ANG TAKSIL *** Naalimpungatan akong ramdam ang sakit sa ulo ko, iminulat ko agad ang mga mata ko at nangunot ang noo ko nung bumungad sa akin ang asul na langit at madahong sanga ng mga puno. Natigilan ako nung mapagtanto kong nakahiga ako ngayon sa isang higaan na gawa sa kawayan at nakatali ang mga kamay at paa ko rito. "Damn! what's this, nasaan ako!?" Nagpupumiglas ako habang inililibot ko ang aking paningin sa paligid. At sa dami ng mga matataas na puno at halaman sa paligid ay alam ko ng nasa loob ako ng isang gubat. "Pero paano ako napunta dito!?" Pinilit kong magpumiglas para makalas ang pagkakatali ng mga kamay ko sa hinihigaan ko kaso sobrang hirap. "Arrgg! sino bang may gawa nito sa'kin! Aish!" Asik ko sa isip ko. "Tuloong! tulungan niyo ako!" Halos mapatid ang lalamuna

