ANG PAGPATAW NG PUTONG *** Naalimpungatan akong magaan ang pakiramdam, iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang natutulog na Ginoo, habang nakayakap ang isa niyang braso sa tiyan ko. Napangiti nalang ako nung maalala ko nanaman ang nangyari sa amin kagabi sa may batis. Hindi ko alam kung mali ba o hindi ang ginawa namin pero.. "We're married naman diba?" Hinaplos ko ang gwapo niyang mukha na lalong nagpangiti sa akin. Napansin kong naaalimpungatan na siya kung kaya't inalis ko na ang kamay ko sa mukha niya. Nagmulat ang mga mata niya at nung makita niya ako ay sumilay ang ngiti nito sa labi. "Aish, ang pogi, woke up like this ang peg" "Lumad" "Hmm?" "Iniibig kita" "Iniibig din kita" Hinalikan niya ako sa pisngi tsaka niya inunan ang ulo ko sa mga braso niya. Napan

