Dan's POV "Dan, please! Hindi mo puwedeng gawin ito sa akin! You can't just leave me like this and expect me to be okay about it! Yung voice record alam kong inedit mo lang iyon! Minahal mo naman ako hindi ba?! Mahal naman natin ang isa't isa, so we don't need to end up like this!" pagmamakaawa niya habang bumubuhos ang mga luha at nakaluhod sa harap ko. Kanina pa ako naiinis sa kanya dahil ayaw niya akong paalisin. Lagi niya akong hinahatak at pilit nakikipagbalikan kahit sinabi ko naman na sa kanyang pinagpustahan lang namin siya ng mga kaibigan ko. Pati ang voice record ng pag-uusap namin noong time na pinagpustahan namin siya ay binigay ko na rin at pinarinig sa kanya pero hindi siya naniniwala. It's not even my problem kung pumatol siya sa kalokohan namin. "Mahal ang isa't isa? Na

