatawang tanong ko. "Saan ka?" imbes ay tanong niya ulit. "Kila kyla" sagot ko. "Im on my way" huling saad niya bago niya ibinaba ang tawag. Napakunot ang noo ko. Is he insane? Pupunta talaga siya dito? Pumasok muna ako sa loob. Inaayos na nila ang hihigaan namin. Wala naman si kyla, siguro nasa banyo. "Anong sabi?" kinikilig na tanong ni ericka. "Wala" "Wala?!" "Tsk tinatanong lang kung nasaan ako" "Yun lang?!" "Oo" "Ang hina naman niya" hindi nalang ako sumagot. Binuksan ko nalang yong tv at nanood sa netflix. Umupo rin naman sila rea at ericka sa tabi ko at nakinood rin. Wala pa sigurong kalahating oras ang lumipas nung tumunog ang cellphone ko. Hanggang ngayon hawak ko pa pala. Tinignan ko naman yong text. It was from evan telling me na nasa labas siya. "Oh my god!" napatili si ericka. Napasinghap rin si rea tsaka itinulak ako patayo. Mga pakialamera nakikibasa ng text tsk. "Bilis na lumabas ka na!" "Dali naaaa" "Tsk fine" "Hoy huwag mong kakalimutan na pinapayagan mo na siyang ligawan ka ha?" "Seriously?" "Huwag kang madaya duhh" "Oo na" "Go na biliss" Inirapan ko nalang sila at naglakad na palabas. Seriously pumunta siya talaga dito? Pati ba naman address ni kyla alam niya? Hayst. Pagkalabas ko ay bumungad siya sakin. Naka all black nanaman siya at white shoes, this time wala siyang jacket. Napatitig ako sakanya. Magulo at halatang pagod at puyat siya. Inilahad niya ang dalawang kamay niya. Napataas ang kilay ko. I don't get him. Nung hindi ako gumalaw ay siya na mismo ang lumapit sakin at niyakap ako. What?! "What are you doing?" kunot noong tanong ko. Ni hindi niya pa ako binibitawan. "I know you're not fine but always remember this, I'm always here for you" "What are you talking about?" "If you want to cry, just cry I'll be your crying shoulder. If you're sad, I wanna take it away. If you're happy, doble rin ang saya ko. Whatever happens you can have me anytime, shinette" "Nababaliw ka na ba?" "Matagal na shinette pero hindi ko akalain na mas lalo akong nababaliw sayo ngayon" "Baliw ka na nga talaga" napatawa ako. Mukhang nahawa rin siya kaya napatawa rin siya. "Bitawan mo na 'ko" hinigpitan niya ang yakap niya sakin ng ilang sandali bago ako pinakawalan. "Pumasok ka na sa loob" "Okay, goodnight" "Goodnight, matulog ka na pagkapasok mo" "Okay?" patanong na sagot ko. Natawa siya. Ang awkward. Nagwave nalang ako sakanya bago tuloyang pumasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD