ANG BANWA NI PONZA *** "K-Kung ganun ano ang mga nakita mong kailangan kong gawin u-upang makaalis na ako sa panahon na ito?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig ako sa mga mata niya at umaasang sa wakas ay malaman ko na rin ang sagot kung paano ako makakabalik sa kasalukuyan. "P-Paumanhin ngunit, bukod sa nakita kong nakasuot ka ng isang gintong putong (Korona) ay wala na akong ibang nakita pa" Sagot nito na ikinatungo niya. "P-Putong?" Tanong ko habang nakakunot ang noo. "Isang putong na yari sa ginto na ipinapatong sa ulo" Ang sabi ni Ponza na ikinatigil ko. "Is it a c-crown? ha? seriously? bakit naman ako magsusuot ng korona aish! ang labo naman" Asik ko sa isip ko, nabaling naman ulit ang atensyon ko kay ponza nung hawakan niya ang mga kamay ko. "Napakapalad mo Shai, sa pagka

