"Anong gagawin ko? Wahh!" kanina pa pabalik-balik ng lakad si rea dito sa classroom namin. Pumunta kasi siya dito para magtago.
"Ano na naman ba kasi ang pinag-awayan niyo at pupunta na naman dito para suyoin ka?" kunot-noong tanong ni ericka.
"Hindi ko pa siya nakakausap since friday night"
"What?! Why?!"
"Kasi naman natulog ako hanggang gabi nung sabado tapos kahapon grounded ako and ngayon charan tangina!"
"Wow buti nakapagreply ka sa my day ko samantalang yong boyfriend mo dimo chinat" saad ko naman. "Admit it kausap mo si kyle magdamag nung sabado ng gabi, I saw your story sa dummy account mo"
Yeah may dummy account siya at yun ang binigay niyang account kay kyle. Yong totoong account naman niya ay naka-private at yun naman ang ginagamit niyang pan-chat kay edward.
"Oo na" she pouted.
"Hiwalayan mo na si edward"
"No! I love him"
"Bahala ka kapag nahuli ka rea" umiling-iling si ericka. "Oh nagchat si kyla nasa room niyo na daw si edward"
"Oh my gosh" napatutop siya sakanyang labi.
"Kyle texted, hinahanap ka" saad ko naman nung makatanggap ako ng text galing kay kyle.
"f**k baka pumunta siya sa room!!" mabilis niyang kinuha ang cellphone niya at nagtipa doon. "H-hon!" she called edward on the phone. "I-I'm at your condo. Where are you? Yeah I'm f-fine. What you're at my school?! Balik ka na dito I'm waiting for you. Okay hon. I love you" pagkatapos nun ay ibinaba na niya ang cellphone niya.
"How about kyle?"
"Ako na bahalang magpaliwanag mamaya sakanya. Kailangan ko munang puntahan si edward ngayon" nagmamadaling saad niya.
"May klase ka pa"
"Wala na. Sige na, bye girls love you"
"Sige na. Hindi ka naman namin mapipigilan. Sa tigas ba naman ng ulo mo" napatawa lang si rea sa sinabi ni ericka. Tuloyan na rin itong lumabas sa classroom namin.
Lumabas rin naman kami ni ericka at dumiretso sa tambayan. Nandun na sila francis nung makarating kami. Magkakasunod lang kami nila kyla at kyle na dumating.
"Oh where's rea?"
"Nagka-emergency sa bahay nila" sagot ni kyla.
"Ahh"
"Wala ata si evan?" pag-iiba ng usapan ni kyla. Tsk sa'kin na naman mapupunta ang usapan for sure. Tama nga ako kasi sabay-sabay pa silang napatingin saakin.
"Ewan ko kahapon pa yong huling chat niya sakin" sagot ko. Ni hindi niya pa nasi-seen yong reply ko sakanya kahapon. Ewan ko ba kung nasan yun o kung anong ginagawa niya. Bahala siya. Its not my life.
"Wala rin paramdam saamin eh" sabi naman ni francis.
"Uh baka busy"
"Palagi naman busy yun"
"Baka naman nag-away kayo?" pag-uusisa pa ni kyla.
"Hindi noh ba't naman kami mag-aaway?"
"Sabagay"
"Kyle you okay?" nabaling naman ang atensyon namin kay kyle. Mukhang hindi siya okay. Kanina pa siya nagtitipa sa cellphone niya.
"Yeah. I'm just worried about her" napabuga siya ng hangin at malungkot na nagbaba ng tingin. Na-guilty tuloy kaming magkakaibigan. He don't deserve this. Oh my gosh I felt so bad. Paano nalang kung malaman niya? Kung malaman ng mga kaibigan niya? Ano nalang ang sasabihin nila kay rea? Sa amin? Ang tigas naman kasi ng ulo ni rea, ginagawa niya lahat ng gusto niya kahit na against kami doon.
"Don't worry she'll update you later for sure" sabi ni kyla. Saaming tatlo alam kong siya ang mas nakakaramdam ng guilt. Kitang-kita ko rin yun sa mga mata niya na pilit niyang itinatago.
"Bro c'mon tsaka ka na mag-alala kapag may ibang lalake na siya" sabi naman ni jake. Mas lalo kaming natahimik nila kyla at ericka. Hindi lang basta lalake. He is rea's boyfriend. Rea's true love.
"Nananghalian na kayo? Tara kain tayo, gutom na 'ko" saad ni ericka.
"Oo nga tara na gutom na rin ako"
"Kumakain ba kayo sa karinderya? Mamaya panay fastfood o di kaya ay restaurant lang ang kinakainan niyo?" tanong ni kyla. Nagkatinginan ang tatlong lalake. Rich kid kasi mga yan eh.
"Yeah of course" sagot ni francis.
"Sure?"
"Oo kaya. Evan treat us there sometimes" saad naman ni francis.
"Ohh tinadhana ata talaga ang dalawa ah. Si shinette rin ang sumanay saamin na kumain sa karinderya" naka-ngiting saad ni kyla.
"Gaga" pabiro ko siyang inirapan at nauna nang naglakad. Sumunod naman sila.
Sa labas ng school ang karinderya. Malapit lang naman yun kaya mabilis lang kaming nakarating. Pinaupo namin yong mga lalake at kaming tatlo nila kyla at ericka ang nag-order pagkatapos nilang ituro ang gusto nilang ulam. Libre rin ni kyla ngayon.
Tinawag naman namin sila francis at jake para tulongan kami sa pagbuhat ng plato. Kumuha rin kami ng softdrinks pagkatapos ay dumiretso na kami sa lamesa. Bumalik pa ako dun para kumuha ng mga baso, kutsara at tinidor.
"Paborito ni rea yan" saad ni kyla kay kyle na ang tinutukoy ay ang ulam na napili ni kyle. Tumaas naman ang kilay ni kyle at ngumiti.
"Really?"
"Oo"
"Paborito rin ni evan yan" saad naman ni jake na ang tinutukoy ay yong ulam ko. Sweet meat and pancit.
"Yeah the meat but not the pancit. Yong maliliit na pancit ang gusto ni evan eh" -francis.
"Pancit bihon?" tanong ko. Etong yellow na pancit kasi ang gusto ko. Well, gusto ko rin naman yong pancit bihon pero mas gusto ko itong pancit na kulay yellow (I don't know what to call this hihi).
"Yeah pancit bihon!"
"Ahh" napatango-tango ako. Nagsimula naman na kaming kumain. Syempre hindi nawawala yong kwentohan namin habang kumakain kami.
"Uyy oo nga pala, totoo ba na iisa lang ang babae niyong mga sisid marino? I mean pinapapasahan niyo ganern" tanong ni kyla. Nakatinginan sila tsaka sabay-sabay na natawa.
"Alam niyo ang tungkol dun?"
"Baliw mabilis na nakakarating ang tsismis you know. So, totoo nga?"
"Yeah but not in our section" natatawang sagot ni francis. "Muntik rin na pinatulan ni jake yong babae"
"Gago ang creepy niya kaya! Sinundan ba naman ako sa cr"
"Seryoso?!" hindi makapaniwalang tanong namin. Napatawa rin kami.
"Yeah pero that was a month ago tsaka isa pa nagtransfer na rin yong babae"
"May bago na naman silang nililigawan eh. Nakita ko na yong babae, she's pretty hot chic but the thing is wala pang nakakapagpasagot sakanya" sabi naman ni francis.
"Ohh baka ako palang" naka-ngising saad ni jake. "Ay baka ako pala ang sasagot sakanya. I don't do court you know"
"Gago ang yabang" nagsitawanan ulit kami.
Ang gaan lang sa pakiramdam na nakikita silang masaya. Meeting them was so unexpected. Who would have thought na yong mga marino lang na pinag-uusapan lang namin noon ay naging kaibigan na namin ngayon?
You really don't expect who will come and go in your life. To those who stays and leave in my life I really do appreciate them. I'm grateful to have met them. Umalis man sila but the memories are still in my mind. I still cherish them.
"Lets take a picture send natin kila rea at evan" inilabas naman ni francis yong cellphone niya para yun ang gamitin namin.
Pagkatapos naming kumain ay nanatili pa kami doon ng ilang minuto bago tuloyang bumalik sa school pero hindi pa man kami tuloyang nakakapasok sa gate ng school nung mapatigil kami.
"Kyla..." he isn't familiar. Napatingin ako kay kyla. Mukhang inaalala kung kilala niya ba yong lalake.
"Yes?" kunot-noong tanong niya.
"I've been looking for you"
"Why?"
"I'm the guy at the bar lastweek, don't you remember me?"
"Uhh so? May kailangan ka?" mukhang tuloyan na niyang naalala yong lalake but not his name, I guess?
"I want you" the guy said. Napatawa si kyla, maging kami ni ericka. Ang mga lalake naman ay napanganga. Lumapit si francis kay kyla at may ibinulong dito. Tumango naman si kyla. Tumaas naman ang kilay namin nung umakbay si francis kay kyla.
"Sorry but I already have a boyfriend" kyla said and left the guy dumbfounded. Sumunod rin naman kaming umalis.
"Kyla what was that?" tanong ni francis nung tuloyan na kaming makalayo.
"A fling, muling nabuhay" natatawang sagot ni kyla. Kung si rea ang palaging linya ay 'mahal ko siya' si kyla naman ay 'a fling, muling nabuhay.' Mga gaga talaga ang mga yan. Kapag linya ni rea nakakapag-init ng ulo pero yang linya ni kyla nakakatawa. Paano ba naman kasi dapat daw ang fling pang-one day lang. Parang itinuturing niyang patay na yong mga naka-fling niya kaya kapag bumalik yong naka-fling niya ay yan ang sinasabi niya.
"What?!"
"Get used to it nalang"
"So this isn't the first time na bigla-bigla nalang na may maghahanap sayo at sasabihing he wants you? Seriously?" kunot-noong tanong ni francis.
"Naging fling ko lang mga yun, alam naman nila yun. Nakakainis lang kasi nahahanap nila ako"
"I didn't know you were serious when you said you have flings" seryosong saad ni francis. Natahimik kami.
"Kyla its not good to see a girl doing that thing" saad naman ni jake.
"You're doing it too, what's the difference?" tanong ni kyla.
"I'm a guy and its normal for us to do that"
"Wow ah normal?" sarcastikong tanong ni kyla. Napabuga ng hangin si jake.
"I'll drive you home, wala ka nang pasok diba?" sabi ni francis kay kyla. Hindi pa man tuloyang nakakasagot si kyla ay nahila na siya ni francis palayo.
___________________________
Evan:
Don't forget to eat.
Shinette:
Ang aga mo ah...
Kanina pa ako nakatitig sa last convo namin ni evan. Nung Linggo pa yan, eh martes na ngayon. Ano bang nangyayari sa lalaking yun? Is he fine? May problema ba siya? Should I chat him? Or call him? Oh gosh Im going insane.
"Should we visit him on his apartment? Or workshop?" nag-angat ako ng tingin nung magsalita si kyle. Kita ang pag-aalala sa mga mukha nila.
"Tinawagan niyo na ba siya? Baka nasa school niya" saad naman ni ericka.
"Oo pero nakapatay yong cellphone niya"
"Shinette hindi mo parin ba nakakausap?"
"Nope" umiling-iling pa ako. "How about his mother's number? Baka umuwi sakanila?" tanong ko.
"Lets wait until tomorrow" francis said. Sabay-sabay naman kaming napabuga ng hangin bago tumango-tango. "We gotta go may klase pa kami. Kayo? Hatid na namin kayo"
"Mamaya pa saamin. Kayo kyla?"
"Mamayang tanghali pa" sagot naman ni kyla.
"Okay. Kita nalang tayo mamayang tanghali dito?"
"Yeah okay"
"Babe pasok na kami. I love you" kyle said and gave rea a smack kiss.
"Goodluck. Love you too" saad naman ni rea. Ngumiti si kyle at kumaway saamin bago sila tuloyang umalis.
"Rea you really should stop now" malungkot na sabi ni ericka. "You can't love them both. Iisa lang ang pwede mong pakasalan sa huli. You better stop now bago pa mas lumala lahat"
"Ericka--"
"Rea listen to us please. We don't want to lie anymore. Nakaka-konsensya. Kyle is a good guy but its not good to play with his heart, ganun din si edward" pagpuputol ni ko sa sasabihin ni rea.
"You are being happy now and that happiness of yours will cause a different kind of pain to them rea. They are also human baka nakakalimutan mo lang" saad naman ni kyla. Napabuga ng hangin si rea.
"Soon. Naghahanap lang ako ng tiempo. Sorry kung nadadamay kayo" tumayo siya at pumagitna saamin tsaka niya kami niyakap.
"Nagkaayos na ba kayo ni edward?"
"Oo, hindi niya ako natitiis"
Napabuga ng hangin si kyla. "Hayst rea ano pa bang kulang kay edward at bakit nagagawa mo siyang pagtaksilan?" malungkot na tanong ni kyla. Oo may mas nauna pang lalaki kaysa kay kyle. Matagal na sila edward at rea but at the same time nagagawa parin siyang pagtaksilan ni rea.
"N-nothing" napailing-iling si rea. Namumuo ang kanyang mga luha. Tumingala siya para pigilan ang pagluha niya.
"Just tell us if you have a problem hmm? Kahit kayo ericka at shinette. We're friends here. Walang lihiman"
***
Pagkatapos kung maghalf bath ay naabutan ko si mama na naghuhugas. Lumapit ako sakanya at niyakap siya. Lumingon naman siya sakin at hinalikan ang gilid ng ulo ko bago ipinagpatuloy ulit ang paghuhugas niya.
"I love you ma"
"I love you too anak. May kailangan ka ba?" natawa ako.
"Ma naman nag-I love you lang ako may kailangan na agad ako?" nagtatampo kunwaring tanong ko. Napatawa rin siya.
"Anak mababasa ka. Umupo ka muna"
"Matutulog na ako ma. Love you, goodnight" I said and kissed her cheeks.
"Goodnight anak"
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay sakto naman na tumunog ang cellphone ko. Lumapit ako sa study table ko at kinuha ko yun. Nanlaki ang mga mata ko nung makitang unknown number yun pero mabilis rin naman akong na-disappoint nung makitang hindi yun ang number ni evan.
"Hello?"
"Hi" a familiar voice said. Nanlaki ang mga mata ko.
"Evan!" mabuti nalang at na-control ko ang
boses ko at hindi ko yun masyadong nalakasan baka mamaya marinig ni mama sa labas.
I heard him chuckled. Walangya may gana pa siyang tumawa diyan! Pagkatapos niyang hindi magparamdam ng tatlong araw!
"Labas ka"
"Huh?"
"Kuhanin mo na rin yong gamit mo, itatanan na kita" he chuckled again. "Gago" may narinig akong ibang nagsalita. May kasama siya.
"Just kidding baby. Labas ka na, nasa labas ako ng bahay niyo" mabilis kong naibaba ang cellphone ko at patakbong lumabas tsaka lang ako napatigil nung lumingon saakin si mama.
"Bakit anak?"
"Wala ma, kukunin ko lang yong paper works sa ka-group ko, nasa labas siya" napatango naman si mama. Sakto naman na narinig namin ang pag-iyak ng kapatid ko kaya pumasok na si mama sa kwarto.
Pagkalabas ko ay bumungad saakin ang dalawang lalake. Familiar yong lalake, ahh siya yong maingay na kasama niyang nagti-t****k!
"Hi" the guy said. I smiled back.
"Hi"
"Alvin Lamar" pakilala niya at naglahad ng kamay.
"Shinette Mendigorin"
"Nice to meet you"
"Nice to meet you too"
"Oh pa'no ba yan mauuna na ako. Bye" he said. Tumango naman si evan at ibinigay ang cellphone sakanya, nagpasalamat pa siya dito. Nakitawag lang siya kanina thats why iba yong number. "Bye shinette" paalam niya at tuloyan na siyang umalis.
Natahimik naman kami nung kami nalang ni evan ang natira. He fake a cough. Tinaasan ko lang siya ng kilay, I even crossed my arms.
"I miss you" he pout his lips. "Can I hug you?" tanong niya pa. Sinamaan ko siya ng tingin. Napaawang ang labi niya pero sumisilay ang ngiti niya. "Nasira yong cellphone ko" hindi ulit ako nagsalita. Hinihintay siyang mag-explain kung bakit siya nawala ng tatlong araw. Kung saan lumalop siya ng mundo napunta at kung anong ginawa niya sa loob ng tatlong araw na yun! "Naging busy ako sorry"
"May pa I'll make time- I'll make time for you ka pang nalalaman noon tapos bigla kang nawala ng tatlong araw dahil naging BUSY ka?"
"Sorry na"
"Yan lang? Wow ah pinag-alala mo yong mga kaibigan mo! Pinag-alala mo kami tapos sorry lang?" inis na tanong ko. Mas lalo akong nainis nung napangiti siya.
"Nag-alala ka para sakin?"
"Dyan ka na nga! Bahala ka sa buhay mo. Huwag ka na naman ulit magpaparamdam tapos babalik ka ulit kung kailan mo gusto at sasabihin na SORRY" tatalikuran ko na sana siya pero mabilis niya akong napigilan. "Ano?" singhal ko at binawi ang kamay ko.
"Hindi na mauulit, sorry na" mukhang natakot siya. Para na siyang bata na takot na takot dahil nakagawa siya ng kasalanan. Inirapan ko siya.
Yumuko siya at kinuha ang isang box na nakalapag sa gilid ng paa niya. Ngayon ko lang napansin. Medyo may kalakihan yong box. Inilahad niya yun sakin. Kumunot ang noo ko.
"I did this for you that's why nawala ako ng tatlong araw. Sorry naaa"
"Ano yan?" tanong ko.
"Will you marry me--"
"Sige mamilosopo ka pa iiwan talaga kita dito" singhal ko. Napatawa naman siya.
"Buksan mo nalang sa loob"
"Ayoko nga mamaya bomba yan!" mas lalo siyang natawa.
"Ayaw mo? Pinaghirapan ko pa naman 'to tsaka sigurado pa naman akong magugustohan mo 'to" pinanliitan ko siya ng mata at kinuha na yong box. Hindi naman yun masyadong mabigat. Napangiti siya.
"Kapag ito hindi ko magustohan sasapakin kita--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nung niyakap niya ako.
"You'll like it for sure" he whispered. "I miss you. Malaman palang na nag-alala ka sa'kin ay bayad na yong puyat at pagod ko para magawa yan. It took me three days but atleast not a week, right? Sabi mo kasi masyadong matagal yong isang linggo eh" nanlaki ang mga mata ko nung mapagtanto ko kung ano ang sinasabi niya. Parang gusto ko tuloy na buksan ngayon na yong box!
Humiwalay siya sakin ng may ngiti sakanyang labi. I felt bad tuloy kasi sinigaw-sigawan ko siya kanina.
Pinauna niya akong pumasok bago siya tuloyang umalis. Masaya akong pumasok sa kwarto ko at mabilis na binuksan yong box.
Mabilis kong kinuha yong parang album na nasa loob ng box. Binuklat ko yun at nanlaki ang mga mata ko nung makita ang mga laman niyon. Mga gawa niyang design ng mga damit! May mga men's at women's wear. Meron din yong gown na ginawa niya kila francis noon! Ang dami niyang ginawa at lahat yun ang gaganda! Ang weird lang nung iba, siguro dahil hindi ako fashionable na tao kaya ganun ang paningin ko. But for him its a fashion.
Lahat ng drawing niya ay may signature siya sa baba nun. Horizontal line tapos may nakasulat na evan then sa gilid niyon ay araw na lima lang ang rays. Ang cute.
Napatitig naman ako sa huling page. It was a bridal gown. Fishtail yong shape nun. Sobrang ganda. Yong pagkaka-kulay niya ay talagang alam mong iningatan niya ng bongang-bongga. Maging yong pagkakalagay ng mga glitters at maliliit na crystals ay napakaayos. Wow.
'Can't wait to see you wearing that, baby. I love you'
Your future husband,
-Evan Shine Lavin