PAGHANGA *** Nagising akong wala si Ginoong lumad sa tabi ko, marahil ay hindi siya natulog sa silid namin kagabi pero.. "Saan naman siya nagpunta?" napaisip pa ako at... "Teka nga bakit ko ba iniisip yun? bahala siya sa buhay niya hmm" Umalis na ako sa kama dahil pakiramdam ko ay napakainit at naiinitan ang buong katawan ko, parang gusto kong maligo. Actually kahit walang shower dito gabi-gabi naman akong naliligo sa may batis, kagabi lang hindi, dahil natrap ako sa gubat tss. "Mahal na Bai, pinapatawag na po kayo ng mahal na Datu upang sumalo sa kanilang agahan" Sabi ng kararating lang na si Liway. "Sige" Tugon ko naman. Inayos ko lamang ng kaunti ang aking sarili pagkatapos ay lumabas na kami ng silid at nagpunta sa kinaroroonan ng Datu. Pagdating namin doon ay nadatnan namin

