ANG LUNAS *** Nanghihina na ang mga tuhod ko dahil sa walang tigil na pagbagsak ng mga luha ko. "P-Ponza, pakiusap, bigyan mo sila ng lunas" Ang sabi ko na ikinangisi niya lang sabay halukipkip ng mga braso niya. "Ilayo mo muna sa aking leeg ang iyong kampilan at ibigay mo ito sa akin, ngayon din!" Singhal nito sa'kin na ikinalunok ko. "Ano pa ang iyong hinihintay? hindi mo ba nais makuha ang lunas?" Singhal nanaman nito sa akin dahilan para manginig na ang mga kamay ko sa galit. Huminga ako ng malalim bago ako mapilitang ilayo sa leeg niya ang kampilan na hawak ko. "Mahusay, ngayon naman ay ibigay mo ito sa akin" Ang sabi ni Ponza na ikinasinghap ko. "H-Hale..ya wa..ag" Rinig kong sabi ni Dilan na ikinalingon ko sa kanya at nagulat ako nung samantalahin iyon ni Ponza para agawin sa

