ANG DAKILANG MAMAMATAY *** "Sino ba yang tinutukoy mong Dakilang mamamatay? batid mo ba ang kanyang ngalan?" Bigla kong natanong dahil nacucurious ako sa katauhan niya. Dahilan upang tumigil si Ponza sa paglalakad kaya napahinto na rin ako. "Walang may batid ng tunay niyang ngalan, kung kaya't ang bansag sa kanya ng lahat ay dakilang mamamatay, wala ring nakakakita ng kanyang pagkakakilanlan o mukha sa pagka't lagi itong may takip na itim na tela at tanging ang kanyang mga mata lamang ang makikita." Mahabang litanya ni ponza na marahan ko namang tinatanguan. "Ahh eh, bakit naman siya kinakatakutan kung mag-isa lamang siya?" Tanong ko sabay halukipkip ng mga braso ko, naningkit naman ang mga mata ni ponza at sinabing.. "Sa pagka't siya'y may kakaibang taglay na lakas at husay sa pakik

