ANG MASAMANG BALITA *** Sumapit na ang gabi at ngayon ay nakaupo lang ako sa kama habang pinapakinggan ang malakas na pagbagsak ng ulan, ramdam ko na rin ang lamig kaya naman binalot ko na lamang ng kumot ang katawan ko para kahit paano ay mainitan ito. Hihiga na sana ako nung biglang pumasok sa loob ng silid si Ginoong lumad, sinundan ko siya ng tingin pero hindi ako nito pinapansin.. "Ano ako hangin? tss" Asik ko sa isip ko bago ako tuluyang humiga at magsaklob ng kumot sa mukha. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ng humiga na sa tabi ko ang ginoo, ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin at nagpahila na lamang ako sa antok na nararamdaman ko. ******* Naalimpungatan ako na para bang may kung anong mainit na bagay na nakabalot sa akin.. "Ang init sa pakiramdam, ang sarap t

