ANG HILING NG GINOO *** Nagising akong wala na sa tabi ko si Ginoong lumad kaya naman nakakunot noo akong napabangon sa hinihigaan ko. "Ang aga niyang nagising hmm" Tatayo na sana ako nung biglang.. "O gising na pala ang aking kabiyak" Rinig kong sabi ng kararating lang na si Ginoong Lumad, nadako naman ang tingin ko sa dala niyang mga nilagang saging at hinog na papaya. Inilapag niya ang mga iyon sa isang maliit na mesa atsaka siya lumapit sa akin at umupo sa higaan namin. "Kumain kana at nang tayo'y makalisan na" Malambing na sabi nito na ikinalunok ko. "S-Saan tayo tutungo?" Tanong ko sa kanya na tinugunan lang niya ng matatamis na ngiti at pagkatapos ay tumayo na siya para puntahan ang mga pagkaing dinala niya, kaya naman tumayo nalang din ako at lumapit sa kanya. Pagkatapos ng

