Hanna's POV "Hanna!" sigaw niya at saka nagmamadaling lumapit sa akin dala ang napakalaking maleta. Agad niya akong niyakap na parang may taning na ang buhay ko kaya kailangan niya iyon gawin kung hindi ay huli na ang lahat. Seriously? Saan ba kasi nanggaling ang bruhang 'to? "Huhuhu.. Natakot talaga ako nang tumawag sa akin si Arkin at sabihing dinala kayo sa ospital," umiiyak niyang paliwanag at saka humiwalay nang pagkakayakap sa akin. Kumunot na lang ang noo ko sa kanya dahil hindi pa rin nagpoproseso sa utak ko ang pagkawala niya ng ilang linggo! For God sake! Tapos hindi ko man lang napansin?! Masyadong in love 'te? At ano kayang sinabi ng Arkin na iyon sa kaibigan ko aber? Siguradong ginawa niya lang iyon para makabalik na dito si Monica. And speaking of Arkin, siya lang naman a

