HANDOG *** Naalimpungatan ako ng wala na si ginoong lumad sa tabi ko kaya naman bumangon na ako at umupo. Napansin ko naman sa kalapit na mesa ang isang baso ng tubig kasama ang mga nilagang kamote at hinog na bunga ng papaya. "Gising na pala kayo aking Bai" Ang sabi ni Liway na kakapasok lang sa loob ng silid at may mga dala dalang nakatiklop na tela. Ngiti lang ang itinugon ko sa kanya bago siya umupo sa kama. "Aking Bai, ipinaaabot ito ni Ginoong bandi sa iniyo, bilang isang handog" Sabi niya sabay abot sa akin ng mga tela. "Handog? para saan naman?" Tanong ko, ngunit maging si Liway ay walang alam kung para saan ang handog ng ginoo kaya naman kinuha ko na lamang ito. Nung buklatin ko ang tela ay isa pala itong terno ng damit at saya, kulay pink ito na may mga burda gamit ang kula

