ANG MULING PAGKIKITA *** Nagpatuloy lang siya sa paghila sa akin hanggang sa marating na namin ang dalampasigan at makita namin ang isang bangka na papaalis na sakay ang dalawang lalaking timawa. "Umalis kayo!" Ang sabi ng Dakilang mamamatay dahilan para mabilis na umalis sa bangka ang dalawang timawa. Kahit nagtatakha parin ako kung bakit niya ito ginagawa ay sumakay nalang ako ng bangka. Sumakay narin siya dito at mabilis na nagsagwan palayo sa Isla. "B-Bakit ka nagbalik?" Tanong ko sa kanya kaso hindi nanaman ito umiimik. "Bakit mo ako iniligtas??" Tanong ko kaso parang wala siyang naririnig at patuloy lang sa pagsasagwan. "Ayaw mong magsalita ah!" Mabilis akong kumilos para sunggaban siya at hablutin ang itim na telang nakatakip sa mukha niya. Natigilan ako at napaawang nalan

