Habang naghihintay kay Zieg na babalik sa kwarto, inaliw ko nalang ang sarili ko para hindi ako mabored. Nanood ako ng spongebob Squrepants sa malaking flat scree. Mabuti nalang may Pizza sa loob ng ref kaya ito agad ang nilantakan ko. Hanggang ngayon na bo-bothered parin ako kung anong pinag-uusapan nila ni Zieg sa ibaba. Alam ko naman kasing may seryoso silang usapang apat kaya syempre hindi niya ako isinama. Tsk ano bang kinatatakutan ni Zieg at ayaw niya akong isama sa ibaba. Alam ko naman ang pag-uusapan nilang apat , tungkol siguro sa nangyari sa mansyon. Paano kaya yong mga men in black at mga katulong? Posible kayang mag ha-hire ulit si Zieg ng panibago. Namatay kasi lahat ng katulong at maid kaya malamang mag ha-hire nanaman siya ng bago. "I'm back" Napalingon ako sa likod ko

