BIHAG *** Naalimpungatan ako na may masakit sa tagiliran ko, iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang bubong na gawa sa mga tuyong dahon ng anahaw. Inilibot ko ang aking paningin at wala akong ibang nakita kundi ang apat sa sulok ng kubo na mukhang abandonado na at hindi na natitirahan. "Nasaan nanaman ba ako?" Bumangon ako dahilan upang mas tumindi pa ang sakit na nararamdaman ko sa may tagiliran ko, nung tignan ko ito ay may puting tela na nakapulupot sa may tiyan at tagiliran ko. Napakunot ang noo ko at sandaling napaisip, at natigilan ako nung bigla nalang magflashback sa akin ang lahat ng mga nangyari. "Y-Yung Dakilang mamamatay" Pinilit kong makatayo dahilan para makaramdam ako ng kaunting pagkahilo na halos ikabuwal ko. Lalabas na sana ako sa kubo nung bigla nalan

