Carter POV "Lucifer suma-impyerno ka, dinggin mo ang kahilingan ko na sana mabuhay pa ako sa ibabaw ng lupa, na sana matapos akong panain ni Misis Chen ngayon mabubuhay pa akong muli dahil kawawa ang mga babaeng nag mamahal sa akin. At itong kagwapohan ko, kaya sana dinggin mo ang hiling ko dahil di pa ako ready na mawala, konti palang nabiktima kong masasarap na babae. Magpapaka bait na talaga itong kagwapohan ko" Pikit matang sabi ko Nagtaka ba kayo dahil para akong timang na nanalangin kay Lucifer na iligtas niya ako. Nasa bingit lang naman ng kamatayan itong kagwapohan ko. Naka gapos ako ngayon sa malaking kahoy samantalang sina Superior nasa may di kalayuan nireready na yong pana para tuhogin ako, lintik!. "Zieg, paano ba ito mahawakan ng maigi para deretso na sa puso ni Carter it

