ANG HUWAD *** Pagkalabas ko ng silid ay nadatnan ko si Ginoong lumad at Dilan na nakaupo sa sahig, habang kaharap ang isang maliit na mesa kung saan nakahain ang mga nilagang kamoteng kahoy at saging. Nabaling naman ang atensyon nilang dalawa sa akin at napansin kong hindi pa sila nagsisimulang kumain dahil parang hinihintay pa nila ako. Kaya naman lumapit na ako sa kanila at umupo na ako sa tabi ni Ginoong lumad, pag-upo ko ay agad narin kaming nagsimulang kumain at habang kumakain ay.. "Ako ay babalik muna sa ating banwa upang mangalap ng mga mandirigmang maaari nating makasama sa ating pag-aaklas laban kay Datu Kalis" Ang sabi ni Ginoong Lumad na ikinatigil ko sa pagkain. "Kung gayon ay maaari ba akong sumama?" Tanong ko naman na ikinailing niya. "Paumanhin ngunit hindi maaari, m

