Chapter 6

3196 Words
I was busy packing my clothes when mom entered my room. Napasulyap ako sakanya pero itinuon ko rin naman ang paningin ko sa bag ko. Umupo siya sa kama ko kung saan ako. "Wala ka ng kailangan anak?" "Wala na ma" sagot ko at inilagay na ang huling damit ko sa bag ko. "Yong underwear mo? Sipilyo? Nandyan na?" napangiti ako. "Of course ma" "Bukas ka rin uuwi?" "Opo, sleep over lang po kami ngayon" "Baka naman kung ano-ano na ginagawa mo anak ha" humarap ako sakanya. Inilagay ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tainga niya tsaka ko siya niyakap. "Ma huwag kayong mag-alala, alam ko ang ginagawa ko" "Alam ko anak. May tiwala ako sayo. Pero minsan hindi ko maiwasang mag-alala" mahina niyang tinapik-tapik ang likod ko bago tuloyang humiwalay. "Anak may sasabihin ako sayo" bigla akong natigilan. Mukhang alam ko na kung ano ang sasabihin niya. "Tumawag yong agency kanina may amo na daw ako sa Cyprus" "A-ahh" tanging yun nalang ang nabigkas ko. "Sa susunod na Linggo na ang alis ko" napalunok ako ng wala sa oras. Parang may bumabara sa lalamunan ko. Noong bata ako she said the same thing pero parang wala lang saakin noon yun kasi nga bata pa ako. Ang tanging alam ko noon ay aalis lang siya saglit pero yong saglit pala ay naging taon. Walong taon. Kahit minsan noon ay hindi siya nagbakasyon. Naaalala ko pa nun na sa sulat pa kami nag-uusap nun. Ilang buwan pa ang aabotin bago makuha ang sulat galing sakanya kasi hindi pa naman uso saamin ang cellphone nun. Ngayon na dalaga na ako ay ramdam na ramdam ko na yong sakit. Sakit na malalayo ako sakanya. Kami sakanya. At sakit sa katotohanan na mararanasan rin ng kapatid ko ang naranasan ko noon. Ang lalaking walang ina sa tabi niya. *** "Cheers!" nagsitawanan kami at sabay-sabay na itinaas ang baso namin. Rinig na rinig ang tunog ng mga babasaging baso. Ininom ko ang laman ng shot glass ko at mabilis na nagsalin ng panibagong drinks. Kumuha rin ako ng lemon at asin tsaka isinubo, tangina ang pait ng drinks. Ang sakit sa lalamonan. "Akala ko ba pupunta si evan? Ba't wala pa siya? Shinette wala ba siyang sinabi sayo?" napalingon ako kay francis. Umiling-iling ako tsaka tumungga ulit. "Ayan na pala eh" hindi ako lumingon. Alam ko naman na uupo siya sa tabi ko. At yun nga ang nangyari. Nilagyan ko ng ice cubes ang baso ko tsaka nilagyan ng alak bago ininom. Napapikit pa ako sa sobrang pait. Nung magmulat na ako ng tingin ay naabotan ko si evan na nakatitig sakin. Nakabukas ang tatlong butones ng kanyang polo. Magulo ang buhok at pagod ang mukha. Nilagok ko ang baso ko para makuha ang isang ice cube at hinayaan yun na matunaw sa bibig ko. "Gusto mo tubig?" Evan asked. Umiling-iling ako. Tumango siya tsaka nagsalin ng alak at nilagok yun pagkatapos ay pinaglaroan niya ang ice sa loob ng kanyang baso. "Buti hindi nagagalit magulang mo francis?" kyla asked. "Nope. They were out of the country for a business. Nextweek pa balik nila. Ako nga hindi nila napapansin, ginagawa ko pa kaya?" pagkatapos niyang sabihin yun ay lumagok siya ng alak. Napatingin ako sa malaking bahay nila. Ang ganda. Nakakakuha talaga ng atensyon pero sinong mag-aakala na sa loob niyon ay may isang tao na naghahangad ng atensyon sa kanyang pamilya. Napangiti ako ng mapait. We all have personal problems. Magkakaiba pero pare-parehong nagdudulot ng sakit. Kakaibang sakit. "Eh yong mga kapatid mo?" "Isinama nila yong bunso. Yong isa tulog na. Si ate nasa trabaho pa baka pauwi na rin yun" "Akala ko ikaw panganay" "Nope. She's 2 years older than me. Siya ang boss" napatawa siya. Nakikita ko sa mga mata niya ang saya sa tuwing nababanggit ang mga kapatid niya. "Yong tumira sa Ilocos ba ang sinasabi mo?" tanong ni kyle. "Yes. Hindi niyo pa yun nakikilala. Yong dalawang kapatid ko lang ang kilala niyo" napatango-tango si kyle. Si rea naman ay nasa tabi niya at namumula na ang pisngi. Tinatamaan na ata ng alak. "Ikaw kyle may kapatid ka?" tanong naman ni ericka kay kyle. Oh I forgot about her having crush on him! "Yeah. Isa. Lalake. Mas bata kaysa sa'kin" "Ikaw jake? For sure wala" "Tumpak ka dyan" natatawang sagot ni jake. Nag-thumbs up pa ito bago uminom. "How about you evan?" napatingin naman kami kay evan na nasa tabi ko lang. Biglang naging tahimik ang paligid. Kita ko ang pag-iwas ng tingin ng mga kaibigan niya. Nilagok muna ni evan ang natitirang laman ng baso niya bago siya umayos ng upo at tipid na ngumiti. "Nabuo ako dahil sa pagkakamali ng nanay at tatay ko" seryosong saad niya. Natutok ang atensyon ko sakanya "What do you mean?" tila mas naging interesado si ericka. "My parents aren't married. My mom is my father's affair" paano niya nagagawang sabihin yan sa harapan namin? Is he not ashamed about that? Si papa nga nambabae at sobrang ikinakahiya ko na yun tapos siya anak ng pagkakamali ipinagsabi niya pa? "Eh ang ama mo at ang pamilya niya nasaan?" "They already dead. Car accident" "Oh my god" "Nakita ko lang sila sa picture. My mom just told me about this" "So you're with your mom now?" "Nasa bahay siya sa Bulacan. Ako naman nag-a-apartment. Mas malapit lang sa school kumpara sa bahay" Ang tanging alam ko lang sakanya ay nag-a-apartment siya. I didn't know na he have that kind of family issue. "How do you feel--" "That's enough ericka. Swimming tayo?" Pagpapatigil ni jake. Maybe he knows na hindi na komportable si evan sa dami ng katanongan niya. "Okay tara guys swimming!" Napasulyap sa'kin si evan at tipid na ngumiti. "Wanna swim?" he asked. Tumango ako. "Ikaw?" "Nah. I'm tired" "Tara na shinette palit tayo" pagtawag sakin ni kyla. "Magpapalit lang kami" "Okay" I'm expecting him to protest or what but he didn't. Tumayo na ako at naglakad pasunod kila kyla. Dumiretso kami sa guest room at doon nagpalit. I was wearing a white high cut one piece swimsuit. We're not that conservative naman. Para sa'kin may mga conservative talagang tao at meron din naman hindi. I mean yong iba they want to wear revealing clothes but they don't have enough guts to wear those. Maybe they were afraid na hindi yun babagay sakanila or dahil natatakot/nahihiya sila na baka hindi yun bagay sa paningin ng iba, either way. Pagkatapos namin ay lumabas na kami at bumalik sa pool area. Nagswi-swimming na ang mga lalake nung makarating kami. Tanging si evan nalang ang nakaupo sa ground malapit sa pool. Nag-shower lang kami sa gilid pagkatapos ay tumalon na sa pool. "Ang lamig geez!!" napatili si kyla. Nagsitawanan naman ang mga lalake. Sumisid ako sa ilalim hanggang sa halos mahalikan ko na ang tiles at lumangoy papunta sa kabilang dulo. Sunod-sunod na malalalim na hininga ang pinakawalan ko nung maabot ko ang dulo nitong pool. I brushed my hair using my fingers at nagpahinga ng ilang saglit bago lumangoy ulit pabalik sa kabilang dulo. "Evan paabot nga yong baso ko" I asked him pagkaahon ng mukha ko sa tubig. Kinuha naman niya yun at lumapit saakin para ibigay. "Here" "Thanks" "Huwag ka na masyadong magbabad baka magkasakit ka" saad nito bago kinuha yong wala ko nang laman na baso dahil ininom ko na. Tumango ako at lalangoy na sana ulit pero ngayon ko lang napansin na suot ko parin yong necklace ko na binili ni kyla para saamin. "Uhh I forgot to remove my necklace. Evan please?" tumalikod ako sakanya at itinaas ang buhok ko para matanggal niya yong lock ng necklace ko. Ibinaba niya muna ang baso bago mas lumapit sa pwesto ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang kamay niyang tumatama sa batok ko habang tinatanggal ang lock ng kwintas ko. Nagdudulot yun ng kiliti saakin. Nung matanggal na niya na ay humarap na ulit ako. Ikinapit ko ang kamay ko sa gilid ng pool. Hanggang balikat ko ang tubig. Nag-angat ako ng tingin sakanya. Sinalubong ko ang mga titig niya. Kung dati ay nag-iiwas siya ng tingin sa tuwing tumititig na ako sakanya, ngayon naman ay matapang niyang sinasalubong ang mga titig ko. Siguro dahil nakainom siya? O sadyang komportable na siya. Halos mapakurap ako nung hawiin niya ang ilang hibla ng buhok kong tumatakip sa mukha ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin nung mahina niyang pitikin ang noo ko. "Ahon na its already cold, baby" __________________________ Maaga palang nung magising ako dahil uhaw na uhaw na ako. Napahawak ako sa ulo ko dahil nahihilo pa ako. Kinuha ko yong brush ko sa bag ko at pumasok sa banyo. Nagmumog ako at naghilamos bago nagtoothbrush. Pagkatapos ko ay lumabas na ako sa kwarto at bumaba para uminom. Tulog pa yong mga kaibigan ko sa kwarto. Sa katabing kwarto lang din natulog ang mga lalake pero wala akong ingay na naririnig doon, siguro bagsak rin ang mga yun. "Good morning ma'am, may kailangan po kayo?" isa sa kasambahay nila francis ang lumapit saakin nung makita niya akong pababa sa hagdan. "Water please, thank you po" "Manang pakikuha nga rin yong gamot pang-hangover" napatingin ako sa sala kung saan nanggaling ang boses. Tumaas ang kilay ko nung makita ko si evan doon kaharap ang mga sketch pad, papel na nagkalat sa maliit na lamesa sa harapan niya at may mga nahulog pa, at ang mga iba't-ibang klase ng ballpen at lapis. May mga maliliit pang-paste at mga paint. Iba't-ibang kulay. "Good morning" "Good morning" bati ko rin at umupo sa couch kaharap niya. Ilang sandali pa ay lumapit na saakin ang kasambahay na may dalang tray na naglalaman ng baso ng tubig at gamot sa gilid. "Sayo yan, inomin mo" rinig kong sabi ni evan. Akala ko para sakanya. Ininom ko nalang. "Ipagtitimpla kita ng gatas--" "Naku ser ako na, ipagpatuloy niyo nalang yang ginagawa niyo" pagpapatigil ng kasambahay at mabilis na bumalik sa kusina. Tinaasan ko lang si evan ng kilay Napatingin ako sa papel na nasa paanan ko. Nanlaki ang mga mata ko nung makita ang isang sketch doon. A dress. Umupo ako sa sahig at pinulot yun. Ang gandaaa. "Gawa mo?" I asked. "Yeah. Scratch" he answered like it was just nothing. What the heck ang ganda kaya! Pinulot ko yong isa pa... at yong isa... tsaka yong isa pa... at isa pa at madami pa akong pinulot hanggang sa mapulot ko lahat ng nasa sahig. Tangina ang gaganda kasiii! Ni hindi ko namalayan na napulot ko na pala lahat! Napatingin ako kay evan at sa kinukulayan na niyang drawing. Napatingin siya sakin nung mapansing nakatingin ako sakanya. Umawang ang kanyang labi at nagpalipat-lipat ang tingin sa mga papel na hawak ko at sa mukha ko. "Ako na maglilinis niyan mamaya, tataposin ko lang to. Inomin mo na yong gatas mo" saad nito. Ni hindi ko namamalayan na nandito na rin yong gatas na tinimpla ng kapitbahay. "Anong gagawin mo sa mga toh?" "Itatapon--" "Itatapon?!" mas umawang ang kanyang labi sa naging reaksyon ko. Itatapon niya lang ang mga ito, seriously?! Oo may mga hindi pa natatapos na sketch at yong iba madumi at yong iba naman ay may kaunti lang na lumagpas na kulay pero ang gaganda ng mga yun! "Yes why?" "Sayang!" "Sayang?" "Ang gaganda kayaaaa! Kukuhanin ko na kung itatapon mo lang naman!" niyakap ko pa yong mga sketch na hawak ko at sinamaan siya ng tingin. Napatawa siya. Itinigil ang ginagawa at sininyasan ako na umupo sa tabi niya. Sumunod naman ako. Medyo inilayo ko pa yong mga papel baka kasi kuhanin niya. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. I knew it kukuhanin niya talaga! Mas lalo ko yong inilayo. "Give it back to me. Papalitan ko nalang ng bago, baka nextweek pa madami pa kasi akong kailangan ihabol" "Ayokooo, sayang ang gaganda kaya! Tsaka ang tagal ng nextweek baka hindi na tayo close niyan" "Seriously?" "Taposin mo na yan, hindi ko 'to ibabalik sayo. Bahala ka dyan" inirapan ko siya bago naglakad pabalik sa couch na kaharap niya. Kinuha ko yong gatas at ininom yun. Gumaan pa ang pakiramdam ko dahil sa mga nakita ko. Pinanood ko siya sa pagkukulay niya. Ang galing niya. Nakakainggit. Napaka-smooth lang ng galaw ng kamay niya. Sanay na sanay. Kung maganda na yong mga kinuha ko, yong ginagawa naman niya ngayon ay napakaganda! Hindi niya pa yun natatapos pero tangina ang ganda talaga! Gown yun na kulay red tapos pa-V yong harapan at backless naman sa likod. Abot hanggang paa at may slit sa gilid nun. Maging yong babae na naka-drawing ay ang ganda! Nakalugay ang buhok nun. Oh my god how to be him?! Paano niya nagagawang makapagdrawing ng ganyan kaganda? "Evan ang ganda" wala sa sariling saad ko. Napatingin siya sakin. "Yeah, ang ganda" he said while looking into my eyes... directly. I pouted. Nagsimula naman na sumilay ang dimple niya. Nangingiti. "Ituloy mo na nga yan" I said and looked away. Tsaka ko lang ibinalik ulit ang paningin sakanya nung nagpatuloy na ulit siya sa ginagawa niya. Gusto ko pa sana siyang tanongin ng mga kung ano-ano pero pinili ko nalang na itikom ang bibig ko baka kasi nakakaisturbo na ako masyado sa ginagawa niya. Uminom siya kagabi but he still manage to woke up early para gawin ang mga 'to. Ganun ba talaga sila ka-busy? Akala ko noon wala siyang pakealam sa pag-aaral niya pero nagkamali ako kasi mukhang mas pursigido pa siya kaysa saakin. I mean I'm determined naman pero may something kasi sakanya na mas angat at hindi ko alam kung ano yun. Lumipas pa ang ilang minuto bago siya tuloyang matapos. Napabuga siya ng hangin at nag-stretch. Napatitig ako sa ginawa niya. Walang kupas. Ang ganda talaga. Gusto ko tuloy na kuhanin. Huhu. "Can I take a picture of it?" tanong ko. "You can take this instead. Gagawa nalang ako ng bago" nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiling-iling. Ang tagal niyang ginawa 'to tapos ibibigay niya lang saakin kasi gusto ko? My god evan. "Okay lang seryoso" saad pa nito. I know he's really sincere but its just that I can't really accept it. Lalo na't alam kong pinaghirapan niya yun. "Kukuhanan ko nalang ng litrato" saad ko at mabilis na bumalik sa kwarto para kuhanin yong cellphone ko. Tulog na tulog pa ang mga kasama ko nung madatnan ko sila. Ang dami kasi nilang ininom kagabi. Bumaba rin naman ako nung makuha ko ang cellphone ko. Kinuhanan ko nga ng picture yong gawa ni evan. "Evan smile! 1 2 3" napangiti ako nung makita ko yong picture ng gawa niya na hawak-hawak ko at sa likod nun ay si evan. Ang cute ng pagkakakuha ko. Nung tanghali na ay umuwi na kami ni evan. Bagsak pa kasi yong mga kaibigan namin nun kaya nagpaalam na kami at sinabing mauuna na kaming umuwi. Syempre inihatid ako ni evan saamin, sa workshop kasi siya dumiretso at sakto na madadanan niya sa bahay. Kahit naman iba ang direksyon ng pupuntahan niya ay siguradong ihahatid niya muna ako bago pumunta sa pupuntahan niya. "Kamusta sleepover niyo anak?" tanong ni mama pagkahiga ko sa kama. Kinuha niya yong bag ko at siya na ang naglabas ng mga gamit ko. "Masaya ma. Nagswimming kami kagabi" she doesn't know na umiinom ako so I didn't bother to mention it. "Ano 'to anak?" napasulyap ako sakanya. "Scratch po yan ng kaibigan ko ma. Itatapon niya dapat yan pero kinuha ko na, sayang. Ang gaganda kaya, diba ma?" "Sayang nga at ang gaganda pa naman para itapon lang" mom answered. Sabi na eh maganda talaga! "Si shaira ma?" "Tulog pa nasa kwarto" isinabit niya yong bag ko sa gilid nung mailabas na niya lahat ng laman nun. "Oh siya sige anak, magpahinga ka na muna at maglalaba lang ako" tumango ako bilang sagot. Mabilis ko lang naman na nakuha ang tulog ko. Madilim na sa labas nung magising ako. Bumangon na ako at lumabas sa kwarto ko. Tapos na rin na magluto si mama nun kaya kumain na kami. Wala si papa hindi ko alam kung nasaan. Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. Nagpunas rin ako ng lamesa. Nung matapos na ako ay dumiretso ako sa banyo para magtoothbrush at maghalf bath. Mabilis lang din naman akong natapos. "Ma hindi ka pa matutulog?" tanong ko kay mama nung maabotan ko pa siya sa sala na nakaupo. "Hihintayin ko lang ang papa mo anak" sagot niya at tumingin na ulit sa pintoan. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya at the same time ay lungkot. "Matulog ka na anak, gabi na" Napabuga ako ng hangin. "Opo. Goodnight ma" saad ko at humalik sakanyang pisngi bago tuloyang pumasok sa kwarto ko. Umupo ako sa kama ko at sumandal sa headboard. Kinuha ko rin ang cellphone ko at nag-online. May text pa si evan pero wala na ako sa mood kaya hindi ko na binasa. May mga chats rin sa gc pero hindi rin ako nagseen doon. Naalala ko naman yong picture na kinuhanan ko kanina. Ang cute talagaaa. Maganda rin yong ngiti ni evan sa picture. Fresh na fresh ang loko na akala mo hindi uminom o napuyat kagabi. Ilang sandali pa akong napatitig doon hanggang sa mapagdesisyonan kong i-my day. Nilagyan ko pa ng caption na 'designer' Ilang minuto ang lumipas. Ang daming nagreact at nagreply. Ang mga iba ay hindi ko kilala pero familiar. Ang iba rin ay kilala si evan. Ang dami rin nagsabi na ang ganda daw ng drawing at design. May mga nagtatanong rin if he's my boyfriend. Pero syempre ni isa sa mga nagreply ay hindi ko sinagot o i-seenin manlang. Mga kaibigan ko lang ang nireplyan ko syempre baka magwala mga yan. Nag-pm pa naman sila. Ericka: Ano yan ha? Ano yan? May naganap ba kaninang umaga na hindi namin alam? Shinette: Gago pinanood ko lang siya sa ginagawa niya *** Kyla: Hoy nakapag-my day pero hindi manlang nagsi-seen sa gc! Ipinagpapalit mo na ba kami? Porket may evan ka na? Ang sama mo huhuhuhuhu Shinette: Gaga! Hahahaha tinatamad lang ako magtype sorryyy. Peace yoww *** Rea: Omgggg kayo na noh??! Shinette: Seriously bakit si evan ang napapansin niyo? Eh yong gawa naman niya ang talagang fline-flex ko :( Rea: Syempre we already saw a lot of his works na and its all pretty amazing. Ang importante ngayon saamin ay kung ano na kayo Shinette: We're still human duhhh Rea: Pakyu Shinette: Hahaha baliw walang kami. Pinanood ko lang siyang gumawa. Rea: Bwisit ang tagal mong mahulog! I just reacted haha on her last chat. Nagtingin-tingin ako ng my day ng mga friends ko pagkatapos ay nanood ako sa youtube. I was silently laughing while watching some pranks when I suddenly got a notification from evan. Evan reacted ❤️ on your story. Evan replied on your story. Kasabay nun ay ang pag-pop ng chat heads niya. Nagdadalawang isip pa ako if babasahin ko yun o hindi but in the end namalayan ko nalang na pinindot ko na. Evan: ❤️ Evan: Your designer, mahal
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD