Chapter 5

3038 Words
"Gaga ba't pumunta dito?" "Dinalaw daw ako putek hindi manlang nagpaalam sakin bago pumunta dito!" singhal ni rea. Napa-inom pa siya ng tubig. Nandito kami ngayon sa kotse niya at nag-uusap-usap. Tapos na ang klase namin. "Paano nalang kapag nagkita yong dalawa?! My ghad rea!" "Hindi yan" "Hiwalayan mo na yong isa!" "What?! No way?" nanlaki ang mga mata namin. Gaga ba talaga siya? "Oh come on rea buti sana kung hindi kami nadadamay" "Hindi na yun mauulit promise, pagsasabihan ko mamaya si edward" napatampal nalang kami sa noo namin at napabuga ng hangin. Hindi talaga ito nakikinig samin eh! "Ginagago mo yong dalawa rea, hindi ka ba nako-konsensya?" "Hindi ko sila gina-gago. Mahal ko sila--" "What the f**k? Ilan ba puso mo, dalawa?" sarcastikong saad ni kyla. Napa-irap lang si rea samin. "Buti sana kung flirt-flirt lang pero hindi eh. Talagang sinagot mo si kyle habang may boyfriend ka pa!" "Tsk boyfriend palang naman hindi asawa, gosh ang OA niyo!" "Hintayin mo nalang yong karma mo, bahala ka dyan" "Paki-bilisan kamo" pamimilosopo niya pa. "Aray! Langya ka!" natatawang singhal nito nung hinila ni ericka ang buhok ni rea. "Diyan ka na nga. Uwi na kami, gabi na" "Hatid ko na kayo" "Hindi na. Puntahan mo si edward, makipag-usap ka!" "Okay usap lang walang hiwalayan" nagflipped hair pa ang loka. "Usap lang walang hubaran puta ka!" bulyaw ni kyla sakanya dahilan upang matawa kami. Tuloyan na kaming nagpaalam at umuwi na. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpahinga ng ilang saglit bago nag-half bath pagkatapos ay nagsimula na akong magreview. Tsaka lang ako tumigil sa pagrereview nung tinawag na ako ni mama para kumain. Lumabas rin naman ako at dumiretso sa kusina. Mabilis lang naman akong natapos. Nagtoothbrush lang ako tsaka naghugas pagkatapos ay bumalik na ulit ako sa kwarto ko. Umupo ako sa kama ko tsaka inabot yong cellphone ko. Kinuha ko yong earphones ko tsaka nakinig ng radyo. Nag-online rin ako pagkatapos. Napalingon pa ako sa reviewer ko bago ibinalik ulit sa cellphone ko ang paningin ko. Konti nalang naman ang rereviewin ko kaya mamaya nalang. Kyla: How's the s*x-- I mean talk? @rea Ericka: Hahaha sigurado hindi yan papasok bukas, hindi na naman makakalakad hahahaha Rea: I'm still with him, peaceeee Kyla: The f**k? Rea: Sent a photo. Kyla: What the fuckkkkk Ericka: Gagoooo Shinette: Reaaaaa tanginaaaa hahahahaha Nanlaki ang mga mata ko sa sinend ni rea. Napakalandi talaga putek. Nagsend lang naman kasi siya ng picture nila ni edward. Pareho silang nakahiga. Mahimbing na natutulog si edward habang si rea ay naka-unan sa braso niya. Pareho pa silang walang damit. I mean hanggang balikat lang kasi yong picture at kita na wala silang suot. Rea: Hahaha gago makapagreact kayo akala niyo naman first time ko magsend ng pic dito kasama boyfriend ko Yeah hindi na ito ang una niyang magsend ng pic kasama si edward sa kama. Kapag nag-aaway sila, sa kama ang bagsak nila. Nakakapagtaka lang kasi si edward lang ang isine-send niya dito sa gc namin. I mean if Im not mistaken siya palang ang nakaka-s*x niya. Maybe she really loves edward pero hindi ko alam kong bakit nagta-timer siya. Palagi niya lang na sinasabi na mahal niya daw pareho o di kaya ay pampalipas oras lang ganun. Ang g**o niya. Kawawa naman si kyle nadamay pa. Kyla: Gaga tulog na yang boyfriend mo, ikaw gising pa! Seriously ang tibay mo pre hahaha Ericka: Nabitin yan for sure, naka ilang rounds kayo? Shinette: Tama na yan. Magpahatid ka na pauwi. Rea: Ako pa haha. Isang round lang kami gago, pagod siya sa school. Yeah bebe magpapahatid ako mamaya Shinette: Pumasok ka bukas. Rea: Sure hihi Kyla: Huy libre mo kami bukas ah Rea: Okeee. Sige na byeee. Love you guys Mag-o-offline na sana ako nung biglang mag-pop ang chat heads ni evan. Aksidente ko tuloy na na-seen yong chat niya. Evan: Kumain ka na po Shinette: Tapos na... Evan: Busy ka po? Shinette: Yeah magre-review pa 'ko may quiz kami bukas hayst Evan: Want dark chocolates? Bilhan kita Shinette: Gago wag na konti nalang naman na ang hindi ko pa narereview Evan: Uh okay... Shinette: Sige na byeee Evan: Okay goodluck pooo. Kaya mo yan! Chat mo 'ko after? Chat mo 'ko, chat kita?" Shinette: Baliw baka tulog ka na nun Evan: Nope may gagawin rin akong sketch eh Shinette: Okay chat nalang kita. Ttyl Nag-out na ako pagkatapos kong isend yun pero nakita ko pa ang huling chat niya pero hindi ko yun isineen. Evan: Ilu Tumayo na ako at dumiretso sa study table ko para ipagpatuloy ang pagrereview ko. Ilang ulit kong binasa ang reviewer at iminemorize ang mga definition niyon. Actually 2 to 5 words lang ang definition ng bawat parte ng katawan ang mine-morize ko basta nandun yong key point nun. Ilang oras rin ang lumipas bago ako tuloyang natapos. Nag-unat-unat ako tsaka lumabas para uminom ng tubig. Naghanap pa ako ng pwedeng kainin pero wala akong nakita. Nagtimpla nalang ako ng gatas bago bumalik sa kwarto ko. Kinuha ko yong cellphone ko at chinat si evan. Like lang ang isinend ko. Alangan naman ilu 2? Ilang sandali lang ay na-seen na niya ako. Evan: Quarter to 12 na, hindi ka pa matutulog? Shinette: Wow a pinag-online mo lang ako para patulogin? Natawa ako sa sinabi ko. Alam niyang gabi na ako natutulog sa tuwing magre-review kami at alam niya rin na mag-o-online talaga ako pagkatapos kong magreview kahit na hindi niya sabihin. Napataas naman ang kilay ko nung tumatawag na siya. Isinuksok ko ang earphones sa tainga ko bago ko sinagot yong tawag niya. "Hi" he sounds tired. Palagi rin kasing nagpupuyat to eh. "Matulog ka na, mukhang pagod ka" saad ko tsaka uminom ng gatas. Sumandal rin ako sa head board ng kama ko. "I still have things to do" napabuntong hininga siya. May narinig ako ingay sa kabilang linya. Its like a sewing machine. "Maingay ba? Lets chat nalang" "No its fine. Kumain ka na?" sagot at tanong ko. Isa sa napansin ko kasi sakanya ay dahil sa mga ginagawa niya ay nakakalimutan na niyang kumain. "Nah wala na akong time" "Wow ah pero may time kang landiin ako?" napatawa kami pareho. "Of course" "Epal mooo" "Matulog ka na, hating gabi na" "Later nagga-gatas pa 'ko" "Baby..." napatigil ako sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata. "What?!" hindi maka-paniwalang tanong ko. "You're like a baby" napahalakhak siya. Tumigil rin ang ingay ng makina. "Gago ang tanda ko na" "My kind of baby" "Oh my god evan kailangan mo na talagang matulog, may tama na ang utak mo" "Silly" natatawang aniya. "I wanna see you, can I come over?" "What?! No way! Matulog ka na dyan, gabi na!" mahina ngunit pasigaw na sabi ko baka kasi marinig nila mama. "Ayaw mo 'ko makita? Magtatampo na 'ko" "Malala ka na..." "Just kidding, sige na matulog ka na pagkatapos mong uminom ng gatas hmm?" "Matagal ka pa matatapos sa ginagawa mo?" "Yeah madalas 2am ako natatapos" "Really?!" "Concern ka? Don't worry para sa future natin 'to mahal" "Oh my god evan, ikaw pa rin ba itong kausap ko?" nakakatawa lang kasi napakagaling niyang magsalita kapag tawag o chat. Mas komportable pa ata siyang magsalita kapag tawag eh kaysa sa personal. Sabagay kahit naman ako yong nasa sitwasyon niya siguradong mahihiya ako kapag kaharap ko na kausap yong taong gusto ko. "Oh my god mahal hindi mo na 'ko nakikilala? Ako to si evan, asawa mo" walangyang lalaki pati tono ng pananalita ko ginaya niya. "Bahala ka nga dyan, matutulog na 'ko. Bye goodmornight" "Okay mahal, huwag mo pababayaan sarili mo dyan, malayo pa naman ako sainyo. Yong mga anak natin paki-kamusta nalang--" "Evan!!" mabilis akong napatakip sa bibig ko dahil napalakas ang boses ko. Napahalakhak siya. "Gago" natatawang sabi ko bago siya binabaan. Sakto naman na may kumatok sa pintoan ng kwarto ko. "Anak okay ka lang?!" rinig kong tanong ni mama. Tumayo ako at sumilip sa pintoan. "Im okay ma, nagkaroon lang ako ng masamang panaginip" "Gusto mo nang matulog si mama sa tabi mo?" "Hindi na ma, okay lang ako" "Sigurado ka?" "Opo" sagot ko. Lumapit naman siya sakin at niyakap ako. This is my home. Hinaplos-haplos niya ang buhok ko. Ang bilis ng panahon. Noon ang tangkad ng tingin ko sakanya, ngayon naman ay mas matangkad na ako ng kaunti kaysa sakanya. Lihim kong pinunasan ang tumulong luha ko. Kung mayaman lang sana kami edi sana hindi niya kakailanganin na malayo samin. ____________________________ "Gago inunahan mo pa si evan" "Kasalanan ko ba kung masyado akong gwapo?" pagmamayabang ni kyle sa kaibigan. Inakbayan niya si rea at ang haliparot kong kaibigan feel na feel naman ang pagsandal sa dibdib ni kyle. "Kailan mo ba sasagotin si evan, shinette?" baling ni jake sakin. "Does it really matter when? I mean importante ba talaga sainyo yun?" tanong ko. For me, kung talagang mahal mo ang isang tao ay handa kang sumugal at maghintay. Sumugal sa isang bagay na walang kasiguradohan, kung may pag-asa ka ba or wala. Handa kang maghintay na tanggapin at mahalin ka rin pabalik. Kung hindi ka niya mahal edi make her fall in love with you. Hindi yong manliligaw ka tapos sa una palang suko ka na. Kung wala ka na talagang pag-asa then let her go. At least you tried. Wala kang pagsisisihan. Nakakalungkot lang kasi nowadays karamihan ay ginagawa nalang nilang laro ang pag-ibig. Nanliligaw nalang sila kasi ayaw nilang nahuhuli. Nagjojowa nalang sila para may matawag na jowa. Tapos ang bibilis mang-iwan at magpalit ng bago. "Of course. Hindi ko sasayangin ang oras kong ligawan ang isang tao na hindi ako gusto" "Wow ah waste of time na pala ang panliligaw ngayon?" sarcastikong sabi ko. "Parang ganun na nga" tumawa siya. "Actually, I don't really care. Hindi naman ako ang nanliligaw, sila naman ang kusang nanliligaw sakin" "Mahulog ka sana sa isang babaeng hinding-hindi ka magugustohan" "You wish shinette" naka-ngising sagot nito. "Gago" "Tama na yan pinapatulan mo yong bata" natatawang awat ni francis. Sinamaan ko siya ng tingin. "I'm not bata! Dalaga na ako pwede na akong makulong just so you know" napairap pa ako. "And we're still 2 years older than you" "Talk to my palm" iniharap ko pa ang palad ko sakanya. Nagsitawanan naman ang mga kaibigan ko. "Pre dito!" napatingin naman kami sa kinawayan ni kyle. Tumayo si ericka na katabi ko at lumipat ng upuan. "Dito ka" natatawa pa nitong sabi kay evan at itinuro sa tabi ko. Tumango naman si evan at nagpasalamat bago umupo sa tabi ko. "Hi" bati nito sakin. Tipid ko lang siyang nginitian. Iniharap niya yong bag niya tsaka naglabas ng isang lunch box. "Here. Ginawan kita ng sandwich" "Katatapos lang namin kumain" I answered. Nilibre kami ni rea kanina. "Sa'kin na lang, gutom na 'ko" saad naman ni jake at kukuhanin na sana niya ang lunch box pero mabilis yun na iniiwas ni evan. "Kainin mo nalang mamaya hmm?" "Sure" sagot ko. Masama kayang tumanggi ng pagkain. Charot hindi talaga ako tumatanggi kapag pagkain na ang usapan haha. "Naku evan mamumulubi ka dahil sa babaeng yan. Malakas kumain yan" natatawang sabi ni ericka. Sinamaan ko siya ng tingin. "Its fine" nakangising sagot ni evan pagkatapos niya akong sulyapan. "Wala kang gagawin ngayon?" tanong ko sakanya. Madalas kasi na kapag pumupunta siya dito ay para mag-sketch lang. Akala mo naman walang bench sa school nila at dumadayo pa dito. "Wala natapos ko na. Bukas baka meron ulit" tumango-tango ako. "Sleep over tayo sa bahay niyo sa friday francis" maya-maya pa ay sabi ni jake. "Sige ba dala ka drinks?" "Yeah yeah" "Hoy sama rin kami" saad naman ni kyla. "Oo nga" sang-ayon naman ni ericka. "Sure. Kayo?" baling niya kila rea. "Game ako, ikaw babe?" -rea. Tumango si kyle. "Evan ikaw? Shinette?" "I'm in" -evan. "Titignan ko" sagot ko naman. "Okay sa friday" Napatingin naman ako kay evan nung pumangalumbaba siya. Naka-lean ang pisngi niya sa palad niya at nakaharap sakin ang mukha niya. Tinaasan ko siya ng kilay tsaka nag-iwas ng tingin. Nagpatuloy kami sa pag-uusap. Minu-minuto rin akong napapasulyap kay evan kasi natutulog na siya ngayon. Baka kasi mauntog siya sa sementong lamesa kapag gumalaw ang ulo niya. Palagi ba naman kasing puyat paanong hindi siya babagsak sa umaga. Nung hindi ko na siya natiis ay kinuha ko yong bag niya at inilagay sa lamesa. Maingat ko rin na inalalayan ang ulo niya at ini-unan sa bag niya. Mabuti nalang at hindi siya nagising. Pagkatapos ay ibinalik ko na ulit ang paningin at atensyon ko sa mga kasama ko. Nakita ko pa ang pagngisi ng mga ito dahil nakita nila ang ginawa ko. "So ano na nangyari pagkatapos?" pagbabalik ko sa dating usapan. Nabaling naman ulit ang paningin nila kay jake na natatawang ipinagpatuloy ang kwento niya tungkol sa naging girlfriend niya. Which is si Margarette. "She wants me to love her oh come on I just like her cause she's pretty" "Ang sama mo" sabi ni ericka at napasulyap pa kay rea. Pinaparingan. Syempre ang gaga mukhang wala lang sakanya. "Mas masama ang magpanggap na mahal ko siya, am I wrong? Im just being honest" he smirked. "Tsk. Francis hindi niyo ba kinakausap ang lalaking yan? Hindi niyo pinipigilan?" "He's already old enough. Alam na niya ang ginagawa niya tsaka isa pa kahit naman pigilan namin yan, hindi yan makikinig" "May kaibigan rin akong ganyan eh. Hindi nakikinig" natawa kaming magkakaibigan. For sure si rea ang pinaparingan niyan. "Enjoy your life guys. Have flings. Collect boyfriends/girlfriends. Lubos-lubosin niyo na hangga't wala pa kayong asawa" "Agree ako dyan" tumawa si rea at napa-thumbs up pa. "Babe!" mabilis siyang sinita ni kyle. "Gago kung ano-ano itinu-turo mo" baling niya kay jake. Tinawanan lang siya ni jake. Napatingin ako kay evan nung magising siya. Mahina siyang napamura at mabilis na tumingin sa relo niya. Nakahinga rin naman siya ng maluwag, siguro maaga pa. "I'm sorry nakatulog ako" tumango lang ako. "May kapuyatan yan kagabi kaya bagsak ngayon" saad ni francis. "Yeah right" sabi naman ni evan. Umayos siya ng upo at sumandal sa back rest ng bench. Ngumisi ito at nilingon ako. "Ayy may ibang babae shinetteee" "Uy wag ganyan baka magselos" kunwaring sita ni evan, sumisilay ang dimple niya sinyales na nangingiti siya. Inirapan ko siya. "Ikaw kasi kita mo nagalit na sakin!" singhal niya kay francis. He really have this mood na para siyang bata kung umasta. Minsan seryoso, minsan palabiro. Minsan maingay, minsan tahimik. Minsan parang ang matured pero minsan parang bata. "Sagotin mo na yan, kawawa" "No" si evan ang mismong sumagot. Bigla siyang naging seryoso. Maging ako ay natigil sa naging reaksyon niya. "Its just a waste of time evan--" "The f**k? Of course not! Its all worth it jake. Its all worth the wait. Kahit kailan hindi ko maituturing na sayang lang sa oras ang panliligaw ko sakanya. Please stop saying such nonsense to her" napabuntong hininga siya. Lumingon siya sakin. "I'm sorry about this shinette" pumungay ang kanyang mga mata. "Okay lang, no worries" "Okay I'm sorry, I'm a jerk" saad naman ni jake. Tumango sakanya si evan. Nagsalita si ericka at nagkwento para gumaan ang paligid. Ilang minuto pa ang lumipas nung magpaalam si evan. Sumama naman ako sakanya para ihatid siya sa gate. Ayaw pa sana niya but of course ako ang masusunod. Masakit na kasi pwet ko kakaupo doon kaya ginawa ko na ang paghatid kay evan na dahilan. Mamaya pa kase ang klase ko kaya hindi niya ako maihatid sa room. "What is it?" I asked. Kanina pa kasi siya parang may gustong sabihin pero hindi niya masabi. Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin ako. Humarap siya sakin. "Can I hug you?" napakamot siya sakanyang batok at nag-iwas ng tingin. Napatawa tuloy ako. "Forget it, tara na" mas lalo siyang nahiya. "Sige" napatitig siya sa'kin. Nagtatanong kung anong sige ang tinutukoy ko. "Its fine, you can hug me" lumiwanag ang mukha niya. Inilahad ko ang kamay ko like I was waiting for his hugs. Ngumiti siya at lumapit sakin. He towered me with his heights at ilang sandali lang ay niyakap na niya ako. Naihawak ko ang kamay ko sa bewang niya, nagdadalawang-isip kung saan ko ba dapat ilagay. I smelled his manly scent. He smells so good. Napansin ko rin na nagiging komportable na siya sakin sa personal. "Thank you" he whispered. Tumango ako. I felt him kissed the side of my head bago niya akong tuloyang bitawan. "You are worth it shinette, always remember that" Nung makarating na kami sa gate ay doon na niya ulit ako hinarap. "Anong oras matatapos klase mo mamaya?" tanong nito. "5" "7 pa sakin, can't pick you again" malungkot na saad niya. "Okay lang baliw" "Dadaan ako mamayang gabi sa bahay niyo, do you want anything? I'll buy it for you" "Ini-spoil mo 'ko" napa-crossed arms pa ako. Napangiti naman siya. "Did I?" "Oo kaya" napa-pout ako. "Does it bad?" he curiously asked. Mukhang natakot sa naging reaksyon ko. "Yes" "Really? Bakit?" "Pinapataba mo 'ko" ilang sandali siyang napatitig sakin bago nagpakawala ng halakhak. Pinanliitan ko tuloy siya ng mata. "You scared me to death, akala ko kung ano na" saad nito nung matapos siyang humalakhak. Walangya. "Mahal parin kita kapag nangyari yun, don't worry" sinserong saad nito. Actually matakaw talaga ako pero hindi ako tumataba. Namana ko kasi sa side ng papa ko. Yong dapat ikataba ko ay napunta sa height ko. "Tsk wag na maaga akong matutulog mamaya" "Uhh--" "Umalis ka na nga. Male-late ka na, bahala ka" mukhang natauhan naman siya. Nawala sa isip niya na may pasok pa pala siya. "Okay thank you sa paghatid, bantayan mo yong mga anak natin--" I glared at him. Ayan na naman siya sa mga kalokohan niya. "Just kidding. Okay bye" he wave his hands before leaving pero nakakatatlong hakbang palang siya nung bumalik ulit siya sa harapan ko. "I forgot to say something" "Ano yun?" "Eat your lunch later. Yong sandwich huwag mo rin kalimutan kainin..." "Okayyy" napataas ang kilay ko nung hindi parin siya umaalis. "May sasabihin ka pa?" "I love you mahal" bago pa ako makapag-react ay tumakbo na siya paalis na may malawak na ngiti sakanyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD