ANG PAGTUGIS SA ANAK NG DATING RAHA *** Tanging tunog lamang ng mga kuliglig ang naririnig ko sa paligid, at tanging buwan na lamang ang nagsisilbing tanglaw ko sa madilim na gabi nito sa loob ng gubat. Nanghihina narin ako dahil sa gutom at uhaw, naubos na rin ang lakas ko sa pagpupumilit kong makaalis sa kinalalagyan ko ngayon. "Hays napakamalas ko naman, paano pa ko makakaalis dito ngayon? tss dito na ba talaga ako mamamatay?" Napapapikit na ang aking mga mata hanggang sa may marinig akong mga boses sa hindi kalayuan. ******* "Bai!, Bai Haleya! nasaan ka?"Rinig kong sabi ng pamilyar na boses. "S-Si Liway ba 'yun?" Nung mapagtanto ko kung kaninong boses iyon ay nagkaroon ako ng kaunting lakas para sumigaw. "Liway!? Liway nandito ako!" Sigaw ko. Narinig ko namang papalapit ang ila

