PATIBONG *** Nakaupo ako ngayon sa kama na gawa sa kawayan habang pinupunasan ni Liway ng basang tela ang mga paa ko. "Mahal na Bai, napakahusay talaga ng inyong ipinakita kanina, ako ay labis na namamangha" Ang sabi ni Liway sa akin habang nakangiting pinupunasan ang mga paa ko. "Salamat Liway, ang totoo niyan, sa kasalukuyang panahon kung saan ako namumuhay ay isa ako sa pinakamagaling sa larangan ng pagpana sa aming eskwelahan" Ang sagot ko sa kanya. "E-Eskwelahan?" Nakatingalang tanong sa akin ni Liway. "Ahmm eskwelahan o paaralan, bakit wala bang ganun dito?" Tanong ko. "Wala po aking Bai." Sagot nito dahilan para kumunot ang noo ko. "Kung ganun ay paano matututong magbasa at magsulat ang mga bata, ang mga tao dito kung wala namang paaralan?" Tanong kong muli. "Tanging

