ANG PAGBAWI SA PUOD NG RAHA *** MAKALIPAS ANG TATLONG ARAW.... Matapos ang ilang araw na pagsasanay ay handa narin ang lahat upang sumalakay kay Datu Kalis. At bukas na bukas pagputok ng araw ay sisimulan na ang pagmamatyag sa puod kung nasaan si Datu Kalis dahil sa pagsapit ng gabi ay magaganap na ang gagawin naming pagsalakay. Nakatagilid ako ng higa ngayon habang nakatitig sa mukha ng Ginoong katabi ko. Mahimbing na siyang natutulog at hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil napakaamo ng mukha niya kapag tulog. "Infairness, kahit papano maswerte narin ako na napangasawa ko ang ganito kagwapong ginoo sa panahon na to" Sabi ko sa isip ko habang pangiti-ngiti kong tinititigan ang kabuuan ng mukha ng Ginoo. Napalunok nalang ako nung maramdaman ko nanaman ang mabilis na pagkabog ng pu

