Chapter 4

2888 Words
Unknown Number: Can't come to see you today and the next days :((( sorry Unknown Number: May research visit ako sa mga art galleries and trade shows sa ilocos sur. Unknown Number: Take care of yourself habang wala ako hmm? Ilu Pagkaopen ko ng cellphone ko ay yan na ang bumungad saakin. What the heck? Kailangan talaga may paalam? Jowa niya ba ako? Duh. Ilu? He's really insane. Hindi ko nalang siya nireplyan at dumiretso na sa banyo para magtoothbrush. May mga extra naman si kyla tsaka isa pa pumupunta na kami dito dati pa kaya may mga gamit rin kami dito. Bumaba na ako pagkatapos. Naririnig ko ang mga boses nila rea sa kusina kaya doon na ako dumiretso. "Good morning sweetheart" kyla's mom said. Ngumiti naman ako sakanya at lumapit para humalik sa pisngi. "Good morning rin tita. Good morning tito" tumango naman ang daddy ni kyla sakin at ngumiti. "Nakatulog ba kayo ng maayos?" "Yes tito" "Dad mall kami mamaya, okay lang?" nagpa-cute pa si kyla. Humila ako ng upuan sa tabi ni ericka. "Of course baby pero hanggang 4pm lang okay?" "Thank you dad!" yumakap si kyla sa mommy niya. She's so lucky to have a parents like them. Wala siyang kapatid kaya halos lahat ng gusto niya ay ibinibigay at nakukuha niya. Umupo rin naman si kyla at pinanood namin ang mga magulang niyang magluto. Medyo bata pa ang mga magulang niya, I mean maybe dahil mayaman sila o sadyang baby face lang talaga sila. Kitang-kita rin sa galaw at tingin nila na mahal na mahal nila ang isa't-isa. Para silang teenager, ang cute. How I wish na ganyan rin ang pamilya namin pero wala eh, kabaliktaran. "Mom dad gutom na kami" saad ni kyla. Nahiya sa ka-sweetan ng mga magulang sa harapan namin. Natawa naman ang mga magulang niya. Hinalikan pa ni tito ang noo ni tita bago tumalikod at siya na ang nagluto habang si tita ay inayos na yong mga plato. Pagkatapos naming kumain ay naligo na kami at dumiretso sa mall. Bumili ng kung ano-ano. Nanlibre pa si kyla ng kwintas na pare-pareho kami pero iba lang yong pendant. Maliit na airplane yong sakin habang sila ay animals o di kaya ay letter. Lumipas pa ang ilang araw at back to school na naman kami pero not like lastweek na busy kami kakareview. Ngayon ay medyo lumuwag ang sched namin. Wala rin araw na hindi ako inu-update ni evan tungkol sa nangyayari sa buhay niya sa ilocos sur. Nagsesend pa siya ng mga pictures niya, mga pinupuntahan nila at pinapanood nila, nakakainggit tuloy. Hindi ko rin alam kong kailan siya uuwi dito, ayoko ngang tanongin bahala siya. Nakapag-apply na rin si mama. Inilalakad na niya ang mga kakailanganin niya habang hinihintay ang tawag ng agency. Pinapansin ko na rin si papa pero hindi na katulad noon na masaya ako. Ngayon sa tuwing kinakausap o tinitignan ko siya ay nandidiri ako sakanya. Pansin ko rin na bumabawi siya saamin pero alam niyo yun, yong kahit nagiging mabuti na siya ay iba parin ang pakiramdam, na para bang ngayon lang yan, sa susunod uulitin na naman niya. Hindi ko pa siya mapapatawad sa ngayon, hindi muna ngayon. Si tita naman ay umuwi na sa probinsya. Mas mabuti na yun. Hindi ko alam kung paano at kailan sila nagsimula ni papa na magtalik. Minsan lang bumibisita si tita saamin. Siguro nung mga time na yun, nagkakamabutihan na sila? Nakakadiri. Galit rin ako kay tita kasi kapatid siya ni mama for Pete's sake! Tapos magagawa niya yun? Magagawa nila ni papa yun?! Napabuntong hininga ako tsaka tuloyan ng nag-angat ng tingin. Nandito kasi kami ngayon sa mga bench kasama sila rea. Pero napakunot ang noo ko nung ibang itsura ang bumungad sa harapan ko. "Nagha-hallucinate pa ata ako" I whispered tsaka ako natawa. Pumikit-pikit pa ako but the image infront of me didn't change. "Rea pitikin mo nga noo ko, nanaginip pa ata ako" I said. "Mukha ba akong si rea?" natigilan ako. Halos mapatayo ako sa gulat. He's real?! Oh my god siya nga! Paanong nangyari yun?! Sila rea lang ng kasama ko kanina eh! "Paanong--" "Surprise" he laughed. Nanliit ang mga mata ko. What the f**k? Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko sila rea sa kabilang bench na pinapanood kami at nagtatawanan na. Nagvi-video pa si ericka. Walangya! Sinamaan ko sila ng tingin at natatawa naman silang nag-iwas ng tingin at nag-usap-usap na. "Kailan ka pa dito?" I asked. "Hmm kanina?" "Ba't hindi mo ko--" "I don't want to bother you" "Kailan ka pa umuwi?" "Kaninang umaga. Nakatulog ako sa apartment pagkauwi ko then dumiretso ako dito pagkagising ko" "Baliw ka ba? You should just rest the whole day" "I can't" "At bakit?" taas kilay na tanong ko. Napa-crossed arms pa ako. "I keep thinking about you, I missed you" "Is that a sugar coat?" natatawang tanong ko. Diba ganyan naman talaga ang mga lalake. Kung ano-anong sinasabing pambobola tapos kapag hindi napasagot ang babae o di kaya ay maramdaman nilang wala talaga silang pag-asa ay maglalaho nalang sila bigla-bigla? Like seriously nasaan na yong sinabi nilang maghihintay sila? Oh man. "No, Im telling the truth" sumeryoso siya pero kalaunan ay napa-pout. Ilang sandali siyang napatitig saakin bago bumuntong-hininga at nagsalita ulit. "Can I date you?" "H-huh?" walang nakakagulat sa sinabi niya pero muntik na akong mabulonan kahit wala naman akong kinakain. "May klase ka pa?" "Wala na" "Lets go, lets have a date" "What?" "Itatanan na kita" "Gago ka ba?" nanlaki ang mga mata ko. Napatawa naman siya. "Oh ayan naintindihan mo rin. Itatanan nalang kaya kita, gusto mo?" napahalakhak na siya. "Gago" "Date na kasi tayo" "Wha--" "Itatanan kita" "The f**k?" "Seriously shinette? Date o tanan?" "Fine" inirapan ko siya. "Tanan?" sinamaan ko siya ng tingin. Walangyang lalake. "Date! Tsk" asik ko. Itinikom naman niya ang bibig niya. Pilit na itinatago ang ngiti niya. "Oh saan na kayo pupunta?" napalingon kami kila francis. "May date kami" si evan ang sumagot. Sumilay na ang ngiti niya. "Lume-level up ah!" kantyaw nila kyle. Evan just shrugged na akala mo nagmamayabang. "Ang yabang pre!" sabi naman ni jake. Natawa si evan at dumila pa sa mga kaibigan bago niya ako tuloyang inakay paalis doon. "Saan tayo?" I asked. "Saan mo gusto?" "Ba't ako, ikaw nag-aya" "I didn't date anyone before" napabuga siya ng hangin. "Mall, you don't want? Park?" "Ikaw saan mo gusto?" pagbabalik tanong ko. "Fancy restaurant but..." "But?" "Im not rich. Soon shinette madadala rin kita sa kahit saan mo at ko gusto" napatitig ako sakanya. Ni hindi na niya ako matitigan ng maayos kasi mukhang nahihiya siya. I don't care kahit na mahirap siya. Wala naman talaga akong pakealam dun as long as he loves me. But the thing is I can't imagine myself with him. Maybe just like others dumating lang siya sa buhay ko pero the next day ay aalis rin. I just let myself go with the flow. "Park nalang. Sakto Im craving sa mga street foods" saad ko. "Are you sure?" "Yeah bakit?" "Nothing" Naglakad na kami papunta sa sakayan ng jeep. Sa sentro pa kasi yong park. Halos matawa naman ako nung aksidenteng magdikit ang kamay namin habang naglalakad kami. Inilahad ko yong kamay ko sakanya, nagulat naman siya at nag-aalinglangan. Napatawa nalang ako at ako na ang humawak sa kamay niya at nagpatuloy na sa paglalakad. Tsaka lang ako bumitaw sakanya nung nasa harap na namin ang jeep. "Tsaka na kita pagbubuksan kapag may sasakyan na ako" natawa siya sa sinabi niya. Napatawa rin ako at sumakay na. Sumunod naman siya sakin at umupo sa tabi ko. Siya rin ang nagbayad ng pamasahe namin. Napatingin ako sa kamay niya nung ilahad niya yun. Inihawak ko naman ang kamay ko sakanya. Pinagsaklop niya ang mga daliri namin at ipinatong sa libro kong nasa lap niya. Hindi naman na bago saakin to. I mean nakikipag-date naman na ako dati pa. "May paypay ka?" he asked. "Yeah nasa gilid ng bag ko" sagot ko at kukuhanin na sana pero sinabi niyang siya na. Pagkakuha niya ay pinaypayan niya kami, more on sakin. Napatingin ako sa studyanteng nakatingin samin, mabilis itong nag-iwas ng tingin. Ilang sandali pa ay umandar na ang jeep hanggang sa makarating kami sa aurora park. Inakay niya ako papunta sa mga nagtitinda ng street foods. Mabilis na kumalam ang sikmura ko. Mas binilisan ko tuloy ang lakad ko papalapit doon. Napatawa si evan sakin dahil sa inakto ko. _____________________________ "Put this inside your bag, I'll carry it" ibinigay niya sakin yong libro ko at kinuha niya yong bag ko sa likod ko. Pinabuksan naman niya sakin yun at ako na ang naglagay ng libro sa bag ko. Pagkatapos ay isinabit na niya sa likod niya ang bag ko. "Anong gusto mo?" "Fishball" masayang saad ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay at ayan na naman siya sa ngiti niyang pinipigilan niyang kumawala. Mas lalo tuloy na nagpapakita yong dimple niya. "Ilan gusto mo?" "Ewan ko sayo" "20/20 kaya?" he looks so happy. Kitang-kita ko yun sa mga mata niya. Hindi niya alam kung paano itago ang nararamdaman niya, mabilis lang siyang basahin. "Hindi! 10/10 lang!" napatawa na siya tsaka tumango-tango. Sinabi niya sa tindera ang order namin. 10 na fishball at 10 na kikiam. Dalawang ganun. "Anong gusto mo? Sweet, spicy or this?" "Lahat pero kunti lang yong suka ha" saad ko. "Okay" pagkatapos niyang lagyan ng sauce ang sakin ay iniabot na niya sakin at sunod na nilagyan ng kanya. "Thank you" "You're welcome. Ano pa gusto mo?" "Siomai" ngayon lang ako nahiya ng ganito. Ilang beses na akong nagpalibre sa mga kakilala at kaibigan ko pero mukhang sakanya lang ako tinamaan ng hiya. Walangya. "20?30? What?" "20 lang uyy!" "Manang dalawang twenty nga po" natatawang saad ni evan sa nagtitinda. "Girlfriend mo hijo?" hindi ako tumingin sakanila. Nagpanggap akong walang naririnig. "Hindi pa po. Nililigawan ko palang po" "Ahh ganun ba, sana nga at sagotin ka na niya" "Sana nga po" nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagsulyap sakin ni evan. "But there's no need to rush naman po, mahihintay ko naman po siya" Tsaka lang ulit kami naglakad nung hawakan niya ang kamay ko. "May gusto ka pa?" tanong pa nito. Umiling-iling na ako at nagpaakay na sakanya. Hawak niya yong dalawang baso ng siomai at yong isang baso ng fishball at kikiam gamit ang isang kamay niya habang yong isa ay hawak ang kamay ko. Tumawid kami sa daanan at dumiretso sa aurora park. Humanap kami ng bench na bakante. Pa-rectangle itong aurora park. Sa gilid nito ay daanan ng mga sasakyan. Sa kabilang dulo naman ay bridge. Sa gitna naman ay may fountain. Sa mga gilid nitong park ay may mga bench na pangdalawahan lang. Umupo kami sa bakanteng bench medyo malayo sa fountain. Mahangin dito at sakto lang yong ingay ng mga sasakyan. Paharap akong um-indian sit kay evan habang siya naman ay nakatagilid sakin pero yong ulo niya ay medyo nakatabingi para maharap niya ako. "Careful baka mamantyahan yang uniform mo" saad nito. Tumango ako. "Thank you for letting me date you, shinette" "Gusto mo ba talaga ako?" tanong ko at sumubo ng fishball. "Yes" sinserong sagot niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Ilang sandaling nakipagtitigan sakanya. "Paano kapag lumayo ako?" "Susundan kita" diretsang sagot niya. "Paano kapag pinalayo kita?" "Isasama kita" "Seriously?" napatawa ako. Hindi siya sumagot at nananatiling seryoso ang kanyang mukha. Ipinagpatuloy kong kainin ang fishball at kikiam ko. Nung maubos ko na ay ibinigay na niya sakin yong baso ng siomai. "s**t I forgot to buy drinks. Wait for me here" "Okay" Nagmadali siyang umalis at hindi pa man masyadong nagtatagal ay nakabalik rin naman siya. Umupo siya ulit sa tabi ko. Rinig na rinig ko ang mabibigat niyang paghinga. Namumuo ang pawis sa noo niya na pinunasan niya rin naman gamit ang panyo niya. Binuksan niya yong bottled water at iniabot yun sakin. Ininom ko rin naman yun. "You don't need to rush naman, I can wait you know" natatawang ani ko. "I know, I just... don't want you to wait" napa-awang ang labi ko. Nag-iwas siya ng tingin. Katahimikan ulit ang namutawi. Ibinaling ko nalang ang paningin ko sa mga sasakyan. "Shinette..." tsaka lang ulit ako napatingin sakanya nung tawagin niya ako. "Bakit?" "I've never been in a relationship before, I never thought na papasok ako sa isang relasyon. Nakita kita sa mall noon but I didn't felt something so I guess its not love at first sight" tumigil siya para tumawa. Tinaasan ko naman siya ng kilay, naglalaro ang ngiti sa labi ko. Paano ba naman kasi para siyang kinikilig na nagku-kwento. "Then when I visit francis at your school, I saw you again. Minsan ko lang siyang dinadalaw noon at walang araw na hindi ako pumunta sa skwelahan niyo na hindi kita nakikita. I think its all started with that. Doon ako nagsimulang mahulog sayo" "To tell you honestly, wala kang pag-asa sakin" seryosong sabi ko sakanya. "Its fine. I can wait shinette, hanggang sa may pag-asa na ako. Hanggang sa tanggapin mo na ako" "Sinabi rin ng mga naging manliligaw ko yan but they all left" napatitig siya sakin tsaka siya bumuntong hininga. "Hindi ako katulad nila" "Well, we don't know" I shrugged. "Malay ko ba kung nagsisinungaling ka lang or malay mo kakainin mo lang rin ang sarili mong sinabi" Ibinaba niya ang baso ng siomai na kinakain niya pagkatapos ay hinarap niya ulit ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at seryosong tinitigan. "Seryoso ako sayo, shinette. I don't care if you don't believe me, I'll prove it to you hanggang sa maniwala ka na sakin" napakalalim ng titig niya sakin. Malumanay ang kanyang boses. Habang tumatagal ay pumupungay ang mga mata niya. "What do you know about love? As you have said, its your first time" "May nararamdaman akong hindi ko dati nararamdaman. Palagi kitang naiisip. I always wondering what were you doing, if you're okay or not. I always want to be with you, I always want to see you, believe it or not parang may kulang kapag hindi kita nakikita. I always end up missing you. I can see myself with you. I want you to be my future, my wife, but of course we need to pursue our dreams first. Hangga't hindi pa natin yun naabot I want to be by your side. What I know about love is you. You're my definition of love, shinette" hindi na ulit ako nakapagtanong sakanya ng dahil sa sagot niyang yun. Sumasagot nalang ako sakanya kapag may tinatanong siya. Nung hapon na ay umuwi na kami. Syempre inihatid niya ako sa bahay, siya rin ang nagbayad ng pamasahe. Lumipas ang mga araw na naging ganun ang sitwasyon. Palagi siyang dumadalaw sa school at kung may time siya ay inihahatid niya ako. Ayaw ko man pero mapilit siya kaya hinahayaan ko nalang. Nakita na rin siya ni mama isang araw pero sinabi kong kaibigan ko lang siya. Hindi naman sumama ang loob niya. Nandito kami ngayon sa tambayan kakagaling lang namin sa labas kanina at nananghalian. Kasama rin namin ngayon sina jake at francis. Wala si evan nagtext siya sakin kanina na hindi siya makakapunta dito dahil may kailangan siyang taposin. "Kyla..." mabilis kaming nagkatinginan na magkakaibigan nung marinig namin ang isang pamilyar na boses. s**t. Mabilis na napatayo si kyla at nilapitan si Edward tsaka niya ito inakay palayo. Naramdaman ko ang pagsipa ni ericka sa paa ko. "Who's that guy?" jake's asked. "J-just someone" si ericka ang sumagot. Halos masabunotan ko siya kasi naman napakahalata ang panginginig sa boses niya! Kinuha ko yong cellphone ko at i-tinext si rea pero hindi siya nagre-reply. "Excuse" paalam ko at lumayo. Nanginginig pa ang kamay kong itinipa ang numero ni rea. Ilang ulit ko pa siyang tinawagan bago niya tuloyang sinagot. "Where the hell are you?!" mahina ngunit may diin sa boses ko. "I'm with kyle we're having a date you know" kinikilig na sagot niya. This girl! "Babe lets go" nanlaki ang mga mata ko nung marinig ko ang boses ni kyle sa kabilang linya. "Wait lang babe" "Babe?!" hindi makapaniwalang tanong ko. "Ahh sinagot ko na pala siya" napatawa siya. "Gago nandito yong boyfriend mo!" unti-unting nawala ang pagtawa niya at napalitan yun ng mahinang mura. Yan landi pa kasi. Landi pa habang may boyfriend. Puta porket magkaiba sila ng school. "Babe tara na, male-late na tayo" napakagat ako sa pang-ibabang labi ko nung marinig ko ulit ang boses ni kyle. Oh my god papunta na sila dito! s**t rea!! "Shinette please gawa kayo ng paraan, hindi sila pwedeng magkita f**k! Paalisin niyo si edward dyan fudge!" mahinang saad ni rea bago tuloyang naputol ang linya. Gosh heto na naman po tayo! Nakakakonsensya na ang ginagawa namin! This isn't the first time. May time pa noon na muntik na ulit siyang mahuli. Paano ba naman kasi napaka-gaga niya! May boyfriend na nga, nagboboyfriend pa ng iba. Timer ang lola. Dinadamay niya pa kami sa kalokohan niya. Gosh! Nung makita ko si kyla ay mabilis ko siyang nilapitan. "Where's edward?" napatingin ako sa piligid. "Napaalis ko na s**t" pinunasan niya ang namumuong pawis sa sentinido niya. Nakahinga naman ako ng maluwag at sabay kaming bumalik sa bench na parang walang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD