Hanna's POV Hanggang sa pag-uwi ko sa bahay ay dala-dala ko ang tanong ni Dan na hindi ko nagawang sagutin. Hindi ko pa alam kung kaya ko na ba sagutin ang tanong niya dahil nalilito pa ako at may banta pa sa mga buhay namin. Iniisip ko rin na baka dahil magkasama kami kaya may nagtatangkang pumatay sa amin. Nagsimula ang naman itong lahat noong maging close kami. Kung may iba pa mang rason, hindi ko na alam. Pinauwi na si Dan at maaari na siyang pumasok bukas. Kung sakali man na ibato niya ulit sa akin ang tanong na ibinigay niya sa ospital, malamang sa malamang ay hindi ko ulit ito masasagot. Balak ko munang iwasan ang tanong na iyon hanggat maaari. Balak ko munang pakiramdaman ang sarili ko kung ano ba ang tunay kong nararamdaman para sa kaniya. Dumagdag pa sa isipin ko ay ang itina

